Hermione's POV
Sinundan ko si Luke hanggang sa may garden, hanggang sa matisod ako at napasubsob sa damuhan. Siya naman ang pag-alalay sa akin ni Luke para makatayo mula sa pag kakasubsob sa damuhan.
Nang sulyapan ko siya,hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin ng expression ng mukha nito. kung Galit ba ito or hindi? Sa akin ? Sana naman hindi.
Nang makatayo na ako, doon naman niya ako binitiwan at tinalikuran.
" L-Love..."
" Do you really love me? "
" O-oo naman "
Hinarap niya ako na may halong galit.
" Pero ano yung nakita ko ha! Naghahalikan kayo at hindi ka man lang pumalag mula pag hahalikan niyo?! Ngayon sasabihin mo sa akin na mahal mo ako ?"
Pansin ko na may luhang lumabas mula sa mga mata nito .
" H-hindi ko naman idea yun eh, hi-hindi ko alam na gagawin iyon sakin ni Shawn Maniwala ka naman sakin "
" Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko, ang masakit lang kasi...hindi ka pumalag. Siguro gusto mo rin ang halik na yun ano ? "
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ni Luke nagulat naman ako sa ginawa ko. Natigilan siya sa ginawa ko at napalinga-linga ito.
Nag-walk-out siya sa harap ko, napaupo naman ako sa damuhan at napahagulhol na lang sa kaiiyak..
Luke's POV
Pumasok ako sa loob ng kwarto nina Shawn, ngunit wala ito sa loob ng kwarto niya. Tanging si Cassandra lang ang naratnan ko sa loob ng kwarto.
" Nasaan si shawn? "
" Nasa cocktail lounge"
Padabog ko'ng isinara ang pinto ng kwarto nila, nakayukom ang mga kamao ko habang tinatahak ang daan patungong cocktail lounge.
Nang makita ko siya roon sa may bartender table. Hinablot ko ang kwelyo ng damit niya at sinapak siya.
Ngunit nagtaka ako dahil hindi man lang ito lumalaban sa akin.
" How dare you to kissed her, huh ?! Do you like her ?"
" Pag sinabi ko ba'ng YES anong gagawin mo ?! "
Naiyukom ko na naman ang kamao ko at handa na itong dumapo sa mukha niya subalit dumating si Hermione at inawat ako.
Napalayo ako ng bahagya kay Shawn
" Ano ?! Pinagtatanggol mo ang Shawn na yan ngayon huh ?!"
Bulyaw ko kay Hermione.
" Hindi, Luke. Ayaw ko lang nakikita kayong nag-aaway dahil sa akin. Kung ako ang puno't dulo ng gulong ito huwag kayong mag-alala, ako na mismo ang aalis at hindi niyo na ako makikita kahit kailan ! "
Hindi ako makakibo sa sinabi niya, tinalikuran na niya kami. Sinamaan ko ng tingin si Shawn ng sulyapan ko ito. At sinundan si Hermione hanggang sa kwarto nito.
Pilit kong ibinabalik sa closet ang mga damit niyang pinapasok sa bag nito.
" Stop it "
Ngunit hindi ito nakikinig, iyak lang ito ng iyak.
" You can't stop me, Luke. Kung noon nagpapigil ako, ngayon hindi na. Tama na ito, nasaktan ko na ang lahat. Nagkagulo-gulo ang pamilya niyo nang dahil sa akin. Akala mo ba hindi ko alam na dahil sa akin kaya hindi na kayo magkasundo ngayon ni Shawn. Hindi ko naman ginusto ito, eh. Kung hindi lang sana ako umibig sa isang tulad mo hindi sana ako magiging rason para magkagulo ang pamilya niyo "
Nang maipasok na niya lahat ng gamit niya sa bag, binitbit na niya ito subalit isinara ko ang pinto upang hindi siya makalabas.
" Iiwan mo ako ? "
" Kung kinakailangan Oo, Luke. Kalimutan mo nalang ako, tama naman ang Tito mo eh. Hindi ako ang babaing karapat-dapat sayo, siguro ikasasaya nila kung..maghihiwalay na tayo Luke "
I hugged her.
" No please..please don't go. S-sorry na, na-nagseselos lang naman ako eh. Ayaw ko lang kasi na mawala ka sa akin. Please don't leave, Love "
Tinulak niya ako palayo sa kanya.
" I really love you luke, but. Alam ng Diyos yan kung gaano kita kamahal, lubos akong nagpapasalamat sayo sa mga ginawa mo para sa akin. Kaya lang...hindi pa ito ang tamang panahon para sa ating dalawa . Paalam "
Hindi na ako nakakibo. Umalis na nga siya at iniwan na niya ako ng tuluyan. Hindi ko alam kung susundan ko pa ba siya, hahayaan ko nalang ba na lumayo siya o ipaglalaban ko pa ang pagmamahalan naming dalawa. Napahagulhol ako ng kaiiyak.
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
