Chapter 34

31 2 0
                                        

Hermione's POV

Kinabukasan, maagang umalis si Luke dahil may haharapin siyang kaso ngayon sa suprene court. Maaga rin akong nagising para ipagluto si Luke ng almusal niya.

Nang makaalis ito, hinugasan ko na rin ang pinagkainan niya.

" Hermione ? "

Muntik ko nang nabitawan ang pinggan sa sorang gulat.

" Madam, ikaw po pala "

" Bakit ka naghuhugas diyan ? Hindi mo naman kailangang gawin yan, girlfriend ka na ng pamangkin ko. You have to act like a normal person hindi ka na tagasilbi dito sa bahay "

Pinunasan ko gamit ang apron ang mga basa kong mga kamay.

" Okay lang ho, Madam. Tsaka pinagkainan naman po ito ni Luke kaya ako nalang ang nagliligpit po "

Nagkibit-balikat ito sa akin.

" Be good to him, ha ? Pasasaan pa't sa kasalanan lang din naman ang punta niyo. About my son, sorry sa mga stupid things na nagawa niya sayo "

" Naku, Madam. Parte ho iyon ng trabaho ko, kailangan ko ng katatagan ng loob para harapin ang ugali ni Sir Shawn. Sa katunayan nga po, dahil doon nakilala ko na siya "

" I see, don't forget for preparing tonight "

Kumunot-noo ako.

" Bakit po ? Ano po'ng meron ? "

" May family gathering ang buong Sandoval and Davis mamaya. You have to prepare a nice dress "

" Ka-kasali ho ako, Madam ? "

" Ofcourse, girlfriend ka na ni Luke you have to be there "

Napadampi ako sa dibdib ko, napakalakas ng kabog nun.

" Ki-kinakabahan po ako, Madam. Unang pagkakataon ko po kasing makasali sa mga event ng mga mayayaman "

" Its normal, hayaan mo masasanay ka rin. Sige, I have to go "

" Ingat po kayo, Madam "

" From now on call me tita not Madam "

Nginitian muna niya ako bago siya umalis.

Napakabuti talaga ni Madam, una palang nakita ko na may mabuti siyang kalooban. Maliban sa anak nito at sa tatay nito, nagmana yata sa ama si Sir Shawn.

Pagkaalis niya, napansin ko na pababa ng hagdan ang asawa ni Madam. Sinalubong ko ito ng ngiti.

" Magandang umaga ho, T-tito "

Tumaas ang isang kilay nito.

" Who give you an authority to call me tito ? Are you my niece ? "

Napaawang ang bibig ko sa sinalubong niyang maanghang na salita sa akin.

Napayuko ako.

" S-sorry po, Sir "

Namataan ko na paparating sa kinaroroonan namin si Luke.

" Tito, she's my girlfriend now. Is it okay naman ata if she called you tito. Ayaw niyo po ba ? "

" Its not okay for me, at ayaw ko'ng tawagin akong tito ng babaeng yan. She's my son's maid "

" Not anymore, Tito "

" I know you defending her because she is your girlfriend, pero hindi mo ako masisisi kapag ayaw ko'ng tawagin niya akong tito. No, thanks. I respect you, Luke. Because you are my sister's son, don't force me to accept the fact na ang dating maid ng anak ko girlfriend mo "

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon