Chapter 64

10 1 0
                                        

Hermione'sPOV

Makaraan ang ilang araw nang pamamalagi ko sa kamay ni Luke, halos araw-araw ko'ng naramdaman ang kahigpitan ni Luke sa akin. Pakiwari ko naging sunod-sunuran ako sa mga gusto niya, hindi ko naman kayang lumaban dahil iba magalit si Luke.

Today, third week of the month. Ginawang rush ni Luke ang kasal namin, kaya naging abala ito sa paghahanda para sa kasal namin. While me, tulala at parang hindi masaya. Hindi naman talaga ako masaya.

" Ate "

Akmang tapik sa akin ni Athena, sinamahan niya ako'ng mamili ng wedding gown. Nagprisinta kasi si Athena kay Luke na siya ang sasama sa akin mamili ng wedding gown, subalit bago kami umalis pinaalala muna ni Luke sa kapatid niya na bantayan ako'ng maigi na huwag e-aalis ang mga mata niya sa akin. Bakit ano ba'ng akala niya ? Lalayas ako ?  Tanggap ko na ang kapalaran ko.

" Oh, Athena. Why ? "

" Kanina ka pa walang kibo, wala ka ba'ng nagugustuhan na wedding gown mo ? "

" M-meron, heto "

Pinili ko yung hindi gaanong sosyal na wedding gown, yung simple lang.

" Ate, bakit yan ? Hindi yan magugustuhan ni Kuya "

" Ako naman ang magsusuot eh, hindi siya "

" Kahit na, Ate. Engrande ang kasal niyo ni Kuya, so we should pick nice wedding gown. Ako na pipili para sayo, may nagugustuhan kasi ako "

Tumango nalang ako at hinayaang siya na ang pumili ng damit para sa akin. Nang makapili na siya isinukat ko ito at napatingin ako sa sarili ko sa salamin.

" Bagay na sana sayo, Ate. Kaya lang..malungkot ka naman "

Lumalaki na nga ang eyebags ko sa mga mata, hindi na rin maganda ang hetsura ko. Dahil sa bigat ng problema ko, pati sarili ko napapabayaan ko na. Hindi ko na napigilang hindi maiyak.

Napaupo kami.

" Ate, pwede ka'ng magshare sa akin ng problems mo. I know na hindi ka na masaya sa piling ni Kuya, but you still hold on this relationship kahit ayaw mo na "

Napalingon ako sa kanya sabay pahid ng mga luha ko sa mga mata.

" I don't have a choice, Athena. G-gusto ko man makawala pero hindi ko naman kayang iwan ang Kuya mo. Kahit..nagbago na siya "

" Pero, Ate. Anong silbi ng wedding na ito kung isa sa inyo hindi naman gustong mangyari ito "

Hinawakan ko ang kamay ni Athena.

" Nandito na tayo, hindi na ako aatras pa. Tanggap ko na ang kapalaran ko, Athena "

" Kaya lang, Ate. Nag-aalala ako para sayo, nakikita ko na hindi ka na masaya. Hayaan mo'ng tulungan kita "

" Tulungan ? Saan ? "

" Makawala sa buhay ni Kuya, may alam po akong safe house na sigurado po ako na hindi kayo mahahanap ni Kuya, Ate "

Napakagat-labi ako.

" Salamat sa pag-aalala mo para sa akin, Athena. Pero ayaw ko'ng mapahamak ka, ayaw ko'ng madamay ka sa problema ko. Kakayani ko 'to. Pasasaan pa't malalampasan rin ni Ate ito "

Napayakap si Athena sa akin.

" Basta, Ate. Kapag gusto mo ng kausap puntahan mo lang ako sa room ko o kaya sa office ko "

" I will, Athena. Tara na baka hinahanap na tayo ng Kuya mo "

Kapwa kami napatayo dalawa.

Paglabas namin sa Botique shop, humarang sa harap namin si Shawn. Kapwa kami napatingin sa isa't isa ni Anthena.

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon