Chapter 32

43 2 0
                                        

Hermione's POV

Nagpasya ako na iuwi si Luke sa bahay, nais niya raw magpaalam sa Nanay ko.

Pagkarating namin sa bahay, pansin ni Ina na ibang lalaki ang kasama ko.

" Anak, sino siya ? "

Pumasok na kami sa loob, nagkasulyapan kami ni Luke.

" Magandang gabi po , Nay. Ako po si Luke  "

" Akala ko si Shawn ka, magkamukha kasi kayong dalawa, Hijo. Parehong gwapo. Ang galing talaga ng taste ng anak ko "

Siniko ko ng bahagya si Ina.

" Ina naman, nakakahiya "

Hinawakan ni Luke ang kamay ko, nagulat naman si Ina sa ginawa niya.

" Ano yan ? Hermione ? "

" Ina, hinihingi ko po ang permiso niyo. Nais ko po sanang hingin ang kamay ng anak niyo. Kung papayag ho kayo na pakasalan ko siya "

Napalingon ako kay Luke, binulungan ko siya.

" Baliw ka ba akala ko ba girlfriend mo na ?"

" Tinatanong pa naman eh kung papayag ang Nanay mo "

Ganting bulong niya sa akin.

" Kung saan masaya ang anak ko, susuportahan ko siya. Hindi naman ako pakakasalan mo kundi ang anak ko, kung pumayag na siya siyempre payag na rin ako "

Lumapit si Luke kay Ina at niyakap niya ito.

" Salamat po, Ina.  Mahalaga ho sa akin na malaman ko ang suhestiyon niyo, mahal na mahal ko po ang anak niyo. Pangako po hindi ko po siya hahayaang masaktan nino man "

Gumanti naman ng yakap si Ina at inaya niya ako na sumali sa yakap nila.

" Masaya ako para sa anak ko, kasi..nahanap na niya ang lalaking tatanggap sa pagkatao niya. Ikaw na ang bahala sa anak ko, Hijo. Alagaan mo yan ha. Panganay ko pa naman yan "

" Opo, Nay "

Nagbitiw na kami ng yakap kay Nanay.

Nagpasya si Nanay na hindi na muna pauwiin si Luke nais niyang makilala ito ng husto. Hindi naman umangal si Luke, umoo siya sa gusto ni Ina. Nais rin naman niyang makilala rin ng husto si Nanay.

Hermione's  POV

Isang linggo na rito sa bahay si Luke, napapasaya niya ako. Pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga. Ganito pala ang pakiramdam na may nagmamahal sayo na may tumanggap sa pagkatao mo.

" Anong iniisip mo ? "

Naupo ako ngayon sa tambayan, gabi na rin pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Tinabihan niya ako sa pag-upo.

" Iniisip ko kung...ano ba ang mayroon ako at nagustuhan mo ako ? "

Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya ito sa dibdib niya.

" Kasi..ikaw ang hinahanap nito. Ikaw ang laman nito at ikaw lang ang nagmamay-ari nito. Salamat, Hermione. You made me complete again "

Humilig ako sa balikat niya.

" Salamat din, Luke. Tinanggap mo ang pagkatao ko. Mahal kita "

" Mahal din kita "

Nagtagpo ang aming mga mata, bumaba ang mga paningin namin sa isa't isa sa mga labi. Napakagat-labi ako, hanggang sa dahan-dahang bumaba ang mga labi nito sa mga labi ko.

Ngunit nang magdampi ang mga labi naming dalawa, sumagi bigla sa isip ko si...Sir Shawn. Napalayo ako sa kanya at napatayo.

" Bakit ? Is there's something wrong ?"

" W-wala, ma-matulog na tayo "

Akmang tatalikuran ko na siya nang yakapin niya ako patalikod.

" Sumama ka na sa akin pabalik ng maynila, Hermione Gusto ko na yung parent's ko nama ang kilalanin mo "

"  Para saan ? "

Iniharap niya ako sa kanya.

" I want you in my whole life, Hermione. Marry me "

" Luke, baka nabibigla ka lang. Bago palang tayo, hindi ba ? Kakasagot ko lang nga sayo, mas mabuti na kilalanin muna natin ang isa't isa. Pwede ? "

Naramdaman ko ang marahang pagbuntong-hininga nito.

" Ofcourse, nasa iyo naman ang desisyon. Tsaka ayaw ko naman e-pressure ka, kaya okay lang. Sorry "

Niyakap ko siya.

" Salamat, Luke. Mahal naman kita, at hindi magbabago yun "

Niyakap niya rin ako ng mahigpit, hinalikan niya rin ako sa pisngi.

" Pero sasama ako sayo sa manila. Kailan ba ? "

" Really ? Sasama ka na sakin ? "

" Oo, close na kayo ng Ina ko. Susubukan ko namang kilalanin ang family mo "

" Thank you, Love "

Lumapad ang mga ngiti ko sa mga labi.

" Okay lang ba kung tawagin kitang...Love ? "

" Oo naman..Love "

Hawak-kamay kaming pumasok sa loob ng bahay.

Bakit pa ako naguguluhan sa alok na kasal sa akin ni luke  ? Siya lang ang lalaking tumanggap sa akin. Siya lang ang nagmahal sakin ng ganito, bakit tutulan ko pa yun ?

Mahal ko naman siya, hindi ko dapat nararamdaman ang pagkalito.

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon