Shawn's POV
Bandang-hapon nagbalik ako sa room ni Luke at sinubukan ko'ng kausapin siya.
Bumuntong-hininga ito ng makita ako.
" Bakit mo ginawa yun ? "
Nilingon niya ako, abala ito sa kung anong binabasa niya.
" Ang alin ? "
" Are you pretending ? "
" Pretending of what ? "
" Na hindi mo siya kilala "
Ngumisi ito.
" Anong akala mo sa akin may ugaling ganoon ? You knew me, Shawn. Hindi ako ganoong klaseng tao, I'm not you "
" Liars ! "
" Call me that, hindi ko naman talaga kilala ang babaeng yun. Ang sabihin mo naaawa ka sakin kaya kung sino-sinong babae nalang ang nirereto mo sa akin. Dude, I'm already married. Kay Briella, remember ? Tanggap ko na ang pagkawala ni Mira"
" Hindi lang kung sinong babae si Hermione, Luke. Mahal mo siya, pinaglaban mo nga siya sa Daddy ko eh. Siya nga ang kasama mo nang maaksidente ka, at siya rin ang dahilan kaya tuluyan mo'ng natanggap ang pagkawala ni Mira. Ikaw pa nga ang naniwalang siya si Mira eh kaya hindi mo maaalis ang mga mata mo sa kanya "
" What ? Will you please stop talking nonsense. Kailanman hindi siya magiging si Mira "
Nilapitan ko siya ang hinawakan ang magkabilang-braso niya.
" Stop pretending that you don't know her baka magsisi ka na tuluyan mo na siyang bitawan, Luke "
Tinulak niya ako palayo sa kanya.
" Don't force that thing to me, Shawn. I know what I am doing, I really don't know her. Okay ? Kung inaaakala mo na nagka-amnesia ko kaya hindi ko siya kilala, you are mistaken "
" Bahala ka ! Sige magpretend ka lang hanggang sa gusto mo, Luke. Pero sinasabi ko sayo, magsisisi ka sa mga ginawa mo. Nalaman ko ang resulta ng mga tests mo, wala kang amnesia. Walang damage sa utak mo, kaya impossible'ng hindi mo kilala si Hermione. If I were you, grab this chance. Naaalala na ni Hermione na siya si Mira, ngayon kung magmamatigas ka pa. Wala na akong magagawa "
Tumalikod na ako sa kanya.
" Bakit ganyan nalang ang concern mo sa babaeng yun ? Siguro gusto mo siya at ipinipilit mo nalang siya sa akin. Am I right ? "
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
" Yes, I liked her. Pero mas iniisip ko ang kaligayahan niya, ikaw ang dahilan kung bakit mas gusto ko nalang tanggapin na ayaw niya sa akin . Pero sa ginagawa mo, hindi mo siya deserve. Sinasaktan mo lang siya, Luke. Sabihin mo lang kung ayaw mo na talaga sa kanya.."
" Go ahead, love her. Wala rin naman akong pakialam sa kanya, besides hindi mo na rin kailangang magsacrifice. Kung mahal mo siya, then prove to her. I have Briella in my life now, she completed me. That Hermione, hindi rin naman siya ata worth it mahalin. Kung may pasts nga kaming dalawa, ayaw ko nang maaalala. Ayaw ko sa kanya, iyo'ng iyo na siya "
Kumunot-noo ako at naiyukom ko ang mga kamay ko.
" Makakaalis ka na, Shawn. Pakisabi na rin sa babaing yun na huwag na siyang umasa na maalala ko pa siya kasi ramdam ko..hindi ko talaga magugustuhan ang isang tulad niya "
Hindi na ako kumibo at tuluyan nang lumabas ng silid niya subalit hindi ko aakalaing nasa tapat pala ng pinto si Hermione. Nang makita ko siya, tumakbo ito palayo. Nagtungo sa kwarto niya at naglock ng pinto.
Nakakaawang Hermione...
Hermione's POV
Matapos ko'ng marinig ang mga bagay na yun mula kay Luke, bumuo na ako ng desisyon. Lalayo na ako sa kanila at hindi na nila ako magpapakita kailanman at kahit kanino man.
Nakatanggap muli ako ng text message mula kay Athena makikipagkita raw siya sa akin sa isang restaurant. Nakipagkita naman ako sa kanya, naging malapit si Athena sa akin kaya hindi ko makakayanang hindi siya pagbigyan.
" Thank's, Ate. Dumating ka "
" Hindi naman kita matitiis, bakit ka nga pala nakipagkita sa akin ? "
" I know what is going through, Ate Hermione. You told Kuya na ikaw si Mira, how much you sure na ikaw nga ang dating wife ni Kuya ? "
" Hindi pa ako ganoon kasigurado, Athena. Pero may paraan ako para...malaman natin ang totoo "
" Alam ko na..DNA TEST ? "
Napatango ako ng marahan. Nagtungo nga kami sa may pinakamalapit na hospital. Nagpa-DNA TEST ako. Nang makuhanan na ako ng dugo, naghintay kami sa labas ng laboratory room.
" Athena ? "
" Yes po, Ate ? "
" Kamusta na ang...kuya mo ? "
" He's fine now, Ate. Sorry about what happend last day doon sa hospital sa mga nasabi ni Kuya. His in shock pa until now, baka... "
Hinawakan ko ang kamay niya.
" Okay lang, Athea. Naiintindihan ko naman rin ang sitwasyon natin sa ngayon, kasal na rin ang kuya mo sa iba. Hindi na dapat ako humahabol sa kanya, tsaka lalayo na rin ako para wala ng gulo "
" Paano si....Shawn ? "
" Anong paano si shawn ? "
" I know everything about you between Shawn, nakita ko kayo sa isang abandonadong room. Don't worry, Ate. Ako lang naman po ang nakakita, hindi rin po ako galit. I know it was Shawn's fault "
Napayuko ako. Sabi ko na nga ba may nakakita sa amin sa gabing iyon.
" Honestly, noon nahulog ang loob ko kay Shawn. Pero nang e-focus ko ang sarili ko kay Luke, unti-unti ko siyang nakalimutan. Wala kaming relasyon. Kaya napagdesisyonan ko na kapag napatunayan natin na ako nga si Mira, would you help me find my real parents ? You know them right ? "
Marahang napatango si Athena. Ilang minuto ang lumipas, nakuha na namin ang resulta ng DNA TEST.
Si Athena mismo ang tumingin muna nun, nang mabasa niya ang DNA TEST RESULT. Napayakap siya sa akin.
" Ikaw nga si Ate Mira "
Napaiyak ako sa sobrang tuwa, ngayon buo na ang pagkatao ko. Alam ko na kung sino ako at makikilala ko na ang totoong mga magulang ko. Kaya't nagtungo kami agad ni Athena roon.
Subalit...nalaman ko na wala na pala ang mga magulang ko. Ipinakita ko sa mayordoma ng bahay ang DNA TEST RESULT. Masaya silang binati ako, lalo na ang isang babaing yumakap sa akin ng mahigpit. Siya raw ang naging yaya ko mula pa noong sanggol ako.
Hindi na nagtagal si Athena, nauna na itong umuwi. Napakalaki ng bahay na naiwan ng mga magulang ko, mayroon itong malawak na hardin at malapad na pool. Mayroon din silang tatlong magagarang sasakyan, inaya ako ng isang driver na magtungo sa isang company business na pagmamay-ari ng ama ko. Ipinakita ko sa mga empleyado roon lalo na ang manager ng kompanyang iyon ang DNA TEST RESULT ko. Masaya silang binati ako.
" Welcome back, Miss Mira Miller. Tama ang turan ng iyong Papa, naniwala sila na buhay ka pa kaya alam nilang babalik ka. Kaya halika po sa office ng yumao niyong ama. Tatawagan ko ho ang abogado ni Mr. Miller "
" Para saan ho ? "
" Para malaman mo ang mga bagay na ipinamana sa iyo ng iyong ama, Miss Mira "
Nginitian ko siya. Itong buhay ang nais ko'ng ibigay kay Nanay, heto na nagkakatotoo na. Makakabawi na rin ako kay Nanay.
Salamat sa mga PAMANA..
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
