Chapter 68

18 1 0
                                        

Hermione's POV

Nang mailuwal ko ang kambal nawalan ako ng malay sa labor room. Hindi madaling magluwal nang dalawang mumunting anghel, nakakapagod din.

Nang magmulat ako, unang nakita ko ang pigura ni Shawn. Hinaplos nito ang buhok ko at siniilan ako ng halik sa noo.

" Hi,  Babe. How's your feeling ? "

" Okay na ako "

Lubusan ko ng ibinuka ang mga mata ko at nakita ko na nandoon lahat ng angkan ng David at Sandoval. Nandoon rin ang ama ni Shawn at ang ina ni Luke. Dahan-dahan ako'ng naupo mula sa kinahihigaan ko.

" Hi, Ate Hermione. How are you po ? "

Ngumiti ako ng tipid.

" Mabuti na ang pakiramdam ko, Athena "

Nilingon ko si Shawn at binulungan.

" Shawn, W-why are they here ? kukunin ba nila ang mga bata ? kung yun ang dahilan, hindi ako papayag "

Marahang lumapit sa akin si Mr. Sandoval ang ama ni Shawn.

" Look, were not here para kunin sayo ang mga anak mo. Nandito kami para suportahan kayo ng...anak ko at kung papayag ka maaari mo ba'ng pakasalan ang anak ko. Huwag kang mag-alala kami na ang bahala sa gastos pero sana hindi ka aatras sa kasal "

Napatanga ako sa sinabi niya, si Mr. Sandoval ba ang kausap ko ?

Lumapit rin si Mrs.Davis rin sa akin at hinawakan ako sa braso.

" Hermione, alam ko na hindi naging maganda ang trinato ko sayo noon. Bilang isang ina alam ko'ng maiintindihan mo ako, nasaktan lang ako sa pagkawala ni Luke. Kaisa-isang anak ko'ng lalaki ang nawala at ang tanging lalaki na magkakalat ng apelyidong Davis. Subalit nawala siya ng ganoon na lang, kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagalit "

" Patawad po, Tita. Hindi ho ako naging mabuting tao sa paningin niyo nang mawala si Luke. Hindi ko po ginusto ang pagkawala niya, kung tutuusin po kung pwede lang sa akin nalang po nangyari ang aksidenteng yun "

Ginagap ako ni Shawn.

" Hey, hey. Huwag mo'ng sabihin yan, hindi mo kasalanan. Aksidente lang ang pagkamatay ni Luke "

" Pero ako ang naging dahilan kaya namatay si.."

Naupo si Mrs. Davis sa tabi ko.

" Kalimutan mo na yun, Hermione. Tinanggap ko na ang pagkawala ni Luke, hindi tayo matatahimik kung mayroon tayong kagalit sa mundo. I'm sorry dahil sinisi ko sayo ang pagkawala niya, sana mapatawad mo ang Tita ? "

Napasinghap ako. Hindi ko na kasi napigilang hindi maiyak.

" Patawarin niyo po ako, Tita "

" Shh, stop crying na. Matagal na kitang napatawad, sana ako din "

" Wala ho kayong kasalanan, Tita. Hindi niyo po kailangang magsorry "

" Marjorie , hahaba lang ang usapan niyo. Ang mahalaga'y nagkapatawaran na tayo'ng lahat "

" Kuya naman, sinisira mo naman ang moment ko eh "

Lahat kami nagkatawanan habang ako nama'y napahagulhol sa kaiiyak. Hindi dahil sa kalungkutan kundi sa tindi ng kaligayahan.

Nang ipasok ang kambal sa kwarto ko, pinanggigilan nilang lahat ito. Lumapit sa akin si Tita Marjorie habang karga ang babaing sanggol ko.

" Ano pala ang pangalan ng kambal ? May naisip na ba kayo ?"

Kapwa kami napatingin sa isa't isa ni Shawn.

" Naisip ko kasi na Grasella Nadine ang pangalan ng babaeng anak namin, Tita "

" How about this little boy, Shawn ? "

Akmang tanong naman ni Mr. Davis na karga-karga ang lalaking sanggol namin ni Shawn.

" Kung.. Rex Alder po, Dad ? "

" Nice name "

Usisa naman ng ina ni Shawn.

Bumukas yung pinto at iniluwa roon si Nanay, nang makita niya ako agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

" Congratulations, Anak "

" Nay, bakit ngayon lang po kayo dumating ? "

Akmang tanong ni Shawn kay Nanay.

" Sobrang traffic kasi kaya natagalan kami, sinundo ko pa si Henry sa school. Pasensya ka na, Anak "

" Okay lang po, Nay. Ang mahalaga'y nandito na ho kayo, si Lara po ? "

" Ayun abala sa farm house niya sa QC. Masyadong workaholic ang kapatid mo'ng yun, Hermione. Pagsabihan mo nga kasi hindi nakikinig sa Nanay "

" Subukan ko po, Nay "

Nakikarga na rin si Nanay sa kambal ko. Nakikita ko kung gaano kasaya magkaroon ng malaking pamilya. Batid ko na napakasaya nila sa pagdating ng kambal.

" Sa susunod na selebrasyon, kasal naman natin ang pagkakaguluhan nila "

Hindi na ako kumibo..ganito pala ang pakiramdam ng wala kang dinadalang mabigat sa loob mo.

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon