Chapter 37

41 3 0
                                        

Shawn's POV

Naghahanda na ako ng makakain ni Cassandra for breakfast, dumiretso ako sa kitchen at naratnan ko roon si Manang Esing.

" Sir, may kailangan ho ba kayo ? "

" Magluluto po ako ng breakfast, Manang "

" Ano po'ng gusto niyo, Sir. Ako na ho ang magluluto para sa inyo "

" No need, ako nang bahala. I can handle it, Manang. Magpahinga nalang ho kayo "

Ngumiti ang matanda sa akin.

" Sige maiwan na kita, Sir "

Pagkaalis ni Manang , gumawa ako ng pancake, fried rice na may sahog na ham. Bacon, at fried egg.

Habang nagpe-plating ako, siya naman ang pagdating ni luke.

Nilingon ko siya.

" Hey! Luke , nakalabas ka na pala ng hospital. Kamusta ka na ? "

" Why ? Akala mo ha hindi na ako makakalabas ? "

" What are you trying to say ? Na gusto ko ang nangyari sayo ganun ba ? "

" Shawn, I'm just kidding "

Inakbayan niya ako.

" Baliw ka talaga "

" Hinahanap talaga kita, shawn"

Tinikman ko yung salad na gustong-gusto ni cassandra.

" Really? Bakit ? Hmp..taste good "

" Is that for cassandra ? Is she still here ? "

" Yes, she's in my room, why are you looking for me? "

" I just wanna thank you for the food you buy for me "

Kumunot-noo ako.

" Food ? For you ? "

" Oo, doon sa hospital. Ang sabi kasi ni Hermione you brought a food for me "

Really ? Yun pala ang sinabi ni Hermione sa kanya ? Hindi naman yun para sa kanya..para yun sa babaing...hmp ! Hindi ko masabi.

" Ah, yun ba ? Ofcourse, youre welcome. N-nasabi kasi niya na hindi ka pa nakakain mula nang isugod ka sa hospital so I suggest to buy you some food "

" Thank you, Man. Akala ko mula ng may alitan tayo wala ka ng pakialam sa akin "

Hindi naman ako kasing-sama ng iniisip mo.

Nagkibit-balikat ito sa akin.

" Excuse me, dadalhin ko lang ito kay Cassandra Ikaw ? May gusto ka ba ? Gusto mo bang ipagluto na rin kita ? "

" No, don't bother. Balak ko rin ipagluto si Hermione, she fall asleep until now. Gusto ko lang din mag effort sa kanya, makabawi man lamang kasi hindi kami nakapunta sa party "

" Ah, okay "

Tumalikod na ako at iniwan na siya sa kitchen, malapit lang ang room niya sa room ko. Kaya bago ako pumasok sa kwarto namin ni cassandra, sinipat ko muna ang kwarto niya. Siguro napagod ito kakabantay kay Luke sa hospital.

Sana okay lang siya...

At sana..magkausap muli kami, may gusto sana akong sabihin sa kanya..

Hermione's POV

Naalimpungatan ako ng may labing dumampi sa noo ko, nagdilat ako ng mga mata.

Bumungad sa harap ko si Luke, nakangiti ito. Napaupo ako sa kama.

" Love ? Kanina ka pa ba gising ? Sorry nalate ako ng gising, Love "

Bumuntong-hininga ako.

" Its okay, Love. Here I cook you some food, sorry kung may ibang nasunog "

Ngumisi ako.

" Mukhang masarap yan, Love ah. Salamat, Love. Nag effort ka talaga para sa akin "

" Palpak nga eh "

Napaluhod ako sa kama para punan ng halik ang noo niya.

" Sapat na ito sa akin, Love. Na-appreciate ko talaga ang effort mo "

Napayakap siya sa akin. Sabay kaming kumain ni Luke ng agahan, pagkatapos kumain. Naligo na ako at nagbihis.

Nagsuot ako ng puting plane t-shirt, at maong pants. Pagkalabas ko ng dress room, tumaas ang isang kilay ni Luke.

" bakit ? Pangit ba ? "

" Love, aalis tayo tapos yan susuotin mo ? "

" Aalis tayo ? Hindi ba dapat pahinga mo ngayon, at saan mo naman balak magpunta ? "

" Gusto kitang...i-date "

" Love naman, kailangan mo ng pahinga. Kakainom mo lang nga ng gamot mo, eh "

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko.

" Love, okay na po ako. Gusto nga po kitang i-date. Pwede po ba ? Wala pa kasi tayong dinner date na ginawa, please ? "

Nanatiling nakabukas yung pinto kaya hindi namin namalayan ang pagpasok ni Cassandra sa loob.

" Oo nga, Hermione. Double date instead ? You and like me and Shawn. Sounds good, right ? "

Naparolled-eyes ako, ano naman ang balak ng witch na 'to ?

" What do you think, Love ? "

Napasulyap ako kay Cassandra.

" Oo naman, Love. Bakit hindi ? "

" Great, remind Carter, Cassandra At Seven PM sa favorite restaurant namin "

" Copy that, Luke. Bye, see you both tonight "

Pagkalabas ni Cassandra sa kwarto, nilapitan ko yung pinto at isinara ito.

" Wala ba siyang manners, Love ? Nakikisabat siya sa usapan ng may usapan "

" Love, hayaan mo na. Insecure lang siguro yun sayo "

" Bakit naman siya maiinggit sa akin ? "

" Why not ? Ang ganda-ganda kaya ng girlfriend ko at ang bait-bait pa. Napakamaalaga pa at napakasupportive girlfriend "

" At ako pa talaga ang binola mo, Love. O sige na naka-oo na naman tayo sa witch kaya pupunta tayo. Iisipin ko nalang na date nating dalawa yun "

" Huwag kang ma-ha-highblood dun "

" Kung hindi niya ako iinisin "

Nilapitan niya ako at niyakap.

" I love you so much, Love "

" I love you too, Love "

Kiniss niya ako sa noo.

Lumabas muna ito ng room ko para makapaghanda ng susuotin niya mamaya..

Napaupo ako sa kama ng makalabas siya.

Ano bang plano ng babaing yun ? Subukan lang niyang sirain ang gabi ko makakatikim talaga siya sa akin..

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon