Chapter 50

10 2 0
                                        

Shawn's POV

Napaayos ng upo si Daddy. Hinihintay ko naman ang sagot ni Nanay. Posible kaya na magkapatid kami ni Hermione ?

" Is it Hermione, Clar ? This can't be , kung siya man ang naging anak ko sayo. Hindi ako mapapatawad ng bata'ng yun. I'm sure "

" Hindi mo anak si Hermione, David"

Gumaan ang pakiramdam ko sa narinig.

" So where is our child ? "

Pansin ko na sabik si Dad makilala ang anak niya kay Nanay Clar.

" Si...Lara..siya ang anak mo sa akin, David. Napabayaan ko siya noong...nalaman ko na iniwan mo na ako. Dahil sa..kapabayaan ko sa anak natin..nabaliw siya..napasok siya sa mental hospital at hindi ang totoong dahilan ang alam ni Hermione "

" Si..Lara? "

Paulit na sambit ko sa pangalan ng ikalawang kapatid ni Hermione.

" All this time..naging kasalanan ko ang lahat and I'm sorry for leaving you with no reason, Clar I promise babawi ako sa anak natin "

" Hindi na kailangan, David. Masaya na ang buhay ko ngayon kasama ang mga anak ko, hindi ko na kailangan ng sustento mo. Sapat na dahilan para sa anak ko ang alam nilang patay ka na lalo na si Lara. Gusto ko lang naman sabihin sayo kaya ako nagpakita..sa lahat ng pambabastos na ginawa mo sa panganay ko ay sapat na kabayaran na hindi ka na makilala ng anak mo "

" This is not fair "

Tumayo si Nanay at naglakad palabas ng restaurant.

Akmang susundan ito ni Dad subalit pinigilan ko ito.

" Dad, hayaan niyo na siya. Ngayo'ng alam niyo na po na may anak pala kayo kay Nanay Clar Ano na po ang gagawin niyo ? Wala naman rin po si Lolo, wala na po'ng pipigil sa inyo "

" I should respect her, ayaw na niya ako'ng ipakilala sa anak ko. Dahil kay Hermione, nagkamali ako. Napakalaki nang kasalanan ko "

Napahagulhol sa kaiiyak si Dad, doon ko lang siya nakitang umiyak ng ganoon.

" Don't worry, Dad. Kakausapin ko si Nanay, susubukan ko po'ng makiusap sa kanya "

" Gagawin mo yun ? "

" Ofcourse, Dad "

" Please, Son. Kahit man lang makita ko ang Lara'ng sinasabi niya, ang anak ko. Sapat na yun para sa akin kahit hindi siya papayag na makilala ako bilang ama ng batang yun "

" Susubukan ko,Dad "

" Thank you, Son. Thank you "

Ako na ang nagdrive ng kotse ni Dad, inihatid ko na ito sa bahay.

Sana makausap ko ng mahinahon si Nanay. Kung nandito si Nanay sa maynila, ibig sabihin...

Nandito rin si Hermione ?

Shawn's POV

Patago ko'ng sinundan si Nanay Clar, sumakay ito ng taxi habang ako nama'y sumakay na rin sa kotse.

Habang nasa daan, panay ang yuko ko baka kasi mahalata ni Nanay na may sumusunod sa kanya.

Ibang kotse ang ginamit ko, baka kasi maalala ni Nanay ang dati ko'ng sasakyan. Nang makarating na kami sa kanyang hihintuan, napalingon ako sa gilid.

Isang hotel iyon, anong gagawin ni Nanay sa isang hotel ?

Baka nandito sila.. bumaba ako ng sasakyan para sundan siya.

Pagkapasok ni Nanay sa elevator, napakamot ako. Ang bilis naman ni Nanay maglakad. Gumamit na ako ng hagdan, nasa 5th floor siya.

Patakbo ko'ng hinakbang ang hagdanan, hanggang sa napagod ako sa kakatakbo. Naupo muna ako. Alam ko na naman kung saang floor si Nanay.

Nang makapagpahinga na ako at makabawi na nang lakas, tumayo na ako at akmang tatakbo ulit subalit hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

" H-Hermione... "

Napalunok ako ng marahan, nakatayo sa harapan ko si Hermione. She's wearing off-shoulder blue dress na may ribbon sa likod nito. Nakasuot na rin ito ng black high-heeled sandals at naka-ponytail ang buhok.

" Nakita kita sa CCTV, anong ginagawa mo rito ? "

" Uhm.. "

Bakit hindi ako makasagot ? Umuurong ang dila ko sa nakikita ko sa kanya ngayon. Ibang-iba na siya, mas lalo pa itong gumanda. Bahagyang nilapitan ko siya, I hugged him. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang tanging nagawa ko sa kanya kaysa ang magsalita.

Wala akong masabi. Nagpapasalamat lang ako kasi..hindi kami magkapatid.

Bahagyang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

" I'm...sorry "

Sinalat niya ang noo ko.

" May..lagnat ka ah "

Naglagay talaga ako ng bawang sa kili-kili ko baka kasi incase na mahuli ako ni Nanay may pangdahilan na ako para hindi ko masagot ang tanong nila. Subalit hindi ko akalaing ganito pala epekto ng bawang. Bigla kasi ako'ng nahilo at nawalan ng malay...

Nahimasmasan nalang ako nang may nasinghot ako'ng maanghang sa ilong ko. Napabalikwas ako ng bangon, ngunit napakagat-labi nang makita ko mismo sa harapan ko sina Nanay clar at Hermione.

Umayos ako ng upo.

" Sinusundan mo ba ako , Hijo ? "

" H-hindi ho, Nay "

" Hindi ? Pero sa 5th Floor ka papunta "

" Sorry, Nay "

Napasulyap ako kay Hermione, masama ang tingin nito sa akin.

" Huwag ka naman magalit agad, Hermione. Nagkasakit na nga ako eh, pagagalitan mo pa ako "

" Excuse me, wala ka'ng sakit nalaman ni Nanay na naglagay ka ng bawang sa kili-kili mo. Ano ba kasi ang kailangan mo rito ? "

Napayuko ako.

" Gusto sana kitang...makita, Hermiome "

Nang sulyapan ko ito. Hindi na ito makakibo, napatingin ako kay Nanay.

" O siya, iwan ko muna kayo. Pero, Hijo. Bilin ko sana hindi ka gagawa ng gulo "

" Opo , Nay "

Napasandal ako sa headboard ng kama at napasimangot.

But .. hindi ko talaga maaalis sa isip ko kung gaano na siya kaganda ngayon..

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon