Hermione's POV
Bumuntong-hininga muna ako bago ako tumapak sa malaking bahay na iyon, nagbalik na naman ako sa tahanang noon ko pa gustong alisin sa isip ko. Napakaraming alaalang nangyari sa bahay na ito, at ayaw ko na sanang magbalik rito subalit ito na ata ang tadhanang ibinigay ng Diyos para sa akin.
Hahakbang na sana ako papasok ngunit bumungad sa harap ko si Luke..
" Love, I'm glad your back "
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
" Ofcourse, I had no choice "
Bumitaw siya ng pagkakayakap sa akin.
" Love, are you still mad ? "
" No, pagod lang talaga ako. Gusto ko na nga'ng magpahinga "
" Huwag muna, Love. May inihanda akong food para sayo, actually its my own idea pero sa mga maids ko pinagawa "
Sinamaan ko siya ng tingin.
" Akala ko ba hindi lahat ng bagay iniaasa sa maid, bakit ngayon hinahayaan mo ng ipagawa sa kanila ang isang maliit lang na bagay ? "
" Love, you know me. Hindi ko kasi passion ang pagluluto "
Bumuntong-hininga ako.
Kunsabagay, hindi naman talaga siya marunong magluto hindi niya hilig yun.
Inakbayan niya ako at inaya sa kusina, may pa-flowers pa ang mokong. Kinuha niya ito sa mesa at ibinigay sa akin.
Napatayo kami sa harap ng mesa, nag-effort siya sa pagdating ko. Puro mga paborito ko kasi ang niluto ng mga maid doon. Subalit bakit hindi man lang ako natakam sa mga pagkaing nakahain sa mesa.
" Shall we eat, Love ? "
" P-pwedeng mamaya na ? Gusto ko kasing magpahinga muna, napagod ako sa biyahe "
Naramdaman ko'ng humigpit ang kapit niya sa balikat ko. Napakagat-labi ako sa tindi ng sakit na iyon.
" Nag-effort ako para sayo tapos hindi mo man lang naappreciate ito ? "
" Fine, kakain na ako "
Padabog ko'ng hinila ang silya at naupo.
" Are you mad, Hermione ? "
" Hindi ako galit, shall we eat ? Para makapagpahinga na rin ako "
" Let's wait for the others "
Napamaang ako, ibig sabihin hindi lang ako ang kasalo niya sa pagkain.
Dumating ang pamilya nina Luke, si Shawn at ang buong pamilya nito.
Napayuko ako ng magtagpo ang mga mata namin ni Sir David, ang ama ni Shawn.
Nagsiupo na silang lahat.
" Hi, Hermione. How are you ? "
Tanong ng ina ni Luke.
" Mabuti naman ho ako, Tita "
" We heard na dito ka na raw titira hindi bilang katulong kundi bilang girlfriend na ni Luke ? "
Waring tanong ni Sir David.
Napalunok ako ng marahan.
" Yes, Tito "
Tipid na sagot ni Luke rito.
" Don't worry, Hermione. I check on your present background, ikaw pala ang anak na inakalang patay na ng mag-asawang Miller. Who owns millions of properties, the only one tagapagmana "
" Yes I am, Tito David. Should I call you that ? "
" Yes you should "
Itinuon ko na ang sarili ko sa pagsubo ng pagkain. Saka lang ako natanggap ng tiyunin nito ngayon alam na nila na ako ang kaisa-isang Miller heir.
Shawn's POV
Pagkatapos ng salu-salo'ng iyon, nagpaalam na ako sa kanila upang makapagpahinga na. Hindi ko naman maalis sa mga mata ko ang hindi masulyapan si Shawn, hindi rin ito kumikibo katulad ni Athena. Matitipid ito kung sumagot, bakit kaya ?
Pagkapasok ko sa kwarto, dahil hinihatid ako ni Luke pumasok na rin siya sa room ko.
" Anong ginagawa mo, Luke ? Gusto ko ng magpahinga. May sasabihin ka pa ba ? "
" Yes "
Naupo ito sa kama, habang ako nama'y nagtungo sa closet at naghahanap ng damit pantulog.
" Ano yun ? Bilisan mo kasi sobrang napagod ang katawan ko this day"
" Pagod ka pero nagawa mo paring tingnan si Shawn at ngitian siya. Ganoon ? "
Hinarap ko siya at isinampay ang mga damit sa braso ko. Hindi ko aakalaing mapapansin niya yun.
" Luke, kamag-anak niyo siya. Besides were friends, so anong problema kung tingnan at ngitian ko siya ? "
Tumayo ito at nilapitan ako, bakas sa mukha nito ang galit.
Napaatras ako ng bahagya.
" Ayaw ko'ng napapatingin o napapangiti ka kay Luke, lalo na kapag nasa harap niyo ako. Ayaw ko na rin na pinapansin o kinakausap mo siya, understand ? "
Nagsalubong ang mga mata nito.
" Nangangamoy selos yata tayo dito, Luke. Bakit mo ba ako dinidiktahan ? Tandaan mo, pwersahan ang ginawa mo sa akin. Napa-oo ako dahil sa konsensya ko ! At hindi pa tayo kasal kaya huwag na huwag mo akong didiktahan ! "
Aalis na sana ako sa harap niya nang bigla niya akong sunggaban sa leeg, muntik na akong hindi makahinga mabuti nalang at nahimasmasan agad ito.
" Hindi lang yan ang matitikman mo sa akin, Hermione. Alam ko at ramdam ko na may gusto sayo si Shawn, at hindi ako papayag na magkakalapit kayo. You are mine, youre only mine. At kapag nakita ko kayong magkasama... "
" Ano ?! Sasaktan mo ako ?"
Singhal ko rito.
" Not you, but him "
Hindi ako makakibo sa sinabi niya.
" You've change a lot, Luke. Youre turning into monster, what happend to you ? Ganyan ba talaga kalala ang epekto ng car accident sayo ? "
" Hindi naman tayo hahantong sa ganito kung hindi ka lang naging selfish. You push me out, I need you all this time . Kaya lang iniwan mo ako, Hermione. Now your mine again, hindi na ako papayag na mawala ka ulit sa akin. Papatay ako kung kinakailangan ! "
Hindi na ako kumibo pa, nanatili na akong tikom ang bibig at hinayaan siyang makaalis ng silid ko.
Pagkalabas niya ng silid ko agad ko namang isinara ang pinto.
Sobra na siya ! Hindi na siya tao tulad ng Luke na nakilala ko noon.
Diyos ko ! Tulungan niyo po akong makawala sa empeyernong ito. Ayaw ko'ng manatili sa kamay ng masamang Luke. Ayaw ko nang masira pa ang buhay naming lahat dahil lang sa sobrang pagmamahal....
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
