Chapter 60

9 2 0
                                        

Hermione's POV

Mula ng makausap ko si Shawn kanina, hindi na mawala sa isip ko kung totoo nga bang nasa mental hospital si Luke. Paano kung niloloko na naman ako ng magpinsang yun ?

Dahil sa hindi ako makatulog, nagtimpla nalang ako ng kape at naupo sa balkonahe. Nagdala na rin ako ng kumot upang hindi ako makaramdam ng lamig habang nagpapahangin sa balkonahe.

Napatingin ako sa langit, napakaganda ng bituin at sobrang bilog ng buwan.

" Anak, bakit hindi ka pa natutulog ? May problema ba ? May bumabagabag ba sayo ? "

Napabaling ako kay Nanay, dahil sa lalim ng inisiip ko hindi ko na namalayan ang paglapit niya sa akin.

" Iniisip ko ho kasi ang napag-usapan namin ni Shawn kanina, Nay "

" Ano nga pala ang napag-usapan niyo, Anak ? Sigurado mahalaga iyon dahil hindi yun mag-aaksaya ng oras at panahon na puntahan ka rito kung hindi ito mahalaga. Ano ba yun, nak ? "

Napabuntong-hininga ako.

" Sinabi niya kasi sa akin na nasa mental hospital raw po si...Luke, Nay "

" Ano ? B-bakit ? P-paano ? At sa anong dahilan ? "

" Siguro ho malaki ang naging epekto sa kanya ang paghihiwalay namin "

" Anong plano mo ngayon ? "

" Hindi ko nga alam, Nay eh. Naguguluhan po ako. Paano kung hindi po talaga totoo na nasa mental hospital ho si Luke? Paano kung niloloko na naman ako ng magpinsang yun ? "

" Paano kung totoo, Anak ? "

Hindi ko na mapigilang maiyak, bumibigat na naman kasi ang dibdib ko dahil sa mga nangyayari.

" Bakit ngayon pa, Nay ? Maayos na ho ang buhay ko, tahimik na po ang buhay natin. Bakit ngayon hindi parin nila ako tinitigilan ? Bakit napakadali sa kanila ang sabihing kailangan nila ako ? Nasaan ba siya nung umiiyak ako buong gabi, ilang araw ko'ng dinamdam ang ginawa niya sa akin, Nay. Tiniis ko lahat ng sakit na yun, hindi ako nagpadala sa depress dahil iniisip ko kayo, Nay. Sobrang poot at galit ang ipinaramdam niya sa akin ! Hindi nga nila inisip ang mararamdaman ko,tapos ngayon... "

Napahikbi ako ng marahan, hinimas-himas ni Nanay ang likod ko.

" Anak, ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo dahil Nanay mo ako. Kung nasasaktan ka mas Nasasaktan ang Nanay, kung nahihirapan ka mas nahihirapan ang Nanay. Alam mo kung bakit ? Kasi hindi ko kayang makitang nasasaktan at nahihirapan ka, Anak. Hindi ko kayang nakikita ka laging umiiyak, ngunit alam ko na malakas ka at alam ko kakayanin mo 'to lahat. Hindi ba nagawa mo, natuto ka'ng magpakatatag sa kabila ng lahat ng hirap "

" Pero, Nay. Iniwan ko ho kayo para sa kanya, sinakripisyo ko ang mararamdaman ng pamilya ko para lang makasama siya "

" Alam ko, Anak. Pero hindi mo parin kami pinabayaan ng mga kapatid mo. Naging bahagi rin ng buhay mo si Luke, naging masaya ka nung kasama mo siya. Sapat na dahilan yun para muli mo siyang harapin at kausapin. Anak, isipin mo nalang na kapag ito ginawa mo makakatulong ka sa paggaling niya "

Napayuko ako ng marahan, inihilig ni Nanay ang ulo ko sa balikat niya. Pinahid ko naman ang mga luha ko gamit ang manggas ng kumot ko.

" Saka mo na siya harapin kapag handa ka na, Anak. Sa ngayon magdesisyon ka muna kung ano ba ang mas nakakabuti para sa lahat. Hindi gagaan ang loob mo kapag may isang tao ka pa'ng hindi pinatawad. Subukan mo'ng patawarin lahat ng nagbigay ng sakit sa loob mo, tiyak gagaan ang loob mo. Tahan na, magiging maayos din ang lahat. Halika na , magpahinga na tayo. Hindi ba sabi mo may aasikasuhin ka bukas sa company ng Papa mo "

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon