Hermone's POV
Nang tingnan ko si Luke, hinablot niya ang buhok ko at itinayo ako.
" Sa akin ka pa talaga magsisinungaling ha, Hermione ? Ngayon sabihin mo sa akin ang totoo kung ayaw mo'ng malintikan ko ang tao'ng kasama mo kanina "
Napaiyak ako sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. Umapela si Athena at pilit na kinukuha ang kamay ng kuya niya saa buhok ko.
" Kuya, let her go. Nasasaktan mo na si Ate "
" Huwag kang makialam dito isa ka pa ! "
Nahampas ni Luke sa likod ng kamay niya ang mukha ni Athena, bumulagta ito sa sahig. Nang sulyapan ko si Athena, dumugo ang bandang kanan ng baba nito. Nabitawan ako ni Luke kaya nilapitan ko si Athena.
" A-Athena, A-are you ok ? "
Sinamaan ako ng tingin ni Athena at tinulak ng malakas.
" Get away from me ! Dahil sayo kaya nagkagulo ang pamilya namin ! Malas ka sa buhay namin ! Malas ! "
" Shut up, Athena ! "
Turan ni Luke akmang sasaktan na naman nito si Athena subalit nahawakan ko agad ang kamay nitong muntik nang tumama sa ulo niya. Tumayo si Athena at tumakbo paalis habang humahagulhol sa kaiiyak.
" Pwede ba, Luke. Tama na ! Oo na, nagsinungaling na ako. Si Shawn ang kasama ko kanina, at ano magseselos ka na naman ? Dahil sa kapraningan mo nasasaktan mo na lahat ng tao dito ! Nagbago ka na, Luke "
Huminahon si Luke at niyakap ako, ngunit inigkas ko ang katawan niyang yayakap sana sa akin.
" I..I'm sorry, nagalit lang naman ako kasi nagsinungaling ka sa akin. Please forgive me "
" Huwag ka sa akin humingi ng sorry, Luke. Kundi kay Athena, sa kapatid mo na nasugatan mo "
" Fine, magsosorry ako sa kanya. But please huwag mo akong iiwan "
" Kung ayaw mo'ng iwan kita ibalik mo ang dating Luke na minahal ko or else makikita mo nalang ako'ng wala na sa tabi mo "
" Babala ba yan o tinatakot mo ako "
" Ayaw ko lang napapasama ka pa ng husto, Luke. Baka dahil diyan sa nagbagong ugali mo, mawala ang lahat sayo "
Hindi na ito kumibo, tumalikod na ako at umakyat na sa taas.
Bumuntong-hininga ako ng makapasok ako sa loob ng kwarto.
Nag-ayos na ako ng sarili at akmang matutulog na nang magbukas ang pinto at iniluwa roon si Shawn.
Napatayo ako sa kama at nilapitan siya.
" Anong ginagawa mo rito ? Baka makita ka ni Luke. Gusto mo ba talagang mapahamak ha ? "
Bulong na sabi ko sa kanya. Inilock nito ang pinto at iginaya niya ako sa kama.
" Mukhang kausap ni Luke ang kapatid niyang si Athena, so I took a chance na kamustahin ka. Nakita ko kasi na sinampal ka ni Luke, nag-alala lang ako "
I sigh.
" Shawn, okay ako. Kaya umalis ka na "
Bigla niya akong kiniss sa lips pero smack lang.
" Shawn, ano ka ba ! "
Bulong ko na naman sa kanya, pero nakaramdam ang puso ko ng saya.
" I love you, Hermione. Kahit hindi mo ako mahal, basta ako...mahal kita "
I smiled at him. Kiniss ko siya ng smack din.
" Mahal din kita, Shawn. Kahit wala sa panahon para maging tayo, pero masaya ako sayo "
He smiled sweetly.
" Talaga ? M-mahal mo..."
Isang katok ang narinig namin sa pinto.
" Hermione, are you there ? "
Napakagat-labi ako at napasulyap kay Shawn. Naloko na ! Baka mahuli siya ni Benny. Lagot na !!
" Hermione, open the door. I know youre in there, nakabukas pa ang ilaw mo sa room "
" Y-yes, I'm here. Luke, I'm tired, will you please let me rest "
" Honey, let's talk first. Hindi kasi ako makatulog nang hindi tayo nagkakaayos "
" Fine, just give me a minute. Lalabas na ako, meet me at the lobby "
" Maghihintay ako, Love "
Hindi na ako kumibo, nang maramdaman ko ang yabag ni Luke pababa ng stairs. Binalingan ko si Shawn.
" Kapag nakalabas na ako, babalik ka na sa kwarto mo. Understand ? "
" I will "
Iniwan ko na siya sa kama at nauna na akong lumabas ng kwarto.
Sana talaga may oras na nag-iisip din si Shawn hindi yung basta-basta nalang siya pumupunta sa akin baka kasi mahuli siya ni Benny. Ayaw ko pa naman mapahamak siya nang dahil lang sa akin..
Shawn's POV
Tumungo na ako sa lobby kung saan makikipag-usap raw sa akin si Luke, bago ako dumiretso doon sinigurado ko munang nakabalik na sa room niya si Shawn.
Naratnan ko si Luke sa lobby, umiinom. Naupo ako paharap sa kinauupuan niya, may kung ano siyang dinampot sa gilid niya at ibinigay niya iyon sa akin. Isang basong may lamang gatas.
" Drink it, para makatulog ka kaagad "
" L-Luke, alam ko na.. "
" Look, it was my fault. I push you in this situation without even thinking kung bukas sa loob mo ang sumama sa akin. I'm sorry, Hermione "
Napalunok ako ng marahan.
" Luke, I choose to stay..with you. Wala namang may kasalanan nito, besides sabi mo nga nagmahal ka lang "
Lumagok ito ng isang boteng alak.
" Luke, tama na iyang pag-inom mo..hindi ba sabi ng doktor nakakasama yan..lalo na sayo '
" Are you really cared about me, Hermione ? O naaawa ka lang talaga sa akin ? Kasi kung nag-aalala ka sa akin, niyakap mo na ako. Siguro nga awa nalang ang nararamdaman mo para sa akin hindi na pagmamahal "
Pansin ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ni Benny.
" I'm sorry kung nakakaramdam ka ng ganyan, Luke. Pero hindi mo naman kasi maaalis sa akin ang pagkadismaya mula ng magbago ka, at niloko mo ako. But still, I choose to stay. Minahal rin naman kita, Benny "
" How about Shawn ? Do you loved him ? "
I sigh.
" Magkaibigan lang kami ni Shawn, Luke. Kung tungkol ito sa pagsisinungaling ko sayo kanina, I'm sorry. Kasama ko lang siya dahil gusto ko lang makibalita sa Nanay ko. Kahit papaano'y namimiss ko rin ang pamilya ko, Luke at san maintindihan mo yun "
" Papakasalan mo pa rin ba ako, Hermione ? "
" Ofcourse, yes. Papakasalan parin kita, Luke "
Tumayo ito at inilahad niya ang kamay niya sa akin, tinanggap ko naman ito.
Kinuha niya ang cellphone niya at may ipinatugtog rito.
" Pwede ko ba'ng isayaw ang magiging future wife ko ? "
I smiled, parang maiiyak ako sa mga ginagawa ngayon ni Luke. Nagtataksil na ba ako sa kanya, kasi habang kasama ko siya minamahal ko naman si Shawn. At hindi ko dapat ito nararamdaman sa pagitan ng magpinsan. Dahil isa sa kanila maaari ko'ng masaktan.
Hinayaan ko siyang isayaw ako sa gitna ng gabi at sa kabuuan ng lobby.
" Kung tayo ay matanda na, sana'y di tayo magbago. Kailanma nasaan ma'y ito ang pangarap ko.."
Bulong na kanta ni Luke sa aking tainga, napasinghap ako at napangiti. Aabot pa ba kami ng katandaan na magkasama ?
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
