Shawn's POV
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Athena, ang kapatid ni Luke. Ang sabi niya dinala raw si Luke sa mental hospital dahil bigla itong nagwala at naghahamok ng away.
Ganito ba talaga ang resulta ng pangungulila ni Luke kay Hermione ?
Agad ko siyang tinungo sa hospital na pinagdalhan niya. Nakita ko roon sina tita at tito at ang kapatid nitong si Athema.
" How is he ? "
" Until now nagsisigaw parin siya, Shawn. Anong nangyayari sa anak namin ? Hindi naman siya ganyan. Is it because Hermione ? "
Hindi ako nakasagot sa tanong na iyon.
" I try to talk to him, Tita "
Napahawak si Athena sa kamay ko.
" Huwag, Shawn. Hindi na nakokontrol ni kuya ang sarili niya, baka saktan ka pa niya "
" Don't worry, I can manage "
Naglakas nga akong pumasok sa loob ng silid ni Luke, nasa sulok ito umiiyak at nagsisigaw.
" Sir, bawal ho kayo rito. Under controlled na po ang pasyente kailangan lang po namin siyang pakalmahin "
Wari ng lalaking nurse nang makapasok ako sa loob.
" Let me clam him, maghintay nalang kayo sa labas "
" But, Sir... "
" I said leave, pabayaan niyo ako "
Hindi na sila kumibo at nagtungo na nga sa labas.
Nilapitan ko ng dahan-dahan si Luke.
" Dude, its me.. its Shawn "
Napatingin siya sa akin, napaupo ako patabi sa kanya.
" Bakit sinasabi nilang baliw ako, Shawn ? Hindi ako baliw, hindi ako baliw "
" I know, I know "
" Sinasabi kasi ng mga naririnig ko na hindi na raw ako babalikan ni Mira, alam ko babalik siya. Hindi ba babalik siya, hindi ba babalik naman siya ? "
Parang gusto ko'ng maiyak. Ngunit pinipigilan ko ito.
" Y-yes, babalik siya. N-nakausap ko na siya, Dude. Ang sabi niya busy pa raw siya kaya hindi pa siya makakapag-set ng appointment to meet up sayo. Sana raw makakapaghintay ka pa "
Nilingon niya ako at nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti niya sa mga labi.
" Really ? Makikipagkita talaga siya sa akin ? "
" Oo naman, mahal ka pa niya. Ang sabi niya magpagaling ka raw para kapag nagkita kayo maayos ka na. Aasahan ko ba ang paggaling mo, Luke ? "
Nagtaas ito ng kamay at nakipag-pinky swear pa sa akin.
" P-pangako, magpapagaling ako. Basta bantayan mo siya para sa akin ha ? "
" I will, babantayan ko siya para sayo. O sige na kailangan mo raw uminom ng gamot, huwag kang mag-aalala araw-araw kitang babalitaan tungkol sa kanya. Okay ? "
Napayakap siya sa akin na parang bata. Doon na bumagsak ang mga luha ko sa mga mata.
Naaawa ako kay Luke.
Pagkalabas ko ng silid niya sinabi ko sa mga kamag-anak nito na maayos naa siya. Napakalma ko na ito.
Nakapagdesisyon na ako, bukas babalik muli ako kay Hermione. Kukumbinsihin ko siyang harapin si Luke, siya lang ang tanging paraan para gumaling na ito ng tuluyan..
Hermione's POV
Naghired ako ng gardener upang mamahala sa naiwang halamanan ni Mama, nagkusa na rin si Nanay na siya na muna ang mag-aalaga sa halamanan ng yumao ko'ng ina. Masaya na sana ang araw ko kung hindi dumating si Shawn. Naimberna na naman ako. Nagwawala ito sa labas ng gate namin, pinuntahan ko siya.
" Hoy, Shawn. Hindi ka ba talaga nakakaintindi ha ? At nanggugulo ka pa talaga ! "
Bulyaw ko'ng sabi sa kanya,ngunit nagulat ako ng lumuhod ito sa paanan ko at nakita iyon ni Nanay.
" Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakausap ng maayos Hermione "
Naparolled-eyes ako.
" Anak, hindi ganyang ugali ang itinuro ko sayo. Bakit hinahayaan mo'ng manatiling nakaluhod sa paanan mo si Shawn ? Hindi ka ba naaawa, Anak ? "
Napalingon ako kay Nanay. Tinitiis ko nga na hindi maaawa sa kanya kasi kung maaawa na naman ako, baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko'ng umasa .
Napakamot ako sa ulo.
" Lara, ipasok mo nga si Nanay sa loob. Maglalakad lang kami sa kanto ni Shawn "
" Opo, Ate "
Nang makapasok sa loob si Nanay, nilapitan ko si Shawn at binitad ang braso nito. Pinatayo at inaya sa labas ng bahay, bago ako naglakad sinamaan ko siya ng tingin.
" Ano ? Masaya ka na ? Dahil sa ginawa mo naging masama ako sa paningin ni Nanay "
Naiinis ko'ng turan sa kanya.
" I'm sorry, hindi ko intensiyon na..."
" Forget it, nangyari na. Ano pa ba kasing gusto mo ha ? "
Hinawakan niya ang braso ko. Napabaling ako sa kanya.
" Paano tayo magkakaintindihan kung lakad ka ng lakad "
Inigkas ko ang braso ko'ng hawak niya at napameywang ako.
" Speak..bago pa ako maubusan ng pasensya sayo "
Naramdaman ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito.
" Luke need's you "
" Si Luke na naman ? Bakit nasaan ba siya nung kailangan ko siya ? Ngayon sasabihin mo lang na kailangan niya ako. Para saan pa ? "
" Dinala si Luke sa mental hospital, Hermione. Masyado niyang dinibdib ang pagkawala mo "
" Kasalanan niya yun ! Siya mismo ang nagreject sa akin, siya mismo ang nagbigay ng dahilan para mangyari sa kanya yun. Ginawa ko naman lahat ah, pero ano'ng ginawa niya sa akin. Sinaktan lang niya ako "
Tumulo na ang mga luha ko sa mga mata.
" Kaya nga ako nandito para humingi ng sorry sayo, kung ano man ang nagawa ni Luke. Please forgive him, nagsisisi na siya sa lahat ng nagawa niya, Hermione. Wala ka na ba talagang concern sa kanya ? "
" Anong akala mo sa akin walang konsensya ? Oo inaamin ko, Shawn ! Concern ako sa kanya, pero hindi ko alam kung...hanggang ngayon mahal ko pa yan. Masakit ang ginawa niya sa akin, Shawn. Lahat binigay ko para kay Luke, lahat nagawa ko na para sa kanya. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanya. Matagal ko na rin siyang napatawad, Shawn "
" Please harapin mo siya just one more time ? Ayaw ko ng saktan pa ni Luke ang sarili niya, kapag okay na siya. Ako na ang bahala sa kanya. Hindi ka na namin guguluhin, pangako "
" Hintayin mo nalang ang tawag ko, makakaalis ka na "
Tinalikuran ko na siya at nagbalik na ako sa bahay.
Kailangan ko siyang harapin...
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
