Chapter 62

12 1 0
                                        

Hermione's POV

Umuwi ako ng bahay na halos hindi masilip ang sarili sa salamin. Bakit ganitong buhay pa ang naranasan ko ? Pangarap ko lang naman iahon sa hirap si Nanay hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng relasyon sa mga mayayamang tao'ng tulad nina Luke.

Ngayon sa nangyari sa amin ni Luke, parang ipinamukha ko na rin sa sarili ko na ganoon ako kadaling makuha ng isang tao. Hinayaan ko siyang makuha ang pagkababae ko, na hindi ko dapat hinayaang makuha niya. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, ni hindi ako makapalag. I only moaned. It was my first time at ngayon sinabi ko na kay Luke na panindigan niya ako, nakikita ko na sa kabila ng lahat si Shawn ang tao'ng nakita ko na sobrang concern sa akin.

Pagkatapos ko'ng mag-shower, lumabas ako ng silid. Pansin ko na hindi ako pinapansin ng mga tao sa paligid ko lalo na si Nanay, iniiwasan niya ako.

Nagtungo ako sa sala at nakita ko roon si Shawn, nagkatitigan kaming dalawa. Nauna akong naglakad sa labas at sumunod naman siya.

" Hermione, wait "

" What are you doing here? "

" Gusto ko lang sabihin sayo na hindi mo naman dapat sinabi kay Luke yun. Hindi ka niya nirespeto, Hermione. Hinayaan niyang makuha ang pagkababae mo ! "

Hinarap ko siya.

" Sinabi mo ba yan kay Nanay ? Kaya ba hindi nila ako pinapansin ? O kinikibo man lang ? "

" No, I'm not the one who told them. Luke called, kaya pagdating ko masama na ang tingin ni Nanay sa akin "

Napayuko ako at nagpahid ng mga luha ko sa mga mata.

" Alam mo hindi ko na maintindihan si Luke, hindi naman siya dating ganyan. Nasaktan rin naman ako pero hindi ako gumawa ng bagay na...tulad nito, Shawn. Kung hindi ko pinigilan si Luke baka ako pa ang sisihin ng mga angkan niyo kapag namatay siya "

Hinawakan niya ang kamay ko.

" Itatakas kita "

" Ano ?! Hibang ka ba ? Kapag ginawa mo yun baka tuluyan nang mamatay si Luke, hindi ka ba nag-iisip ha ? Ayaw ko'ng may namamatay dahil sa akin. Ako yung mas mahihirapan eh "

" Bina-blackmail ka lang niya, Hermione. Para mag-stay ka "

" Wala na akong pakialam, Shawn. Ito na ang itinadhana para sa akin, ito na ang ibinigay ng Diyos para sa akin. Gusto ko man takasan o layuan ito pero hindi ko kaya "

Napahagulhol na ako sa kaiiyak.

" You don't have to do this, Hermione "

" Yes, but I have to. Para sa safety niya "

" What if yayain ka niyang pakasalan mo siya. Would you say yes kahit ayaw mo naman talaga ? "

Napatingin ako sa kanya.

" Do I have a choice, Shawn ? Nagbago na si Luke, kahit sarili niya kaya niyang saktan para lang hindi ako mawala sa buhay niya. Nais ko sanang humingi ng pabor, Shawn "

" Ofcourse, kahit ano. Basta para sayo, Hermione "

" Ikaw na ang bahala sa pamilya ko, Shawn. Bantayan mo sila para sa akin, please ? "

" I promise, ipangako mo rin sa akin na mag-iingat ka. Don't worry babantayan din kita, every weekend mag-e-stay ako sa house mo. Every weekdays babantayan kita. Kung hahayaan mo ako, Hermione ? "

Hindi na ako kumibo, napayakap nalang ako sa kanya. Wala na akong ibang makakapitan kundi si Shawn nalang. Siya nalang ang natatanging tao na maaasahan ko...

Gabayan niyo sana ako sa tatahakin ko'ng mundo, Diyos ko !...

Luke's POV

Nag-quit na ako as a lawyer, for now magpo-focus na ako kay Hermione. Mas mabuting magtayo nalang kami ng sarili naming business kaysa maging busy ako sa mga cases na kailangan kong e-present sa korte. Ayaw ko ng maging busy, ayaw kong maramdaman ni Hermione na wala na akong time for her.

" Kuya, may I talk to you ? "

Nasa veranda ako this time, ngayon darating si Hermione babalik na siya dito sa bahay as my future wife again.

" Ofcourse, about what ? "

" About ate Hermione, is it true ? Magkakabalikan na kayo ? "

" Its true, baby girl "

" In a hard way, Kuya ? Nalaman ko ang nangyari doon sa mental hospital, you fooled us ? Pati kami na family mo ha, Kuya ? "

" Forget about it, past is past "

" I can't forget, Kuya. Nagawa mo yun sa kadahilang gusto mo'ng sapilitang maibalik sayo si Ate Hermione. Bakit ka nagkaganyan, Kuya ? Its not you "

Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin.

" It is my decision not yours. Now kung hindi mo tanggap ang nagawa mo, wala na akong magagawa. Nangyari na, she said yes. She's gonna be my wife, again. Hindi bilang si Mira kundi bilang si Hermione na. Aren't you happy for me ? "

" Paano kami magiging masaya para sayo, Kuya ? Kung hindi sa maayos na paraan mo napa-oo si Ate Hermione. What if ayaw na talaga niya and you still hold on to her. Baka masasakal lang siya sayo, Kuya "

Nilapitan ko siya at inilagay ang mga kamay ko sa leeg niya.

" Shut up, hindi ko kailangan ng opinion mo ! Desisyon ko ito, kagustuhan ko lahat ito. Wala nang makakapigil sa akin, now get lost !"

Binitiwan ko na siya at tinalikuran...

" You've change a lot, Kuya. And I hate you starting from now ! "

Patakbo itong umalis sa harap ko, napalinga-linga ako. I'm sorry, Athena. Hindi ko intensiyong saktan ka, nadala lang ako ng damdamin ko.

Nagiging masama na ba talaga ako ? Nagmahal lang naman ako eh. Gusto ko lang naman makasama si Hermione. Bakit hindi man lang nila ito maintindihan ?

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon