Shawn's POV
Sa bahay ko na nga pinatuloy si Cassandra, gulat pa si Dad at Mom nang makita siya. Do I care ? Kung magalit sakin ng husto si Dad ? Kahit kailan naman hindi ko naramdaman na mahal ako niyan. Aside from Mom na palagi akong kinakamusta.
" Babe, I'm starving "
Nag twinkle eyes pa ito nang sulyapan ko. Katatapos lang namin mag-make love. Hindi ko alam kung ilang beses na may nangyari sa amin but still para may kulang..I don't get it.
Tumayo ako para tumungo sa kusina, ngunit nang buksan ko ang pinto nagkasalubong kami ni....Hermione ?
Muntik na nga kaming magkabangga mabuti nalang mabilis siyang nakailag.
Sinipat ko siya ng maigi. She's different now, she wores floral dress at pink flat shoes. She don't look like a maid.
" What are you doing here ? "
Magsasalita na sana ito nang akbayan si Hermione nang pinsan ko'ng si Luke.
" She's with me, Shawn. From now on, she's not your maid. She's my girlfriend now, don't you dare do stupid things to her or else baka makalimutan kong pinsan kita "
I sigh sabay palinga-linga.
" You've change, Luke. We are best buddies before kaya lang dahil lang sa kanya, ganyan ka na kung umasta ? "
" Prinoprotektahan ko lang ang taong mahal ko, kaya hindi mo ako masisisi kung makalimutan ko kung ano tayo. Let's go, Love "
Sinulyapan ko si Hermione, kumapit ito sa beywang ni Luke. Napameywang ako. Umalis na nga sila sa harapan ko at lumabas na nang bahay.
Seriously ? Ganoon siya kadaling nakuha ni luke ? O baka naman.. hmp ! Alam ko na kung bakit at sisiguraduhin ko na tama ang kutob ko.
Hermione's POV
Gabi na nang makabalik kami ni Luke sa mansiyon, nang makilala ko ang family niya. Tinanggap ako ng mga ito, boto pa nga ang mga kapatid nito sa akin. Napakagaan sa loob isipin na tinanggap ka pati mga magulang ng boyrfriend mo.
" Love, pwede bang magpahangin muna ako dito sa garden ? "
" Ofcourse, basta tawagan mo ako kapag gusto mo ng babain kita. Sa room lang ako, may pag-aaralan lang akong case "
Napangiti ako sa kanya. Umalis kami kanina para e-enroll niya ako sa highschool hindi naman ako nakahindi kasi kagustuhan rin ng mga magulang niya. Nais nila na may matapos ako.
Umakyat na nga siya at nagpaiwan na ako sa garden. Habang niyayapos ko ang sarili ko'ng mga braso. May biglang kumalabit sa braso ko at hinila ako sa napakasulok ng garden. May room pala doon na hindi ko alam.
Nang makapasok kami sa loob, nakilala ko kung sino nang inilawan niya ang buong silid.
" S-Sir Shawn .. Este Carter ? Anong ginagawa mo ha ? "
" Gusto ko lang maliwanagan kung totoo ba'ng kayo na nga ni Luke "
Napacrossed-arms ako.
" Ano pa bang gusto mo'ng pruweba ? Nandito na ako, pinakilala na niya rin ako sa mga magulang niya at..tanggap nila ako. So, ano pa ba ang gusto mo'ng malaman ? "
Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, masakit yun at napakhigpit.
" Bitiwan mo ako, Shawn. Nasasaktan ako ! "
Sinamaan ko siya ng tingin, hinila niya ako papunta sa kanya. Hinalikan niya ako na may halong galit, nagpupumiglas ako ngunit sadyang napakalakas niya.
Hanggang sa napaiyak nalang ako, doon na siya tumigil sa ginagawa niya.
Kaninang galit na pagkakahawak niya sa braso ko ay naging malumanay na. Pero nakayakap parin siya sa akin, hinalikan niya ako sa noo.
" I'm sorry, patawarin mo ako "
" Bakit ka ganyan sa akin, Shawn ? Bakit palagi mo akong sinasaktan at pinapaiyak ? Ano bang kasalanan ko sayo "
Sinuntok-suntok ko ang dibdib niya. Hinayaan niya lang akong gawin yun sa kanya.
" Handa akong masaktan mo, mapatawad mo lang ako. Hermione, please sorry "
Tumigil na ako kakasuntok sa kanya, nagtagpo ang mga mata naming dalawa nang ikulong niya ang mukha ko sa mga kamay niya.
" i love you "
Bulong niyang sabi sa akin. Sandali..tama ba ang narinig ko ? Hindi ! Mali ka nang narinig, Hermione..
Hikbi lang ang tanging naisagot ko sa kanya.
Tatalikuran ko na sana siya nang sakupin niya muna ang mga labi ko. Napakapit ako sa laylayan ng damit niya nang gumapang ang isang kamay niya sa dibdib ko. Napaungol ako at pinalayo siya sa akin.
" Mali ito, Shawn. Mahal ko si Luke at wala akong ibang gustong mahalin kundi siya lang. Ayaw ko siyang saktan, lahat ng pagmamahal at pagtanggap sa kanya ko lang naramdaman, sayo ! Puro sakit lang ang ipinaramdam mo sa akin. Sino ka ba para halikan ako basta-basta "
" I love you, Hermione "
Hindi ako nakakibo sa sinabi niya.
" Nasasaktan ako ! Sa tuwing kasama mo si Luke, sumisikip ang dibdib ko kapag sinasabi mong mahal mo siya. Paano naman ako ? "
Napalinga-linga ako.
" Hindi ko alam, Shawn. Excuse me "
Patakbo ko'ng nilisan ang silid na yun.
Tumungo ako sa kwarto ni Luke. Inayos ko muna ang sarili ko, bago ko siya pinasok sa loob. Nang buksan ko ang pinto, nakita ko siyang nakatulog na sa work-in table niya. Dahan-dahan ko'ng isinara ang laptop niya, hinawi ko ang buhok niyang natakip ng mukha niya.
Napaluha ako sa sobrang kahihiyan.
Patawarin mo ako, Luke. Hindi dapat ako nagpadala sa damdamin ko sa kanya,hayaan mo babawi ako. Iiwasan ko na siya at hindi ko na hahayaang maramdaman pa ang nararamdaman ko sa kanya. Ayaw ko man aminin pero, tumibok ang puso ko kay Shawn.
Hindi dapat ito magpatuloy, masasaktan lang ako at may masasaktan pa ako. Ayaw ko'ng maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko, Love.
Gagawin ko lahat para maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo.
BINABASA MO ANG
The Maid
Aktuelle Literatur"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
