** THE WEDDING **
Hermione's POV
Halos maiyak ako sa sobrang tuwa habang naglalakad sa gitna ng simbahan at marahang dinamdam ang lambot ng red carpet na aking inaapakan.
Hindi ko mawari kung ito ba ang mararamdaman ko kapag nangyari ang kasal namin noon ni Luke.
" I, Shawn Carter Sandoval nangangakong magiging mabuting asawa, ama at haligi ng tahanan. Tutulungan kita sa pagpapalaki at paggabay sa mga anak natin at sa mga darating pa'ng mga anak natin. I will you today, tomorrow and forever. Hermione, alam mo ba kung gaano ako kasaya nang makilala kita. Naging buo ang pagkatao ko nang tanggapin mo ako sa buhay mo. Mahal na mahal kita at hinding-hindi kita sasaktan. I will always be here for richer or for poorer, in sickness and in health till death do us part "
Marahang napapahid ako sa mga luha ko sa mga mata.
" I, Hermione Miller . Nangangakong sayo na magiging mabuti ako para sayo, magiging butihining ina ako sa mga anak natin at sa mga susunod pa nating mga supling. Magiging mabuti akong ilaw ng tahanan niyo, alam mo noon sabi ko. Imposibleng magkagusto ang isang maid sa kanyang amo and worst is mas imposible na magkagusto ang amo sa isang maid. Pero napagtanto ko na hindi pala basehan kung ano ang estado mo sa buhay ang mahalaga'y nagpakatotoo ka. Kaya salamat kasi hindi mo ako sinukuan, hindi mo ako pinabayaan, hindi mo pinaramdam sa akin ang kakulangan. Salamat at mahal na mahal na mahal kita. I will always be here for richer or for poorer, in sickness and in health till death do us part "
Napayakap kami ni Shawn sa isa't isa. Habang nagsasalita ang pari, isinusuot na namin ang mga singsing at ilang saglit pa inanunsiyo na ng pari ang aming pag-iisang dibdib.
" God blessed the two of you bilang Mr. and Mrs. Hermione Miller Sandoval. Groom you may now kissed your beautiful bride "
Dahan-dahan nang tinatanggal ni Shawn ang belo ko at hinalikan ako sa mga labi. Napakapit ako sa leeg niya dahil naging mapusok ang halik na yun.
Narinig ko ang hiyawan at palakpakan ng lahat ng mga tao sa loob ng simbahan.
Sa wakas..Mrs. Sandoval na ako. Buong-buo na ang pagkatao at pamilya ko. Ngayon iisipin ko na ang kaligayahan at kapakanan ng buong pamilya ko.
Salamat sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan sa lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay ko.
Para sa mga nawawalan na ng pag-asa diyan, huwag kayong mawalan ng pag-asa sa buhay kasi lahat ng bagay may kapalit. Kapag nasa gitna ka ng kalungkutan humugot ka sa iyong mga mahal sa buhay ng inspirasyon para makabuo muli ng panibagong desisyon na siyang makapagbabago ng iyong pananaw.
Laban lang...
Nandiyan ang Diyos para gabayan tayong lahat..
Maraming Maraming Salamat sa lahat ng sumusubaybay ng estoryang ito. Sana patuloy niyo parin suportahan ang mga upcoming stories ko.
Ingat po, God bless 😘
BINABASA MO ANG
The Maid
Ficción General"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
