Hermione's POV
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko ngayon, kaligayahan ba o kasiyahan lang. Iwinaksi ko na noon pa ang nararamdaman ko kay Shawn pero bakit hanggang ngayon sa tuwing nakikita ko siya.. I felt the same way. At nandito raw siya para...makita lang ako ?
Bahagyang lumapit sa akin si Shawn at hinawakan ang mga kamay ko.
" Kamusta ka ba ? "
Hindi ako makakibo, napatitig lamang ako sa mga mata niya. Dahan-dahan itong lumapit pa sa akin at akmang hahalikan ako ngunit tumayo ako at napatalikod ng tayo sa kanya.
" I'm sorry...Hermione "
Bakit ganito ? Bakit apektado parin ako ? Hindi dapat..mahal ko pa din hanggang ngayon si Luke pero bakit iba ang epekto sa akin ng presensya ni Shawn. No ! Hindi dapat.
Naramdaman ko'ng may bisig na yumakap sa likuran ko. Isinandal niya ako sa pinto ng room na iyon at napansin ko nalang na..inilock niya yung pinto.
Iniharap niya ako sa kanya, halos magkalapit lang ang mga mukha naming dalawa. Nasinghot ko na nga halos ng mens cologne niya. Napalunok ako ng marahan..
" Bakit ka umalis ? Bakit mas pinili mo'ng ibigin si Luke ? Why not me, instead ? I love you, Hermione. Bakit hindi nalang ako ? "
Sinakop na naman niya ang mga labi ko, napasinghap ako sa temptasyong dala niya. Naitulak ko siya ng bahagya.
Naglakad ako papunta sa kurtina ng bintana, subalit sinundan niya parin ako at hinawakan ang kamay ko papunta sa kanya. He kissed me deeply, halos hindi na ako makahinga sa sobrang deep ng halik niya. Hanggang sa naibagsak na niya ang katawan ko sa kama. Doon lamang ako natauhan nang akma a niya akong huhubaran. Itinulak ko na siya ng ubod lakas. Tumayo ako sa kama at inayos ang sarili ko.
" Mali ito, Shawn. Alam mo naman na hanggang ngayon kami parin ni Luke. Pinsan mo siya hindi mo man lang ba siya inisip ? "
" Kayo pa ? Pero bakit ramdam ko na malaya ka sa tuwing yakap at hinahalikan kita ? "
Napasapo ako sa noo ko.
" Hindi ko alam. Ikaw lang ang may sabi niyan, isa pa..ayaw ko ng maramdaman ito. Kapwa tayo magkakasala kay Luke "
Nilapitan niya ako at ikinulong ang mukha ko sa magkabilang kamay niya.
" Paano naman ako, Hermione ? Wala na ba talaga ako'ng karapatang mahalin ka ? "
" Wala na.. hindi ba may anak at asawa ka na. Si Cassandra, hindi ba may anak na kayo. Bakit hindi sa kanya mo ituon ang atensyon mo. Mas kailangan ka ng anak mo, Shawn "
" Mali ka, Hermione. Matagal na kaming wala ni Cassandra, at hindi ako ang ama ng anak niya. I swear "
" Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko pero..hindi parin ito tama. Maling-mali ito, Shawn. Masasaktan natin si Luke "
Bumitiw siya ng pagkakahawak sa mukha ko at lumayo siya sa akin.
" I should go "
Sabi nito. Papalabas na sana ito ng kwarto nang pigilan ko ito.
" Patawad...Shawn "
Sinulyapan niya ako. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at...hinalikan na naman ako sa mga labi.
Hindi na ito deeply tulad kanina, halik iyon ng pamamaalam. Kapag minamahal ko si Shawn masasaktan ko si Luke, pero kapag minamahal ko naman si Luke nasasaktan ko naman si Shawn. Sana dalawa nalang ang puso ko parin hindi na ito malito para maaari akong magmahal ng dalawa. Subalit, nag-iisa lang ito at para lang sa lalaking nararapat magmamay-ari nito.
" So this is goodbye "
" Goodbye "
Napayakap muna kami sa isa't isa bago siya umalis.
Napaupo ako sa kama at napahagulhol sa kaiiyak. Masakit pala sa pakiramdam kapag may nireject ka'ng tao lalo na kung..may bahagi rin siya sa puso mo.
Kailangan ko siyang bitiwan at panindigang si Luke lang at wala ng iba. Nagpasya ako na sa kaarawan ni Luke ako magpapakita at para matigil na ang nararamdaman ko kay Shawn, ako mismo ang magpo-propose kay Luke.
Is he say Yes to me ?
Luke's POV
Its my birthday pero ramdam ko na parang may kulang. Pero hindi ko na dapat siya iniisip sa ngayon, ikakasal na ako sa iba at ang suhestiyon ng mga magulang ko na ngayon na rin ako magpo-propose sa babaing ipinakilala sa akin ng nga amigo ni Daddy.
Ayaw ko man, but I have to.
Nasa kwarto ako at nag-aayos ng sarili ko nang mamataan ko ang pagpasok ni Mommy.
Lumapit ito sa akin at bumeso.
" Happy Birthday, Son "
" Thank's , Mom "
" What's wrong ? Dapat masaya ka today dahil birthday mo "
" Oo nga eh, pero pansin ko parin na may kulang sa araw ko "
" Is it because Hermione is not around ? "
Napabuntong-hininga ako.
" Son, let Hermione out of the picture. Buong akala natin babalik siya pero hindi na, aasa pa ba tayo , Anak ? Oo naging mabuti sa atin si Hermione, she's a kind person kaya lang..iniwan niya tayo lahat. Anak, masasaktan ka lang kapag hinayaan mo pa ang sarili mo'ng umasa sa pagbabalik niya "
Hindi ako nakakibo.
" Anak, its for your own good. Makakabuti rin para sayo si Briella, nalaman ko ang background niya. She is a collage teacher, she teaches intelligent students. Graduate ng suma and magna cum laude, hindi lang naman ang pinag-aralan niya ang pinagbasehan ko, Anak. Siyempre inalam ko rin ang ugali niya, mabuti siyang anak, kapatid at apo ng pamilya nila. Magalang, masipag, maalaga at higit sa lahat marunong rin siya magluto, Anak. She's a perfect woman, bagay kayo "
Oo nga perpekto'ng babae na nga siya, but still si Hermione parin ang laman ng puso ko.
Kinalabit ako ni Mommy, napalingon naman ako sa kanya.
" Kapag sinubukan mo'ng ipalagay ang loob mo kay Briella at kilalanin siya ng husto, makakalimutan mo rin si Hermione. Trust me, Anak "
Nginitian ko nalang si Mommy, wala rin naman akong magagawa. Yun ang ibinigay ng tadhana sa akin.
Sumabay na ako kay Mommy magpunta sa venue ng party. Pagkarating namin roo'y nakilala ko kaagad si Briella.
Kumunyapit na siya sa braso ko at inaya ko na siya sa loob ng party.
Lumipas ang napakaraming oras, nagpasya na akong magpropose na kay Briella. Kahit bago pa kami magkilala susubukan ko ang sarili ko'ng kilalanin siya.
Isinayaw ko siya sa gitna, habang tinititigan ko siya..nakikita ko sa kanya si Hermione. Napalinga-linga ako.
" Are you okay, Luke ? "
" Yes, I'm fine. Siyanga pala, alam ko na mabilis ito. Pero hindi ko na ito palalampasin..Briella, will you marry me ? "
Lumuhod ako sa paanan niya.
Napatango ito ng marahan.
" Yes, Luke. I will marry you "
Pagkasuot ko ng singsing niya, niyakap ko siya at inikot-ikot sa ere.
" Luke ? "
Natigilan ako at napalingon sa likuran..
" Hermione ? "
Tumakbo na ito paalis..
God !!
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
