Chapter 38

33 2 0
                                        

Shawn's POV

" What ?! "

Bulalas ko kay Cassandra  sinabi kasi niyang may mangyayaring double date tonight with Hermione and Luke

" Sino naman ang nagsabi sayong sumama sa dalawang yun sa date pa talaga nila ? Ano tayo dun .. chaperon ? "

" Ofcourse not, kaya nga tinawag na double date hindi ba ? Besides, its time na rin para makilala tayong dalawa as couple "

Naparolled-eyes ako.

" Hindi ba pwedeng yung tayo lang dalawa lang ? Bakit kailangang umagree ka sa double date na yun ?"

" Hindi ako umagree, I'm the one who suggest it "

" What ?! Are you insane ? Hindi mo man lang ba ako tinanong muna if I want too ? "

" Don't tell me ayaw mo ? "

" I want pero gusto ko yung tayo lang dalawa "

Nilapitan niya ako at nilaro-laro ang fingers niya sa mga abs ko.

" Babe, hindi na tayo pwedeng mag-back-out. Napa-oo na ako kay Luke, shall we go there ? Please ? "

Napameywang ako.

" Kung wala ka talagang feelings for Hermione pupunta tayo, kapag hindi tayo pumunta it means..may gusto ka nga sa dati mo'ng maid "

Sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi na ako kumibo.

Nangyari nga ang double date na iyon, doon kami sa paboritong restaurant namin ni Luke. Nauna kaming dumating, Cassandra wears blue dress. Tinernuhan niya ito ng diamond necklace at white pouch. After an hour, dumating na yung dalawa. Parang nag-slow motion ang gabing iyon sa akin nang makita ko si Hermione, she's wearing a red dress above her knee. Mayroon rin itong rose bracelet and golden pouch. Nagbitaw ako ng tingin ng tapikin ni Cassandra ang hita, napansin kaya niya ang pagtitig ko kay Hermione ? Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa ayos niya ngayon ? Sobrang ganda niya, kahit natural make-up lang ang use nito. Kitang-kita parin ang gandang-pilipina nito.

Naupo na ito paharap sa amin.

" Are we late ? "

Akmang tanong ni luke sa amin.

" No, just on time. Medyo napaaga lang kasi kami ni Shawn. Hi, Hermione . You look good tonight, is that for rent or Luke's stuff ? "

Pansin ko ang paggalaw ng jaw ni Hermione, tinapik ko si Cassandra.

Bumulong ako sa kanya.

" Don't do any wrong words and moves, Babe. Be gentle and good, will you ? "


Umayos na ito ng pagkakaupo. Mabuti nalang marunong itong makinig kundi baka iniwan ko na siya kasama nung dalawa.

Pero..hindi ko talaga maaalis sa isip ko kung gaano kaganda ngayon si Hermione

Naalala ko tuloy when luke said kapag inayusan yan maganda yan. Its true..

Sayang..

Hindi ang tulad niya ang gusto ng family ko.. kapag sinunod ko ang puso ko..kawawa siya.

Hermione's  POV

Nagpaalam ako sa kanila na gagamit muna ako ng restroom, ngunit hindi ko akalaing sasabay din pala sa akin si Cassandra.

Okay lang, kaya ko namang ipagtanggol ang sarili kung sakaling susunggaban ako ng babaing ito.

Nang nasa restroom na kami, panay ang sama kung makatingin sa akin si cassandra Hindi na ako nakapagpigil.

"  do you have something you want to say? "

Diretsang tanong ko rito.

" Did you really prepred this night ? Para lang makuha mo ang atensiyon ng lahat specially to Shawn? "

Napangisi ako at napaturo sa sarili ko.

" Me? Kumukuha ng atensyon sa iba lalo na kay shawn ? Hindi naman ako desperadang tao para lang gawin yun. Kung naging issue sayo ang ayos ko, sorry ka nalang. Its Luke's choice, ngayon kung insecure ka sa ayos ko..problema mo na yun "

Ibinalik ko ang atensyon ko sa salamin, ngunit tinulak niya ako paatras. Mabuti nalang at napahawak ako sa pader ng restroom. Sinamaan ko siya ng tingin.

" Hoy , Yaya. Hindi purke boyfriend mo ay mayaman eh ganyan ka na kung umasta ! Tandaan mo lupa ka lang wala ka sa kalingkingan ko ! Isang hamak na katulong  ka lang tandaan mo yan"

Ngumisi ako.

" Oo nga, isang hamak lang na katulong  lang ako...noon. Pero hindi na ngayon, kung inaakala mo na mapagmataas na ako dahil jowa ko ay mayaman. Nagkakamali ka, cassandra. Hindi ako pinalaki ng Nanay ko para apihin lang ng kung sino man. Kaya ko'ng lumaban kahit pa patayan, sabihin mo lang kung gusto mo ng..patayan "

" Don't scare me, Maid. Hindi mo ako kilala. I am Congressman daughter, isang langgam ka lang na maaari ko'ng tapakan "

" Oo nga, isang langgam lang ako. Pero ang langgam na ito ang kinaiinggitan mo, kawawa ka naman. Mayaman ka naman sana, pero kulang ka sa pagmamahal. Siguro..isa ka lang toy para kay Shawn kasi hindi ko rin ramdam kung...mahal ka niya "

" How dare you ?! "

Akmang dadapo ang palad nito sa mukha ko subalit nahawakan ko agad ito at napigilang makadapo sa makinis kong mukha.

" Huwag ka masyado pakampante, Cassandra Kung kasing kinang ng pangalan mo ang pagkatao mo pwes..kasing itim ng budhi mo ang ugaling pinamana sayo ng magulang mo. Hindi mo rin ako kilala, Cassandra Kaya huwag mo'ng subukan ang pasensya ko "

Padabog ko'ng binagsak sa ere ang kamay niya, bago ako umalis sinulyapan ko muna siya.

Nagbalik ako sa table, at inaya na si Luke na umuwi. Hindi na ako napatingin kay Shawn, dahil sa kanya kaya nababaliw ang babaing yun. Pati ako na walang masamang ginagawa, binabangga.

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon