Hermione's POV
Mahigit isang linggo na kami sa resort, ngunit nagpasya akong magpaalam kina Nanay at Lara na pupuntahan ko muna ang hotel, tumawag kasi sakin ang secretary ko na may nagcheck in raw na hindi man lang nagbayad.
Nang pumayag si Nanay agad ko itong pinuntahan, pagkarating ko ng hotel tinanong ko kay Hera kung saa'ng room naka-ukopado ang bagong nagcheck in na hindi nagbayad.
" Room 146 po, Ma'am "
Kinuha ko yung double key ng room at tinungo agad ito, kung noon takot ako sa elevator hindi na ngayon. Nasanay na ako mula ng ma-achieved ko lahat ito.
Nang makarating na ako sa room na ito, kinatok ko muna ang pinto. Subalit walang nagbubukas. Ginamit ko na ang susi para buksan ito.
Ngunit laking gulat ko nang makilala kung sino ang nakacheck in rito.
Tumaas ang isang kilay ko.
" Don't you have manners ? Basta-basta ka nalang talaga papasok sa kwarto nang hindi kumakatok ? "
" Excuse me, kumatok po ako makailang beses pero wala po'ng sumasagot at wala'ng nagbubukas. Masisisi mo ba ako.... Cassandra ? "
Nagtuloy ako'ng pumasok sa loob, at bakit ? Wala lang baka kasi kasama niya si shawn..
Pero iba ang nakita ko na nasa kama, isang sanggol ito na mahimbing na natutulog.
" Siya na ba ang anak niyo ni Shawn ? Is he here ? "
Napameywang si Cassandra habang kinakausap ako.
" Yes...siya na nga, but he's not here. I called him, papunta na siya. Bakit ? Siguro nabalitaan mo na ako ang nagcheck in dito, ano ? Sinusundan mo ba kami ni Shawn ? Hanggang ngayon ba, Maid ? "
Napaismid ako.
" Una sa lahat, hindi na ako yung maid na nakilala mo. Pangalawa, hindi ako nagpunta rito para sundan kayo. Pangatlo, wala na rin ako'ng pakialam sa love story niyong dalawa. I've change a lot, Cassandra. Ewan ko nalang sayo, siguro nagpabuntis ka nalang kay Shawn para...mag-stay siya sayo at mawalan na siya ng choice "
" How dare you ?! "
Ngumisi ako.
" Ayaw ko nang gulo, nandito lang naman ako para singilan ka sa bayad mo sa room. O baka naman wala ka ng pambayad kaya tinakot mo na ang mga staff ko "
" Staff mo ? What are you talking about ? "
" Hindi naman sa nagmamayabang ako, kasi..nasa hotel kita. Hindi ka ba nainform ng secretary ko ? I own this hotel, I manage it "
" Hmm..do I care ? Pwes, saksak mo sa baga mo itong hotel mo ! Cheap nga eh. Walang ka-taste taste sa mga gamit "
" Cheap ? Yan ba ang kunwaring ginagawa mo kapag wala ka ng pambayad ? Pasalamat ka naaawa ako sa anak mo kung hindi pinapulis na kita. Ngayon kung ayaw mo'ng magalit ako, lumayas ka rito "
" How dare you to push me out ! May pambayad ako at hindi ko gusto rito. Masyadong cheap ! "
Nilapitan ko siya at hinablot ang braso niya.
" Get off me, nasasaktan ako "
" Sa susunod na magkikita tayo..hindi na kita sasantuhin "
Nauna akong lumabas ng silid at bumaba ng lobby. Nagpasya akong magtungo sa office ko dito sa hotel.
Sa lahat pa talaga ng makikita ko..siya pa talaga. Nakakainis ! Napakamalas..
Shawn's POV
May client meeting si Daddy this morning at napili niya ang restaurant ko para makipag-meet up sa client niya.
Inasikaso ko siya sa center table kung saan siya umukopa ng mauupuan kasama ang client niya.
Pagkarating ng client ni Dad, agad nilang pinag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa isang mabigat na kasong kailangan harapin ni Dad sa korte. Nang matapos na sila, naunang umalis na ang client nito at naiwan pa si Dad na abala pa sa kinakain nila.
Nilapitan ko ito.
" D-dad, m-may gusto pa ba kayong kainin ? "
" Nothing..sit down "
" Ako po ? "
" Ofcourse, sino pa ba ? "
Napaupo nga ako paharap sa kanya.
" Alam mo naman na dessappointed ako at first sa kursong gusto mo. Ito sa planong ginawa mo para sa buhay mo, but...I am proud of you, Son. Kahit gaano kalupit ang ama mo hindi mo parin sinukuan "
" Ofcourse, Daddy ko po kayo. Alam ko na may mga pagkakamali ho talaga akong nagawa sa buong buhay ko. Kung hindi ho sana kayo...magagalit, Dad. Its because of Hermione kaya ako nagbago "
Napansin ko ang pagkunot ng noo nito habang ngumunguya ng pagkain.
" What do you mean ? "
" Dahil po sa mga advices niya, Dad. Sa totoo lang po..nagkagusto ako kay Hermione "
Hindi ito kumibo, marahan lang itong nakikinig habang inuubos ang pagkain niya.
Magsasalita pa sana ako nang magbukas ang pinto ng restaurant. Kumunot-noo ako. Si.. Nanay Clar yun ah, ang Nanay ni...Hermione. Ano'ng ginagawa niya rito ?
" Dad, excuse me lang. May kakausapin lang ako sandali "
" Go ahead "
Tumayo na ako at nilapitan si Nanay Sally.
" Nay ? Nay, ikaw nga "
" Hijo, tama nga ako dito kita matatagpuan "
" Po ? "
" May gusto lang kasi ako'ng itanong "
Habang abala ako sa pakikipag-usap kay Nanay, hindi ko namalayang lumapit pala sa amin si Daddy.
" Son, I'll go ahead.. May... "
Nang magkasalubong ang mga tingin ni Daddy at Nanay, kapwa sila hindi nakakibo.
" David? "
" C-Clar ? "
Kapwa sambit ng dalawa.
" Magkakilala ho kayo ? "
Takang-tanong ko sa dalawa.
" Pwede ko ba siyang makausap sandali, Hijo ? "
Napalunok ako ng marahan.
" Opo naman, Nay "
Sinamahan ko ang dalawa sa kung saan nakaupo si Dad kanina.
" Son, can you please leave us two muna ? "
" Hindi, mas mabuting nandito siya "
Napakamot ako sa ulo. Hindi nalang nga ako umalis.
" Kamusta ka na, Clar ? Ang tagal kitang hinanap kaya lang hindi ko alam kung nasaan ka "
" Talaga ba'ng hinanap mo ako, David ? "
" Ofcourse, kaya lang masyadong mahigpit si Dad. Kumuha ako ng private investigator para mahanap ka kaagad. How's our child ? Nalaman ko kasi na may anak tayo noong unang report sa akin ng private investigator ko "
Napansin ko ang pagyuko ni Nanay.
" Nay? Hindi ba si Hermione po ang eldest daughter niyo ni Dad ? Ibig sabihin siya po ang anak ni Dad sa inyo ? "
Hindi nakakibo si Nanay? Nagulat naman si Daddy nang bigkasin ko ang pangalan ni Hermione...
Sa ganitong paraan ko pa talaga malalaman ang nakaraan ni Dad ?
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
