Hermione's POV
Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak dahil sa mga nakita ko ngayon, napakasakit. Hindi man lang niya ako hinintay.
Tumakbo ako palabas ng venue ng birthday party niya ngunit namataan ko na sinundan ako ni Luke, hinapit niya ang braso ko. Inigkas ko ito at hinarap siya. Napahikbi ako ng marahan.
" Mag-papaliwanag ako, Hermione "
" Ano pa ba ang ipapaliwanag mo, Luke ? Kitang-kita ko mismo sa mga mata ko, ang daya mo..hindi mo man lang ako hinintay "
" I..I'm sorry, a-akala ko kasi..hindi mo na ako babalikan "
Pansin ko na napaluha na rin ito, napalinga-linga ako.
" Kaya ka magpapakasal sa iba ? Nangako ako, hindi ba ? Hindi ko aakalaing bibitawan mo ako ng ganoon kadali. Siguro..sapat na dahilan yun para sabihin natin na..hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Ngayon..pinapalaya na kita "
" Hermione..wait "
Hindi ko na siya nilingon pa, napahagulhol ako sa kaiiyak habang binaybay ang daan papunta sa kotse ko. Sumabay pa talaga ang napakalakas na ulan sa nararamdaman ko.
Habang nagda-drive ako, panay parin ang bagsak ng mga luha ko sa mga mata. Halos humapdi na ang mga pisngi ko sa kakapahid ng mga nagbabagsakang luha ko. Inihinto ko ang sasakyan..
Nang may kumatok sa bintana ng kotse ko.
Its...Shawn.
Pagbubuksan ko ba siya ?
Pinagbuksan ko na nga ito at pumasok siya sa loob ng sasakyan.
" Anong kailangan mo ? "
" G-gusto lang kitang...kamustahin "
" Sa tingin mo ba..okay lang ako ? "
" Hindi "
Sinamaan ko siya ng tingin.
" Look, I'm here to comfort you. Sana, hayaan mo ako'ng e-comfort ka "
Napayuko ako ng marahan.
" Ilabas mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo, Hermione. Dati nga noong problemado ako, nandoon ka para damayan ako. Bumabawi lang ako sa mga nagawa mo sa akin noon "
Napahagulhol muli ako sa kaiiyak, naninikip yung dibdib ko sa sobrang sakit.
Hindi ko aakalain na ganoon lang kadali kay Luke ang palitan ako. Nangako naman ako na babalik ako, pero hindi man lang niya akong nagawang hintayin. Yun lang eh, yun yung masakit.
Shawn's POV
Inako ko ang driver seat kung saan nakaupo si Hermione, dinala ko siya sa rest house na binili ko lang last month.
Naupo kami sa veranda, nagtimpla ako ng mainit na tsokolate at nilagyan ko ng makapal na kumot ang braso niya. Nakasuot lamang kasi ito ng tube blue dress, one inch high heeled sandals at nakaponytail ang buhok.
Humigop ito ng mainit na tsokolate nang iabot ko ito sa kanya.
" Nagustuhan mo ba yung...tsokolate ? "
" Oo, masarap siya ah "
" Ofcourse, best sale yan sa restaurant ko lalo na sa mga panaho'ng ganito. Salamat naman at nagustuhan mo "
" Ang ganda ng place mo ah, mukhang handa ka na mag-settle down. Bakit hindi mo pa ginagawa ? "
" Hindi ka pa kasi pumapayag "
Kumunot-noo ako.
" I'm just kidding, what I mean is..hindi ko pa kasi nahahanap ang babaeng para sa akin "
" Dapat nga hindi na tayo nagkikita't nag-uusap ngayon mula nang may nangyari sa atin doon sa hotel. I felt I betrayed Luke but I was wrong, ako pala yung na-betrayed niya. All this kahit Luke is not around ayaw ko parin makagawa ng kasalanan sa kanya. Ayaw ko kasing masaktan siya, pero sa nakita ko..ako pala yung..sinaksak patalikod kaya..masakit para sa akin ito. Naging honest ako kahit wala siya sa paningin ko "
Nagpahid ito ng mga luha sa mga mata.
" I'm sorry for what happend. Actually it was our angkan's decision, sa katunayan ayaw naman talaga ni Luke ikasal sa iba. She want's you, may agreement ang family before. Before thirty dapat nakahanap na ang bawat lalaki ng angkan ng gusto niyang mapapangasawa pero kung hindi parin siya nakapag-asawa within 30 years of age. Ang pamilya na mismo ang hahanap na maging asawa niya. Gusto mo man o hindi, its a family agreement "
Napayuko ako. Bakit hindi ko man lang alam ang agreement na yun ?
" I took a chance na masabi ko kay Luke na nagkita tayo, but hindi ako nakahanap ng chance na masabi sa kanya. Is it because sobrang busy niya this few days, lagi din may family gatherings sa bahay para e-fixed ang relationship ni Luke kay Briella, the family friend of ours. I'm sorry, Hermoine. Kung may nagawa lang sana ako.."
Tumayo ito at lumakad palapit sa bintana ng veranda.
" Hindi mo kasalanan, Shawn. Siguro panahon na rin ang nagsabi na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Kailangan ko sigurong tanggapin ang katotohanang iyon "
Nilapitan ko siya.
" Gusto mo ba kausapin ko siya para makapagdesisyon siya "
" Hindi na, ako nalang ang lalayo "
" Pero hindi naman ako papayag na lumayo ka ng..ganyan "
" Sanay na akong mag-isa, Shawn. Kaya huwag ka ng mag-alala, and please..sana this will be the last na magkikita't magkaka-usap tayo "
Kumunot-noo ako.
" Bakit pati ako ? "
" Kasi kabilang ka sa angkan nila, ayaw ko nang magkaroon ng ugnayan sa sinuman sa inyo. Kahit na ikaw.. "
Hinubad nito ang kumot na binalot ko sa kanya at ibinigay niya ito sa akin.
" Salamat sa pagdamay mo sa akin, salamat dahil nakilala ko kayo ni Luke. Alam ko na may plano ang Diyos para sa ating lahat, makakahanap ka rin ng babaing nararapat na para sayo "
Napaupo ako ng umalis siya, ito na ba ang huling pagkikita naming dalawa ?
Panahon na ba para kalimutan ko na siya ?
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
