Hermione's POV
Nang nasa loob na ako ng office ng aking ama, dumiretso ako sa isang picture frame. Napaluha ko nang makita ang litrato naming tatlo, bata pa ako sa litratong iyon. Mayroon ring litrato na dalaga na ako, siguro itinadhana na mapunta ako kay Nanay upang matulungan ko silang makaahon sa hirap.
Naupo ako sa swivel chair ng aking ama, I wish nandito sila para may pagkakataon na mayakap ko sila. Kaya lang huli na ang lahat para sa amin.
Naputol ang pag-e-emote ko nang bumukas ang pinto.
" Miss Miller, nandito na ho si Attorney Santos. Siya ho ang family lawyer ng mga magulang niyo "
Batid ko nasa around thirty pa ang family lawyer ng parents ko. Mukhang bata pa ito, ipinapasok ko siya sa loob at pinahanda ko ang kanyang meryenda. Bago kami nag-usap tungkol sa mana, pinahatid ko muna ang pagkain.
" Shall we start, Miss Miller ? "
" Sige ho "
" By the way.. I am Attorney Jun Santos, the family lawyer of your passed parents. I hope magkakasundo tayo "
Nginitian ko siya.
" Glad to see and meet you, Attorney Santos. I am Mira Miller"
" So where have you been all this time, Miss Miller ? Tama nga ang parents mo, buhay ka pa nga. The last time I talked to your parents, sabi ng Mama mo na may tiwala siya na hindi ikaw yung abo'ng natanggap nila. Sabi naman ng Papa mo, may kutob rin siya na until now buhay ka pa. So they decided na gumawa na nang last will and testament para sa mga yamang maiiwan nila "
Napalunok ako ng marahan.
" Sa totoo lang, hindi ako nagbalik para alamin ang ipinamana sa akin ng mga yumao ko'ng mga magulang, Attorney Santos. Nagbalik ako para kilalanin at alamin ang totoong pagkatao ko "
" I see, we are glad youre back. Shall we discuss about the last will ? "
" Go on, Attorney "
" The mansion has trully signed to your name , Miss Mira. Yung buong bahay at lote, nakapangalan na po sa inyo. Either you sell it to others, sabi ng parents mo okay lang daw na ibenta mo ang bahay at lupa niyo "
" I won't, hindi ko gagawin yan. Alaala na iyon nila sa akin, hindi ko sila nakasama sa pagbalik ko. Kaya hindi ko makakayang ibenta yun "
" Kung yan ang desisyon mo, let's continue ? "
" Sure "
" Yung company business ay naipangalan na rin sa iyo. Pati yung ekta-ektaryang lupain na nasa Quezon ay nailipat na rin sa pangalan mo. Mayroon ding naitayong resthouse, resort at cafeteria ang pamilya niyo. Bago namatay ang mga magulang mo lahat ng pamana nila sayo nailipat na sa pangalan mo "
" Lahat yun ? "
" Yes "
" Paano ko hahawakan lahat yun ? "
" Its your choice and decision, Miss Miller "
" This is...too much "
" I know, kaya nga nila ipinamana ito sayo lahat dahil alam nila na worth it ang lahat sa pagbalik mo. I hope you'll manage all of this wisely "
Napabuntong-hininga ako. Dito na ako magsisimula ng panibagong buhay. Hindi na nila ako maaapi, hindi na ako isang hamak na maid ngayon. Ibang tao na ako..
Ako na si MIRA MILLER
At alam ko na ang mga hakbang ko kung paano ehahandled ang pinamana sa akin ng parents ko.
Hermione's POV
Dinala ko na ang pamilya ko sa bago naming titirhan, ang mansiyon ng mga yumao ko'ng magulang. Pansin ko sa mga mata nila ang galak at saya nang makita kung gaano kalaki ang bahay.
" Ate Daday, dito na po ba tayo titira ? "
Akmang tanong sa akin ni Lara. Inakbayan ko ito.
" Oo, Lara. Diyan na tayong lahat titira, at alam niyo ba na kay Nanay ko na inilipat ang pangalan ng titulo ng bahay instead na sa akin "
Binalingan ko si Nanay, nagulat ito sa sinabi ko.
" Anak, sobra-sobra na ito. Napakarami mo nang naibigay sa akin "
Si Nanay naman ang inakbayan ko.
" Nay, kulang pa nga po yan sa lahat ng sakripisyong ginawa niyo para aming magkakapatid. Lalo na po sa akin, Nay. Kahit hindi niyo ho ako tunay na anak pinaramdam niyo parin sa akin ang buo at tunay na pagmamahal ng isang ina. Salamat, Nay. Minahal at inaruga niyo po ako "
" Mahal kita, Anak. Nung dumating ka sa buhay ko, hindi ko inisip na iba ka sa amin. Minahal kita ng higit sa buhay ko, lubos ako'ng nagpapasalamat kasi hindi ka nagalit sa akin. Ni hindi ka nagtampo dahil nagsinungaling ako sayo "
Nginitian ko si Nanay.
" Hindi ko po kayang magalit sa inyo, Nay. Hindi niyo po ako pinabayaan, ni hindi niyo nga ako pinakagat sa mga lamok. Kaya mahal na mahal ko po kayo lalo na ang mga kapatid ko "
" Nanay, Ate Daday. Tama na ho ang drama, kasi excited si Henry sa bago niyang kwarto "
" Ay oo nga pala, halina po kayo sa loob. May pag-uusapan din po tayo, mahalaga ito "
" Sige, Anak. Asikasuhin ko lang ang mga kapatid mo "
" Huwag na po, Nay. May kanya-kanya ho'ng maid ang mga iyan, sa ngayon ako muna po ang sasama sa inyo sa magiging kwarto mo, Nay "
Hindi na kumibo si Nanay dahil nag-unahan na ang tatlo'ng magtungo sa kanya-kanyang silid nila.
Sinamahan ko naman si Nanay sa magiging kwarto niya.
Pagkapasok namin sa loob, napahanga si Nanay.
" Anak, napakalaki yata ng kwarto na ito sa akin. Kung tutuusin kasinglaki na ito ng tubuhan "
Ngumisi ako at inilapag ang bag ni Nanay sa kama, binuksan iyon at inisa-isang nilalabas ang mga damit niya.
" Nay, masanay na ho kayo na sa tuwing matutulog kayo o magigising ito ang mabubungad niyo sa gabi man o sa umaga. Tsaka, Nay. Pangarap ko ito para sa inyo, sana po nagustuhan niyo "
" Naku, Anak. Gustong-gusto ko, kaya lang pwede ba minsan samahan mo ako dito matulog ? "
" Oo naman, Nay "
Habang nilalabas ko ang mga gamit ni Nanay, may isang bagay akong nakita at nahawakan na siyang nakapagpigil sa akin. Tinitigan ko ito. Isang litrato iyon, Si Shawn ako at si Luke. Kuha ang litratong iyon sa resort kung saan kami nakapag-stay tatlo. Bakas sa ngiti Shawn ang pilit na pagngisi niya sa litrato, habang yung si Luke ay malapad yung mga ngiti sa litrato. Ngunit pansin ko sa sarili ko na nasa pigura ni Luke ako nakatingin. Naaalala ko kung bakit sa kanya ako nakatingin sa mga oras na yun. May mission akong dapat gawin, isang ngiti lamang niya ang kailangan ko.
" N-Nay, saan niyo po nakuha ang picture na ito ? "
" Naku, Anak. Nakita ko yan sa ilalim ng unan mo, baka kako kasi mahalaga sayo kaya niligpit ko "
" Sana tinapon niyo nalang po ito, Nay "
" Bakit ? "
" Hindi naman po iyan mahalaga sa akin, Nay "
" Ang alin ba ang hindi mahalaga sayo, Anak ? Yung dalawang binata ba o ang litratong iyan ? "
" Pareho, Nay. Ayaw ko na kasing magkaroon pa ng koneksiyon sa dalawa, gusto ko na ho silang kalimutan, Nay. Kaya itapon niyo na po yan "
" Sigurado ka ba ? "
Napatango ako ng marahan, mas mabuti kasi na makalimutan ko na ang dalawa para makapagbagong buhay na ako..
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
