Hermione's POV
WEDDING DAY. Abala ang lahat sa paghahanda at pag-aayos ng wedding suit, wedding reception venue, at wedding church. Abala rin ang mga stylish and make-up artist sa pag-aasikaso sa akin.
Nang sumulyap ako sa salamin nagtagp ang mga mata namin ni Athena, galit parin kaya siya sa akin ? Si Athena na ang umiwas ng tingin, pinatigil ko muna ang make-up artists at nilapitan ko si Athena. Binalingan naman niya ako .
" Athena, galit ka parin ba sa akin ? "
" Actually, Ate. Ako dapat ang magtatanong sayo niyan, napagsalitaan po kita ng masama at nasabi ko kay Kuya na si Shawn ang kasama mo that time. Sorry talaga, Ate "
Hinaplos ko ang mukha nito.
" Kalimutan mo na yun, may kasalanan din naman ako. Nasaktan ka dahil sa akin, mabuti nalang hindi ka nagkapasa. Akala ko talaga nagalit ka sa akin "
" Siguro, Ate. Kung hindi ako kinausap ni Shawn, siguro nga'y galit ako sa inyo ngayon and worst is hindi pa ako aattend ng kasal niyo ni Kuya "
Napakunot-noo ako.
" K-kinausap ka ni Shawn ? "
" Opo, Ate. Sabi niya masama raw yung mga nasabi ko sayo, kaya napagtanto ko na masama nga yun "
Niyakap ko siya.
" Anak "
Akmang tawag ni Nanay sa akin.
" Bakit po, Nay ? "
" May gustong kumausap sayo sa labas, siyanga pala nandiyan na rin ang bridal car mo. Mauuna na kami sa simbahan "
" Sige, Nay. Ingat kayo "
Niyakag ni Nanay sina Athena at Zia, pagkaalis nila pinatapos ko na ang pag-aayos sa akin at pagkatapos ay lumabas na ako ng room.
Nang nasa tapat na ako ng bridal car..napatapik ako sa dibdib ng biglang sumulpot sa harap ko si Shawn.
" You look great "
" Shawn, naman. Papatayin mo ba ako sa nerbiyos ? "
Ginagap niya ang kamay ko.
" Sorry "
Kinuha ko ang kamay ko'ng hawak niya.
" Anong ginagawa mo dito ? Hindi ba dapat nasa church ka na "
" I can't go there "
" Huh ? "
" Look, hindi ko kayang makita na ikakasal ka sa iba. Please choose me, mahal mo naman ako hindi ba ? "
I rolled my eyes.
" Shawn, hindi ba't napag-usapan na natin ito. Mali ang ginawa natin, ikakasal ako sa pinsan mo. Hindi na dapat lumago pa ang nararamdaman natin sa isa't isa "
" So, that's it ? Itatapon mo nalang lahat yun ng ganoon nalang ? "
" Hindi naman sa... "
Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at siniilan ako ng mga halik sa mga labi. Naging mainit ang halik na yun, nais ng isip ko na pigilan siya subalit ayaw ng puso ko na pigilan siya.
" Hermione... Shawn ? "
Kapwa kami napalayo sa isa't isa ni Shawn, sabay kaming napalingon.
" L-Luke, let me explaine "
" No, Hermione. You don't have to, matagal ko na namang alam ang tungkol sa inyong dalawa. Nais ko lang makita mismo ng mga mata ko, and it I saw it now. Its all clear to me "
Lalapitan ko na sana siya ng talikuran niya kami at mabilis na pinaharorot niya ang sasakyan.
Sumakay kaming dalawa ni Shawn sa Bridal Car, siya na ang nagmaneho. Habang ako nama'y panay ang iyak sa sobrang pag-aalala kay Luke. Baka kung mapa'no siya.
Hanggang sa nabundol ang sinasakyan nito sa isang tangke ng gasolinahan, at sumabog pa ang kotseng sinasakyan nito.
Hinimatay ako sa nangyari...wala na akong maaalala mula ng mahimatay ako.
Patawad...Luke
Hermione's POV
Naalinmpungatan ako dahil sa may humihimas-himas sa kamay ko, nilingon ko ang pinanggagalingan nito.
" N-Nay ? "
" Diyos ko, Anak ! Akala ko kung napa'no ka na. Sobrang nag-alala sayo ang Nanay "
" Ano po'ng nangyari, Nay ? "
" Hinimatay ka, Anak. Huwag kang mag-alala paparating na ang doktor dala ang resulta ng mga tests mo "
" Tinests ho ako, Nay ? Bakit po ? "
Hindi na nakasagot ang Nanay dahil dumating na yung doktor na kumunsulta sa akin.
" Hi, Miss Miller. How are your feeling ? Nahihilo ka pa ba ? "
" Medyo po, Dok. Tsaka medyo masama ho ang pakiramdam ko "
" Huwag kang mag-alala about sa mga nararamdaman mo, Miss Miller. It is just a symptoms nang mga babaeng nagdadalang-tao "
Napamulagat ako sa sinabi niya.
" Ho ? Paki-clear nga ho ng sinabi niyo, Doc ? "
Akmang tanong ni Nanay, habang ako nama'y hindi na nakakibo.
" She's three weeks pregnant, Ma'am. Congratulations to your upcoming apo's "
" Apo's ? "
" I see two tiny thing inside Miss Miller's womb, so it is possible na kambal yung magiging baby niya "
Napasulyap ako kay Nanay, bakas sa mukha niya ang tuwa at galak.
" Bibigyan nalang kita ng Vitamins mo, Miss Miller. Para maging malusog ka at nang iyong baby. Excuse me "
Pagkaalis nang doktor binalingan ako ni Nanay.
" Narinig mo yun, Nak ? B-buntis ka "
Napaiyak nalang ako nang hindi ko alam kung kasiyahan ba ang nararamdaman ko o pagkabahala. Dahil hindi ko alam kung si Luke ba o si Shawn ang ama ng pinagbubuntis ko sa ngayon.
" Is it true ? Are you pregnant ? "
Napaupo ako sa kinahihigaan ko, si Miss Marjorie iyon ang ina ni Luke.
" Yes po, Tita "
" Well, then kami ang mag-aalalaga sa bata'ng yan kapag nailuwal mo na yan. Siya ang magiging kapalit ng anak ko'ng si Luke ! "
" B-bakit ho, Tita ? Nasaan ho si Luke ? Ano po ba ang nangyari ? "
" Nagmaang-maangan ka pa ! Hindi pa ba nasabi sayo ng Nanay mo na patay na ang anak ko ! Nang dahil sayo "
Bulyaw niyang sabi sa akin.
" Teka, magdahan-dahan ka naman sa mga akusasyon mo. Hindi kasalanan ng anak ko ang pagkamatay ng anak mo "
" Hindi nga ba ? Bakit hindi mo sabihin sa Nanay mo, Hermione. Kung bakit humantong sa kamatayan ang anak ko ang kasalan ninyo ! "
Binalingan ako ni Nanay. Ngunit hindi ako kumibo.
Natatakot ako sa susunod pa'ng mangyayari..
Pero hindi ako naniniwalang patay na si Luke...
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
