Chapter 46

15 2 0
                                        

Hermione's POV

Kahit nasa probinsya ako panay parin ang tawag at texts sa akin ni Luke. Binabasa ko lang ang mga messages nito ngunit hindi ko ito nirereplyan o sinasagot ang mga tawag niya.

Hanggang sa nakatanggap muli ako ng tawag, ngunit unknown number iyon. Nagdalawang-isip akong sagutin subalit nais ni Ina na ayusin namin ni Luke ang nasimulan na namin.

Bago ko ito sinagot napabuntong-hininga muna ako.

" He-hello ? "

" Ate Hemione, I'm glad you answered my call "

" Athena ? "

Siya ang bunsong kapatid ng mga Davis.

" Yes, Ate. Its me, please come back na. please have mercy naman kay Kuya "

Ibinaba ko muna ang hawak ko'ng ballpen at papel at naupo muna sa may tambayan sa labas.

" Sorry, Athena. Pero nahihiya na kasi ako sa Kuya mo, mula nang nagkasala ako sa kanya pakiramdam ko pasan ko na ang mundo "

" Ate, Kuya is not mad. Sa katunayan nga,nandito kami ngayon sa ICU. Sa hospital kung saan siya na-confine noon "

Napatayo ako bigla

" W-what? W-why ? "

" Pag-alis mo kasi hindi na lumalabas si Kuya sa room niya, hindi na niya inaasikaso ang mga cases niya sa hall of justice. Nagkukulong lang siya sa kwarto, hindi kumakain at tanging alak lang ang laman ng tiyan niya. Please help us, Ate "

Napaiyak ako sa mga narinig ko mula kay athena.

" Ate hermione, I know you love my Kuya so much, he love's you too very much. Naging miserable ang buhay niya nang mawala ka. Ayaw na nga makinig sa amin eh, ayaw inumin ang mga medicines niya. Alam ko na ikaw lang ang tanging pag-asa namin para gumaling na si Kuya. Please, Ate Hermione ? "

Ibinaba ko na ang telepono at pumasok muli sa loob ng bahay.

" Anong nangyari, Anak ? "

" Nasa hospital raw po si Luke, Ina. Naging pabaya sa kalusugan niya nang mawala ako "

" Mahal na mahal ka ni Luke, Anak. Ramdam at nakita ko yun noong nandito pa siya, huwag ka ng magmatigas. Sa ngayon isantabi mo muna ang pride mo kailangan ka ni Benny ngayon, Anak "

Hindi ako makakibo.

Pupunta ba ako ?

Hermione's POV

Nagpasya na nga akong magpunta ng hospital, hindi ko parin kayang tiisin si Luke..

Pagkarating ko ng hospital, naratnan ko agad roon si Athena.

Subalit sinalubong ako ng ina ni Luke ng malakas na sampal.

Napadampi ako sa pisngi ko'ng tinamaan ng sampal na iyon. Madali namang naawat ng asawa nito si Mrs. Davis.

" Ang kapal ng mukha mo'ng magbalik pa rito, babae ka ! Dahil sayo nasisira ang buhay ng anak ko "

Pumagitna sa aming lahat si Athena.

" Mom, stop. Nandito si Ate Hermiond para tulungan tayo, kapag pinaalis mo siya baka tuluyan nang hindi gumaling si Kuya "

Hindi na kumibo si Mrs. Davis, inaya na ako ni athena na pumasok ng ICU ROOM. Pansin ko ang pamumutla ng mga mata at labi nito.

Napahawak ako sa kamay niyang may kabit na suwero, napasinghot ako.

" Kasalanan ko 'to, patawarin mo ako. Luke"

" Matagal ka ng hinihintay ni Kuya, Ate. Sigurado ako na magiging masaya siya kapag nalaman niyang nandito ka na "

Binalingan ko siya.

" Patawarin niyo ako, umalis ako bigla nang hindi man lang ako nagpapaalam sa inyo "

" Huwag mo na kaming alalahanin, Ate. Mas nasasaktan si Kuya ngayon, mas kailangan ka po niya ngayon "

Sinulyapan ko si Luke, may oxygen ang bibig nito. At may ilang parte ng katawan nito mayroon ding nakakabit.

Lumipas ang maraming buwan, nailipat na si Luke sa regular room. Inilabas na siya ng mga doctor sa ICU ROOM.

Para makabawi, ako parin ang nagbabantay sa kanya. Magdamag.

Hanggang sa may dumating na bisita na hindi ko inaasahan..

" Let's talk ! "

Si Sir David. Lumabas muna kami ng kwarto nito, nagpasya kaming sa labas na mag-uusap.

" B-bakit ho, Sir David ? "

" What the hell are you still doing here ?! Hindi ba umalis ka na ? Anong dahilan ng pagbalik mo ?! "

" Kailangan ho ako ni Luke "

" Kailangan ka ni Luke ? O kailangan mo ng pera para mapalabas mo ang baliw mo'ng kapatid sa mental hospital ?!"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig.

" Paano niyo nalaman ang bagay na yan, Sir ? Huwag niyo ho'ng sabihing pinaiimbestigahan niyo ho ako nang hindi ko alam ?"

" Why not ? Natatakot ka ba na baka may malaman pa ako tungkol sa buhay mo ? "

" Wala kayong karapatang halungkatin ang buhay ko, oo mahirap lang kami. Alam ko kung saan ako nanggaling pero hindi ako putik na basta-basta niyo lang apakan, Sir ! Hindi ako pinalaki ng Nanay ko para apihin lang ng isang tulad mo. Kaya ko'ng lumaban, mapera lang kayo kaya ang lakas ng loob niyo'ng apihin kaming mahihirap !"

Sinampal niya ako.

" Ayaw ko sayo ! Hindi ang isang tulad mo ang nababagay kay Luke. Sinisigurado ko sayo babae ka ! Hindi ka magtatagal sa buhay ng pamangkin ko "

" Anong akala niyo po sa akin, natatakot sa pagbabanta niyo ? Pwes, hindi ako natatakot. Ipaglalaban ko ang karapatan ko "

" Anong karapatan mo?!"

" Karapatan ko bilang nobya ni Luke, manigas lang kayo pero hindi niyo magagawang paghiwalayin kami . Noon, hinahayaan ko kayo'ng apakan ako. Hindi na ngayon. Excuse me po kailangan na ho yata ako ni Benny "

Walang lingong umalis ako sa harap niya at nagtungo muli ako sa loob ng silid ni Luke. Napabuntong-hininga ako.

Kinaya ko ang sagutin siya, sinimulan ko ito kaya kahit anuman ang mangyari..haharapin ko ito ng may tapang..

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon