Hermiones POV
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mahihinang kaluskos mula sa banyo. I rubbed my eyes at itinuon ang tingin sa kama ni Luke .
Napamulagat ako ng mapansin ko'ng wala siya sa kama niya. Nasaan siya ?
Tumayo ako at sakto namang bumukas ang pinto ng banyo, hila-hila nito ang kanyang suwero.
Nilapitan ko siya at inalalayang makabalik sa kama niya.
" Love, naman. Bakit hindi mo man lang ako ginising para naalalayan kita. Baka kung napa'no ka na, mas mag-aalala naman ako ng sobra sayo "
Nang makaupo siya sa kama niya, napayakap siya sa akin. Yung ulo niya nasa dibdib ko habang yung mga kamay niya nasa beywang ko naman. Nasa balikat naman niya ang mga kamay ko habang ang isa ko pang kamay ang nasa ulo niya.
" Sorry na, Love. Pansin ko kasi na pagod na pagod ka kakaalaga sa akin kaya hindi na kita inabalang gisingin "
" Love, nakapagpahinga naman na ako eh. Kaya okay lang, ay siyanga pala binilhan ka ni Shawn ng makakain mo. Halika pagsaluhan natin, Love "
" Talaga ? Bumili si Shawn ng pagkain para sa akin ? "
" Oo naman, pinsan mo yun. Nag-aalala din yun sayo "
Sabi ko habang inaayos sa walking table niya ang mga pagkain.
" Akala ko kasi..its for you. Not for me "
Tumaas ang isang kilay ko nang magtagpo ang aming mga mata. Hinila ko na ang table papunta sa kama niya.
" Huwag mo sabihing nagseselos ka kay Shawn? "
Hindi ito kumibo.
" Sabi ng mga matatanda, silence means yes "
" Fine, yes I admit. Mahal kita kaya hindi ko naman maikakaila "
Hinawakan ko ang kamay niya.
" Love, wala ka naman dapat ipagselos. Hindi na ako tagasilbi niya, hindi na rin ako nagtatrabaho para sa kanya. Isa pa, ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba, hindi ko naman kayang saktan ang Love ko noh "
" Talaga, Love ? "
" Oo naman, Love. Pangako, kahit kailan hindi kita magagawang saktan o lokohin. Loyal kaya ito para lang sayo "
" Ako din, Love. Nangangakong hinding-hindi ka paiiyakin, lolokohin at iiwan "
" Huwag ka ng mangako, Love. Gawin nalang natin para sa relasyon nating dalawa. Basta, huwag ka ng magseselos kay Shawn ha ? "
Saglit itong napaisip.
" I trust you naman, Love. Sa pinsan ko lang ang wala akong tiwala "
Bumuntong-hininga ako. Tinapos ko na ang usapang yun at kumain na kaming dalawa.
Pagkatapos kumain, pinainom ko muli siya ng gamot at pinatulog na. Nais niyang makatabi ako sa kama kaya umusog siya ng bahagya, nakasandal ako sa dibdib niya habang nakayakap naman ang bisig niya sa balikat ko.
Kinabukasan..nauna akong nagising sa kanya.
Sakto namang paggising ko pumasok yung doktor sa loob.
" How is he ? "
" Mukhang okay naman siya, Dok. Nakakain na rin ho siya kagabi "
" I'll just check on him "
Napatango ako at umatras ng bahagya. Pagkatapos nitong e-check up si Luke. Binalingan niya muli ako.
" Pwede niyo na siyang iuwi mamaya "
" Salamat po, Dok "
Pagkaalis ng doktor, nilapitan ko muli si Luke. Naalimpungatan ito nang ikiss ko ang noo niya.
" Love, when I get home ? Gusto ko ng umuwi "
" Mamaya-maya, Love. Tatawagan ko lang ang Mommy at Daddy mo para sila ang magsusundo sayo dito pauwi "
Napatango nalang ito.
Umidlip itong muli.
Shawn's POV
Buong gabi kaming hindi nagkikibuan ni Cassandra hanggang sa mag-umaga na hindi parin kami nagkakausap.
" Gutom na ako "
Galit na sabi nito.
" Ede lumabas ka't ipagluto mo ang sarili mo "
Tumayo ito at sinamaan ako ng tingin.
" Ngayong galit ako galit ka rin sa akin pero sa babaeng yun ang bait-bait mo ! "
" Will you please shut up your mouth. Bakit ba napapasok sa usapan natin si Hermione?! "
" Its true naman eh, ang bait-bait mo naman talaga sa babaeng yun. Iba ang trato mo sa kanya sa trato mo sa akin ! "
" Napaparanoid ka lang, Cassandra. Kaya mo nasasabi yan, don't you see ? Girlfriend siya ng pinsan ko, hindi ko naman magagawang sulutin ang girlfriend ng pinsan ko at wala yun sa vocabulary ko. Ngayon kung ayaw mo'ng maniwala, wala na akong magagawa "
" Ah talaga, so anong gusto mo'ng mangyari ngayon ? End this ?! "
Hindi ako kumibo.
" Silence means yes, fine let's end this ! "
Bulyaw nitong sabi habang inisa-isang pinupulot ang mga damit niya.
Bubuksan na sana niya ang pinto nang magsalita ako.
" Kapag lumabas ka ng pinto na yan, kalimutan mo na ang tungkol sa atin. Forget me, too. Go ahead, sundin mo ang pride mo "
Nilingon niya ako.
Padabog siyang bumalik sa kama at naupo patalikod sa akin.
Nilapitan ko siya at hinalikan ang balikat niya.
" Next time huwag ka ng paranoid, kung ayaw mo'ng magalit ako sayo "
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto, ipaghahanda ko siya ng makakain niya, nasa poder ko siya kaya responsiblity ko siya. Kailangan ko siyang asikasuhin at tratuhin din ng tama.
BINABASA MO ANG
The Maid
Fiction générale"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
