Shawn's POV
Nasa loob kami ng Van ngayon, lumabas yung driver kaya kami lang ang naiwan ni Hermione sa loob. Nilingon ko siya, mahimbing itong natutulog. Nakalagay yung ulo niya sa balikat ko. Bumaling ang mga paningin ko sa mga labi niya. That kissed ! Hindi ko talaga malilimutan yun. Nung halikan ko siya ibang-iba sa mga babaing nahalikan ko na. Gumalaw ng bahagya si Hermione kaya't iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Dahan-dahan ko'ng inialis ang ulo niya sa balikat ko at lumabas muna ng Van.
Nais ko'ng magpahangin sandali, hindi ako makapaniwala na si... Cassandra nga ang babaeng yun. Ninamnam ko ang simoy ng hangin at ang linaw ng dagat.
" Its you, I was right. Ikaw nga ang nahagip ng mga mata ko kanina "
Nilingon ko siya. Gusto ko siyang yakapin pero umurong ang mga paa ko sa gusto ng puso ko.
Tumalikod akong muli. Ngunit kinalabit niya ang braso ko at doon na ako napatitig sa mga mata niya. There was a word na gusto niyang sabihin pero ayaw niyang bigkasin, yun ang nakikita ko sa mga mata niya.
" Are you mad, Shawn? "
Nag-iwas na naman ako ng tingin at inalis ang kamay niyang nakalagay sa braso ko.
" So, until now you've still mad at me. I understand why, ako lang naman ang naging dahilan kaya ka na-depress. I'm sorry, I left. I hurt you, I reject your.. "
" Forget it, nakalimutan ko na rin yun. I've already move-on, kaya wala ng dahilan para pag-usapan natin ang nakaraan. Besides, thank you for hurting and rejecting me because of that hindi ko sana nakilala ang babaing para talaga sa akin "
" Is that the girl you mean kanina ? Yung kahawak-kamay mo'ng umalis when I saw you lately ? "
" Yes she is "
" Okay, I'm happy for you. I already move-on, too "
" Nakita ko nga eh, ang saya-saya mo. Hindi nga ako makapaniwala na ako pa mismo ang makakita ng pangyayaring iyon. Okay lang sana kung sa TV ko lang nakita hindi sa personal "
" So it means hanggang ngayon apektado ka parin ? Sabi mo nakapagmove-on ka na ?"
Bumuntong-hininga ako.
" Fine ! Yes, apektado parin ako. But it doesn't mean I still love you, your wrong"
" Why are you so angry ? I'm just asking "
" Leave, Cassandra. Baka hinahanap ka nang fianceè mo, baka awayin pa ako "
" Ofcourse not, He know's everything about us. Besides, he trusted me. What about yours ? Alam ba ng girlfriend mo...about us ?"
" Ofcourse, bakit hindi "
" Okay, Fine. I'll go ahead, hindi na kita aabalahin sa relationship mo ngayon. Be happy, Bye "
Umalis na nga ito. Nilingon ko siya, kung alam mo lang kung gaano ko kagustong yakapin ka. Bakit hindi mo maramdamang mahal parin kita ? Bakit hanggang ngayon hindi ka maalis sa isip at puso ko ? Dapat galit nga ako eh. Pero hindi ko kayang magalit sa taong pinakamamahal ko.
Napayuko ako at napaiyak nalang ng tahimik. Napakasakit malaman na kayo ang nagtagal pero sa iba siya ikakasal..
Hermione's POV
Nakita ko ang pangyayaring yun, si Cassandra pala ang babaing yun kanina. Ang babaeng inaya niyang magpakasal pero nireject lamang siya nito. Nakita ko kung paano siya umiyak sa pagkikita nila ng dati niyang kasintahan . Lalapitan ko sana siya ngunit nagbago na ang isip ko. Hindi ko nalang siya aabalahin, baka nais niyang mapag-isa.
Bumalik na ako sa Van at naupo na, hindi na ako makatulog sa kaiisip kung kamusta na siya ? Baka anong gawin niya, baka nga magtangkang tumalon yun sa barko. Natatakot naman ako para sa kanya.
Bumukas yung Van at nakita niya akong gising na.
" Gising ka na pala, kanina pa ba ? Sorry umalis muna ako saglit, hindi kasi ako makatulog kaya nagpahangin muna ako sa labas "
" Masakit pa ba ? "
Kumunot ang noo nito.
" Gusto mo ba ng makakausap, Shawn? "
Bumuntong-hininga ito.
" So, you see ? "
" Nakita ko lang pero hindi ko narinig, kaya lang nang makita ko na umiiyak ka. Siguro nasasaktan ka ngayon, baka kasi..gusto mo ng..."
" Hindi lahat ng bagay tungkol sa akin dapat malaman mo, Hermione. Maid ka lang. You don't know everything at hindi ko kailangan ng kausap "
Bulyaw niyang sabi sa akin.
" Magalit ka lang tatanggapin ko ang galit mo na sa akin mo ibubunton. Kung gagaan ang loob mo diyan, sige lang. Ilabas niyo lang po, "
" Shut up ! Kahit ano pang bulyaw na gawin ko magalit man ako sa mundo..hindi na siya babalik sakin! Do you understand that, ha ?! Besides, sino ka ba para magkaroon ng interes sa problema ko ?"
" Isang kaibigan ako, Sir Shawn. Handang makinig sa problema mo, na handa kang damayan sa lungkot at pag-iyak mo. Hanggang kailan mo ba ikukulong ang sarili mo sa babaing yun ha ?! Sinaktan ka niya, niloko pa ! Hindi pa ba sapat na dahilan yun para magalit at kamuhian mo siya. Hindi lang siya ang babae sa mundo, Sir Shawn! May babaeng para sayo, huwag mo namang isarado iyang puso mo dahil lang sa kanya ! "
Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak at magalit. Nagulat siya sa mga sinabi ko. Magsasalita na sana ako ulit nang angkinin niya muli ang mga labi ko, gusto ko siyang sipain at pigilan sa ginagawa niya ngayon sa akin. Pero ayaw ng damdamin ko. Hinayaan ko siyang halikan ako, at yakapin.
Niyakap niya ako ng mahigpit at napahagulhol siya sa kaiiyak. Hinimas-himas ko ang kanyang likuran, humihikbi na nga ito sa kaiiyak. Naaawa ako sa kanya, bakit may mga taong minahal mo na nga sasaktan ka pa.
Ilang sandali, tumahan na ito. Ako na mismo ang nagpahid ng mga luha niya sa mga mata, halos isang dipa lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.
Ikinulong niya ang mukha ko sa magkabilang-kamay niya.
" Thank you, Maid "
Kiniss niya ako ulit pero smack lamang iyon, ngayon nakahiga ako sa dibdib niya at nakita kong napapikit na siya. Sana sa ganoong paraan napagaan ko na ang loob niya.
At hinayaan mo rin siya na halik-halikan ka lang basta-basta ? Bakit hindi ? Hindi kasi ako makapalag..sorry naman.
Napangiti ako sa sarili ko'ng utak, minsan talaga hindi ito nag-iisip.
BINABASA MO ANG
The Maid
Fiction générale"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
