Chapter 55

17 3 0
                                        

Shawn's  POV

Makalipas ang ilang buwan, una naming nakitang nagising ay si Hermione or should I call her Mira.

Binisita ko siya matapos malaman ko na nagising na ito, kabado ako habang papasok ako ng regular room niya. Bumuntong-hininga ako.

May dala ako'ng bulaklak at mga prutas. Nakasalubong ko si Nanay sa daan, papalabas ito ng silid.

" Oh, Hijo. Ikaw pala, tamang-tama katatapos lang niya kumain "

" Pwede ko ho ba siyang makausap, Nay ? "

" Oo naman, uuwi muna ako. Katatawag lang ni Lara, kailangan ko munang uwiin ang tatlo doon. Ikaw muna ang bahala sa anak ko ha ? "

Napatango na lamang ako sa kanya.

Pagkaalis ni Nanay, nagtuloy-tuloy na ako sa loob at nagkita na nga kami. May benda pa ito sa ulo.

" Ka-kamusta ka na, Hermio... "

" Mira...yun ang pangalan ko. Hindi ba ? "

Napatitig ako sa kanya.

" O-oo, bakit alam mo ? Naaalala mo na ba ? "

" Oo, naaalala ko na lahat "

Nilapitan ko siya at naupo ako sa visitor sit.

" S-si Luke, kamusta siya ? "

Pansin ko ang bahid ng lungkot sa mga mata niya.

" Stable na ang lagay ni Luke, Mira. Kaya lang hindi pa siya nagigising hanggang ngayon. Ano ba'ng nararamdaman mo ? May masakit pa ba sayo ? "

Itinuro nito ang dibdib niya, at napansin ko ang mga luhang pumatak sa mga mata niya.

" Dito, Shawn. Masakit, sobrang sakit. Sana mawala na ito, para hindi na ako mahirapan "

Hinawakan ko ang kamay niya.

" Susubukan nating kausapin si Luke , okay ? "

" Bakit pa ? May asawa na siya..sino ba ako ? Para maghabol sa kanya ? "

" Hermione, naging asawa ka ni Luke. May karapatan ka parin dahil ikaw ang una niyang naging asawa, naniniwala ako na may pag-asa pa na maibalik ang dating relasyon niyo ni Luke "

" Huli na para sa amin ni Luke, shawn. Hindi na ako ang dating asawa niya noon, tinaguyod ako ni Nanay bilang si Hermione. Hindi ko makakayang iwan ang kinalakihan ko'ng pamilya  dahil lang sa nagbalik ang alaala ko bilang si Mira. Shawn, maraming salamat sa lahat. Napakabuti mo sa akin "

" Ano ba'ng sinasabi mo ? Hindi kita maintindihan, what I mean is...kailangan nating subukan "

" Subukan ang ano ? Ang ipilit ang sarili ko kay Luke ? Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon natin sa ngayon, may asawa na siya..."

" Pero ikaw ang una niyang asawa, Mira ! "

" Bakit ba pinipilit mo sa akin ang bagay na yan ha ?! "

" Dahil gusto ko ng sumaya ka. Gusto ko nang makita kang ngumiti, ayaw ko'ng malungkot ka lagi. Pati ako nalulungkot din para sayo, subukan naman natin. Please ? "

Napayuko ito.

" Please, Hermione ? "

Napatango ito ng marahan. Niyakap ko siya, naramdaman ko ang mahihinang hikbi nito.

Huli na sana ito...sana sa susunod na pag-iyak niya hindi na kalungkutan ang sanhi nito, nais ko na maging maligaya na siya. Yun lang naman ang mahalaga sa akin sa ngayon kasi..magiging masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya rin.

Hermiones's POV

After several days, nabalitaan ko na nagising na raw si Luke mula sa pagkaka-coma. Hindi ako makapaniwala na ako pala ang Mira'ng inaakala nilang patay na. Paano ko ito sasabihin sa mga magulang ni Luke ? Kung ako ang dating asawa ni Luke, ibig sabihin kilala nila ang totoo ko'ng mga magulang ?

Bumukas yung pinto ng silid ko at iniluwa roon si Shawn. Nilapitan niya ako.

" Balita ko..gising na raw si Luke ? "

Saglit ito'ng hindi makaimik at marahang napatango.

" Gising na nga siya, g-gusto mo ba siyang ... makita ? "

Ngumiti ako ng pilit.

" Oo sana ? Pwede mo ba akong samahan ? "

" O-ofcourse. K-kaya mo ba'ng maglakad ? "

" Oo naman, ang sabi ng doktor okay na raw ako. Tsaka tingnan mo wala na akong suwero, makakalabas na nga ako mamaya. Susunduin ako ni Nanay "

He lend his hand on me, tinanggap ko naman ito.

Inalalayan niya ako hanggang sa kwarto ni Luke, lahat sila napalingon nang makita nila ako.

Dahan-dahang lumapit ako sa kanya.

" H-hi, Luke. H-how are you ? "

Kumunot-noo ito.

" Do I...know you ? "

Napaawang ang bibig ko nang marinig iyon mula sa kanya.

Napalingon ako sa mga tao'ng naroon, lahat sila hindi umiimik.

Binalingan ko muli si Luke, ngumiti ako ng pilit.

" L-Luke naman. L-Love, a-alam mo ba naalala ko na lahat. A-ako si Mira, yung asawa mo na inaakala mo'ng p-patay na "

Napangisi si Luke.

" Ano ? Seryoso ka ba ? "

Binalingan ni Luke si Shawn at dinuro-duro ako.

" Dude, is this a kind of joke from you ? Sino ba 'to at bakit sinasabi niyang siya si Mira ? Look at her, ang layo niya kay Mira. She's not her, at hindi siya magiging si Mira !"

Bulyaw niyang sabi, nangingilid na ang mga luha ko sa mga mata.

" D-dude, calm down. Makinig ka muna, okay ? "

" Makinig ? Huh ! I admit nasaktan ako sa pagkawala ni Mira, but you can't push her to me at sasabihin niyang siya...si Mira. Because youre not ! "

Bulyaw niyang sabi sa akin.

" Ano ba'ng nangyayari sayo, Luke ? Bakit ka nagkaganyan ? Huwag ka namang ganyan please ? Nasasaktan ako eh "

" Wala akong pakialam kung masaktan ka ! Pinakaayaw ko sa lahat yung nagpapaka-as if kang si Mira. Shawn, will you please stay this woman out of my sight. Now ! "

Napahagulhol na ako sa kaiiyak. Inaya na ako ni Shawn na lumabas na nang silid niya at ibinalik sa silid ko.

" Bakit ganoon, Shawn ? Bakit hindi niya ako kilala ? Hindi ba ang sabi ng doktor hindi naman napuruhan ang ulo niya. Bakit...bakit nagkaganoon ? "

Hinawakan ni Shawn ang magkabilang-balikat ko.

" Huminahon ka lang, Hermione. Honestly, hindi rin namin alam kung bakit ganoon nalang ang reaksiyon ni Luke nang magising siya. Ang sabi naman ng doktor, e-examine nila muli si Luke "

Napayuko ako.

" Ang sakit pala kapag..nireject ka ng taong mahal mo. Ngayon ramdam ko na kung gaano kasakit kapag hindi ka na ginusto ng tao'ng gusto mo "

" Look, kung ako ang iniisip mo kaya mo nasasabi yan. Don't mind me, Hermione. Tanggap ko na si Luke ang mahal mo, hindi ko rin naman dinibdib na nireject mo. So, stop thinking about that. He's in still in shock, hindi pa siya totally nakapag-recover kaya wag ka muna mawalan ng pag-asa. Okay ? "

Hindi na ako nakakibo. Pinaalis ko muna siya, gusto ko'ng mapag-isa. Hindi ko lubos-maisip na mangyayari ang bagay na ito. Siguro, ito na ang sign para tuluyan na kaming magkalayo..

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon