Luke's POV
Hindi ko na tinuloy ang party, bagkos dumiretso ako sa bahay at nagkulong ng kwarto.
I am so stupid ! Dapat hinintay ko siya, dapat naniwala ako'ng babalik siya. Dapat ako yung mas nanalig ng pagbabalik niya, pero hindi ! Nadala ako ng kahinaan ko. Nang akalang hindi na siya makakabalik muli. Sobrang minamahal ko si Hermione, sa tagal na nawala si Mira sa buhay ko mas pinili ko ang isara nalang ang puso ko. But when I met Hermione, naniwala muli ako na itong puso na 'to magmamahal ito ulit. Kaya lang...huli na ata ang lahat.
Habang tinutungga ko ang alak, siya naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
Its Shawn...
Nilapitan niya ako at naupo rin siya paharap sa akin.
" Dati..ikaw yung sumusuway sa akin kapag umiinom ako ngayon pwedeng ako naman ang sumuway sayo ? Nakakarami ka na, Dude "
Akma niyang babawiin sa akin ang bote subalit inigkas ko ito.
" Dude, tama na yan. Hindi naman solusyon ang paglalasing sa problema eh "
" Hindi ba ? Bakit ito laging hawak mo sa tuwing problemado ka ? "
Hindi ito nakakibo. Sa pangalawang pagkakataon, nasaktan muli ako. Nawalan muli ako ng babaing pinakamamahal ko.
" Dude, I know it hurts. I've tried to..talk to Hermione "
" You...did ? "
" Ofcourse, kaya lang..wala akong nagawa. Siya mismo ang nakakita, ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat pero..malinaw raw sa kanya na..binitiwan mo na siya "
" No its not what she thinks, alam mo yan. Its our family agreement, sino ba ako para...suwayin ang agreement na yun ? Mom said it was for my own good "
Nakipagkibit-balikat siya sa akin. Napahikbi naman ako sa kaiiyak.
" Dude, Luke . Kung alam mo lang kung gaano rin nasaktan si Hermione , alam mo honestly I admit..nagkagusto ako sa kanya. But she still choose you between me, she love's you very much. As much as I know, she wants you for the rest of her life. Balak nga niya sanang sorpresahin ka sa pamamagitan ng pagpopropose niya sayo. Biruin mo, babae ang magpopropose sayo. Kaya lang..siya yung na-surprise eh. Nagpropose ka sa iba, kung alam ko lang na darating siya..ako na mismo ang pipigil sa kanya makapasok para..hindi niya makita ang pangyayaring yun "
Napayuko ako at napahagulhol sa kaiiyak.
Ang malas ! Napakamalas ko ! Balak niyang magpropose sa akin, pero sinayang ko ang pagkakataong yun.
I'm sorry, Hermione..
Sana mapatawad mo ako...
Hindi ko gustong mangyari ito..
Pero hindi ko makakayang suwayin ang family agreement ng angkan namin.
Sana maintindihan mo balang araw..
Mahal na mahal kita, Love.. sana ramdam ko kung gaano kahirap sa akin ang mawala ka sa buhay ko. Kung paano gumising sa umaga na hindi ka na muling makikita. Kung gaano kasakit sa akin ang hindi ka makasama..
Sobrang hirap, sobrang sakit..sobrang bigat sa dibdib, Love..
Hermione's POV
Three years passed ! Mula nang mangyari ang lahat, lahat ng sakit, lahat ng hapdi at lahat ng niluha ko noon nang mawala sa buhay ko si Luke.
Si Shawn..hindi ko alam kung ano nang balita sa kanya. Nagbago ako ng number, nang lugar, nang online account at lahat ng nakaraan ko binago ko na pati pangalan ko. Binago ko na..
Ayaw ko ng maalala ang mapait ko'ng nakaraan..
Nakatanggap ako ng tawag ngayon, mayroon raw akong urgent meeting ngayon. Sa pagkakaaalala ko wala naman akong naka-schedule ngayon na urgent meeting.
Nagtungo na ako sa meeting place, dala ko na rin ang contract.
Habang naghihintay ako, umorder muna ako ng tea. Dinampot ko yung cellphone ko at tinawagan yung client, nang magring ito. Narinig ko ang phone ring nito mula sa taong kaharap ko ngayon. Napanganga ako..at hindi makakibo.
" Can I join you ? I must be the one you've been waiting for "
Napalunok ako ng marahan at napatayo.
Akmang aalis na ako subalit, nahawakan niya ang kamay ko.
" Please stay, Hermione.. "
" Nagkakamali ho kayo, hindi po Hermione ang pangalan ko. Its...Leia "
" hermione or Leia, I don't care ang mahalaga nagkita tayo ngayon. At magkausap tayo "
Bumuntong-hininga ako.
" Hindi ho ako nagpunta rito para pag-usapan ang kung ano-ano, I'm here to talk about business not personal life "
" I'm not here to talk about business, I'm here to talk about...us "
Hindi ako kumibo, naupo ako at lumagok ng tea. Naupo na rin ito paharap sa akin.
Napansin ko ang isang singsing na nasa ring finger niya, akma yatang babagsak ang mga luha ko sa mga mata ngunit pinigilan ko ito.
Napansin nito na nakita ko ang singsing sa daliri niya kaya itinago niya ito sa ilalim ng mesa ang kamay niya.
" You don't have to hide it...Luke , besides I already accept the fact na kasal ka na at may asawa ka na."
" I...I'm sorry about.. "
" Look, hindi ako naparito para pag-usapan ang nakaraan. I've changed, can't you see ? "
" Kaya ba pati pangalan mo..pinalitan mo na ? "
" Ofcourse, dapat ikaw din. How's your life with...your wife ? Pinag-usapan naman natin ang mga buhay-buhay natin why don't you tell me the whole story of yours..after nung...proposal. Promise, hindi na ako maaapektuhan "
" Ayaw ko "
" Ayaw mo ? Bakit naman ? "
" Kasi ako yung nasasaktan para sayo.. Hermione "
Doon na bumagsak ang mga luha ko sa mga mata. Bakit ganoon ? Bakit hanggang ngayon ? Ayaw ko ng maramdaman pa ito. Ako lang kasi yung mas nahihirapan eh. Ako lang naman yung..aasa sa dulo.
I wiped my tears gamit ang likod ng kamay ko.
" Sorry for hurting you, Hermione. Naghintay din naman ako eh, but... "
" Hindi mo kinaya ? Kaya pinili mo'ng magpakasal sa iba. That's it ? "
Napatango ito ng marahan.
Napalinga-linga ako, hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko muli ngayon. Napakabigat sa dibdib.
Tumayo ako, subalit sinundan niya parin ako.
Sumakay ako sa kotse ngunit sumakay rin siya sa kotse ko.
Nag-agawan kami sa manibela pilit niyang pinapahinto ang kotse subalit ayaw ko siyang pakinggan.
Hanggang sa...nabundol ang kotse'ng sinasakyan naming dalawa.
Ang tanging naalala ko nalang ay ang huling pagbigkas niya ng pangalan ko...
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
