Chapter 40

27 4 0
                                        

Hermione's POV

Bandang alas diyes ng gabi kami nakauwi ni Luke sa mansiyon, nag-enjoy ako kasama siya. Hindi nakakasawang pakinggan ang mga kuwento niya noon at lalo na ang mga jokes nito. Hindi ko alam na marunong palang magbiro ang isang DAVIS

Nang makabihis na ako, nagtungo ako sa kwarto niya upang echeck siya.

Nang lapitan ko ito sa kama, tulog na ito. Kinumutan ko ito at siniilan ng halik sa noo.

Lumabas muli ako ng kwarto niya at nagtungo sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas na may kaunting kape.

Papalabas na sana ako ng kitchen nang makasalubong ko si Shawn. Napaatras ako ng bahagya.

" H-hindi ka rin ba makatulog ? "

Akmang tanong niya sa akin. Napakagat-labi ako, nag-iba ang mood ko nang maalala ko ang alitan namin kanina ni Cassandra sa restaurant. Dinaanan ko lang siya ang nagtungo ako sa garden.

" Ano bang problema mo ? "

Sinundan pala ako ng mokong. Hinarap ko siya.

" Pwede ba, shawn. Layuan mo ako, kaya ako napapaaway dahil sa kakalapit mo sa akin eh "

" Tinatanong lang naman kita kasi kung makatingin ka sa akin parang ang laki ng kasalanan ko sayo "

" Ayaw ko lang kasi na lumalapit ka sa akin kaya nababaliw ya'ng Cassandra mo dahil hindi ka marunong makinig "

" So its Cassandra, siya ang issue dito. Ganoon ba ? "

" May issue man o wala, basta layuan mo parin ako. Ayaw ko ng napapalapit ang loob natin sa isa't isa, Shawn . Nahihirapan ako eh "

Hinablot niya ang braso ko.

" What do you think of me, hindi nahihirapan ? "

" Saang banda ka naman nahihirapan, aber ? "

" Sa nararamdaman ko sayo ! "

Natigilan ako at napatitig sa mga mata niya.

" Hindi mo man lang ba napapansin na sa bawat kapit mo kay Luke, nasasaktan ako. Sa bawat ngiti mo kay Luke I wish na ako yung taong nagpapangiti sayo. Pero hindi ! Kasi sinayang ko lang ang pagkakataon na sana sa akin ka nalang ! "

Pansin ko ang mga luhang dumaloy sa magkabilang pisngi nito. Hindi man lang ako makakibo.

" Sinusubukan ko namang kalimutan ang nararamdaman ko sayo eh. Kasi sabi ko sa sarili ko, never akong magkakagusto sa isang Maid lang na kagaya mo. Damn this heart ! Ikaw ang laman nito, kung pwede lang palitan ko ang puso ko. Ginawa ko na para hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon, Hermione ! Pero okay lang. Kahit masakit, may pinili ka na naman eh "

Binitiwan na niya ang braso ko at nag-walk out na ito.

Naiwan akong napahagulhol na rin sa kaiiyak, hindi ko aakalain na sasabihin niya lahat iyon sa akin.

Kung alam lang niya na mas nahihirapan ako, kasi..nandiyan si Luke para mahalin at alagaan ako pero may puwang parin sa puso ko na ang hinahanap ay siya. Hindi ko naman kayang saktan si Benny. Ayaw kong maranasan ni Luke ang sakit na nararamdaman ko ngayon..

Hermione's POV

Pilit ko'ng kinakalimutan ang naging sagutan namin ni Shawn noong nakaraang gabi, itinutuon ko nalang ang atensyon ko kay Luke. Mas mahalagang maramdaman niya ang pagmamahal ko para sa kanya.

Isang araw, naratnan ko siyang nakabihis ng pang-work. Nilapitan ko siya at inismiran.

" Magtatrabaho ka na ? "

" Yes, Love. I have to, ang dami ko'ng gagawin. Yung mga pending cases ko hindi ko na naaasikaso "

Napameywang ako.

" Hindi nga natin alam kung maayos ka na, tapos magtatrabaho ka na ? "

Nilapitan niya ako at siniilan ng halik sa noo.

" Love, kailangan ko'ng magtrabaho. Maraming umaasa sa akin "

Bumuntong-hininga ako.

" Nag-aalala lang naman ako eh, hindi pa nga natin alam kung talaga bang magaling ka na "

" Magaling na nga ako "

Naupo ako sa kama niya at napasimangot.

Tumabi rin siya sa akin at inakbayan ako.

" Love, huwag ka ng magalit. Kailangan ko na talagang magtrabaho, alam mo naman na lawyer ako diba ? Maraming tao'ng umaasa sa akin "

" May magagawa pa ba ako ? Oh, basta uminom ka ng gamot mo. Magdala ka rin ng pagkain in case magutom ka. Mas mabuti nang advance tayo kaysa magkasakit ka na naman "

" Yes, Ma'am "

Ngumisi pa ito. Tumayo ako.

" O sige na, ihahanda ko lang ang dadalhin mo'ng pagkain. Siyanga pala magdala ka na rin ng gamot sa trabaho mo para kapag nakakain ka uminom ka kaagad ng gamot "

" Bakit kailangan pa ng gamot, Love ? Magaling naman na ako ah "

" Love, huwag na matigas ang ulo. Okay ? "

Tumango na lamang ito, nagtungo na ako sa kusina upang lutuin ang ibabaon niya sa trabaho.

Habang nagluluto, napansin ko naman ang pagpasok ni Cassandra sa kusina. Napaismid ako.

Halos makita na yung panty niya dahil sa ikli ng short niya. Ano bang akala niya sa mansiyon, night club ?

" Wala ka na ba talagang ibang short ? Talagang kita na pati kaluluwa mo niyan "

Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

" Ano namang pakialam mo sa suot ko ? Insecure ka ba ? O baka naman may peklat ka sa legs mo o sa pwet mo kaya ka insecure sa suot ko ngayon "

Tumaas ang isang kilay ko.

" Naku, baka magulat ka nalang kapag nakita mo akong nakabikini. Baka laglag pati panga ng lalaking kinababaliwan mo "

" Aba ! Sinusubukan mo ba ang kasexy-han ko ? "

" Hindi, sadyang hindi lang talaga ako nagpapaapi sa mga taong mabababa ang tingin sa iba. Kung ako sayo, itali mo na si shawn o kaya...takpan mo mga mata niya para hindi na ako lapitan pa o tingnan man lang "

Napansin ko na nainis ito sa mga sinabi ko.

" Hmm...what's that smell ? "

Si Luke pala. Dumiretso ito sa akin at hinapit ang beywang ko.

" Yan na ba ang ibabaon ko, Love ? It looks good. The best ka talaga "

Sinulyapan ko si Cassandra.

Napatingin rin si Luke sa kanya.

" Cassandra, bakit ganyan ang suot mo ? "

" Why ? What's wrong with my clothes ? "

" Alam mo naman na ayaw nina Tita at Tito David na may babaeng nagsusuot ng ganyan dito sa mansiyon "

" I know "

" Alam mo pala, why are you still here ? Baka makita ka pa nila na ganyan ang ayos mo "

Napakunot-noo ito.

" Napakasensetive niyo naman, kunsabagay hindi kasi mahilig sa mga ganitong ka sexy'ng damit ang baduy mo'ng girlfriend. Fine, I'll get dress. Baka umusok pa mata ng girlfriend mo dahil sa suot ko "

Pakembot pa itong maglakad habang papaalis ito ng kusina. Napabuntong-hininga ako.

" Love, huwag mo na siyang isipin. Okay ? Babalik lang ako sa kwarto, kukunin ko lang ang atache case ko "

" Sige , Love "

Umalis na nga si Luke at nagbalik sa kwarto niya.

Pagkatapos maluto ng niluluto ko, inilagay ko na ito sa maliit na tupperware. Pagkabalik nito sa kusina, handa na ang pagkain. Nagpaalam na rin siya sa akin, hinatid ko siya hanggang sa gate.

Nang hindi ko na makita ang kotse niya, pumasok na muli ako sa loob ng bahay.

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon