Chapter 35

35 2 0
                                        

Hermione's POV

Suot ko parin ang pulang dress nang isugod namin si Luke sa hospital, nag-aalala ako ng sobra sa kanya. Halos nagkulay-violet na ang mukha nito sa sobrang putla.

Iyak ako ng iyak sa labas ng Emergency room, may isang kamay na tumapik sa balikat ko. Ang kapatid iyon ni Sir Shawn na si... Zia.

" He'll be fine, stop crying "

Napahikbi ako ng marahan.

" Zia..iwan mo muna kami "

" Okay, Dad "

Umayos ako ng pagkakatayo, nang kami nalang ang natira may iniabot siya sa akin. Isang tseke iyon na may nakasulat na isang milyon.

Napatingin ako sa kanya.

" Ano ho yan, Sir ? "

" Tanggapin mo ang pera, at lubayan mo na ang pamilya namin lalo na si Luke "

Napasinghot ako.

" Ano po'ng akala niyo sa akin, Sir. Mukhang pera ? "

" Hindi ba ? Alam mo dapat kung saan ka bagay, not here. Hindi sa buhay ni Luke, he's my nephew at hindi ang isang tulad mo ang gusto para sa pamangkin ko "

" Alam ko po na mababa ang tingin niyo sa akin, Sir. Pero mahal ko ho si Luke, nagmamahalan ho kaming dalawa. Kahit ilang pera pa yan hindi ko ipagpapalit si Luke sa pera niyo "

Sinamaan niya ako ng tingin.

" How dare you to reject my offer ? Isang dukha ka lang, pamumuhay niyo isang kahig isang tuka lamang. Malaki na ang maitutulong sayo ng pera na yan lalo na sa pamilya mo. Hanggang saan ang pagmamahal mo sa kanya, nakatulong ba yang pagmamahal mo ngayong nag-aagaw buhay ang pamangkin ko ! "

Bulyaw niyang saad sa akin.

" Alam ko ho na makakaya ito ni Luke , naniniwala ako sa kanya. Pero kahit anong gawin niyo hindi niyo ako mababayaran ng pera niyo ! "

Akmang sasampalin niya ako ng pigilin ito ni Shawn.

" Pati ba mga mahihina, Dad. Pinapatulan niyo ? "

Nilingon siya nito.

" Huwag makialam dito,  blacksheep ! "

" Dad, erespeto niyo naman ang gusto niya. Hindi naman ikaw ang aasawahin niyan kundi si Luke, sino ba tayo para tumutol ? "

" I said, huwag kang makialam ! "

Isang sapak ang natanggap nito mula sa kanyang ama. Natutop ko ang bibig ko sa ginawa ng ama nito sa kanyang anak.

Walang-lingong umalis na ito at naiwan kaming dalawa. Nilapitan ko siya at tiningnan ang tinamaan niyang panga.

" Shawn, okay ka lang ba ? Bakit ka ba kasi nangingiilam, ayan tuloy nadamay ka pa "

Ngumisi ito na parang wala lang sa kanya ang sapak na natanggap niya mula sa kanyang ama.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa nakahandang upuan sa labas ng Emergency room.

" Kung hindi naman kita pinagtanggol baka ikaw naman ang nasapak ng Daddy ko "

Napangiti ako.

" Salamat, ah "

" Wala yun, tsaka hindi naman masakit. Nasanay na rin naman ako na sapakin, bugbugin at ipahiya ni Dad. Ikaw ba ? Okay ka lang ? "

" Hindi, nag-aalala kasi ako kay Luke "

" Pansin ko nga na sobra-sobra ang pag-aalala mo sa kanya "

Napayuko ako ng marahan.

" Huwag ka sanang magalit sa akin "

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon