Hermione's POV
Umuwi na nga ako sa probinsiya namin, panay parin ang iyak ko kahit nasa biyahe na ako. Mabigat kasi sa loob ko ang iwan si Luke, siyempre mahal ko yun. Pero ayaw ko naman na dahil sa akin kaya hindi sila magkasundo ni shawn sa ngayon at ayaw ko rin naman maging dahilan ng alitan ng kapwa pamilya nila. Lalo na ang ama ni shawn, alam ko simula palang at kahit kailanman hindi ako matataggap nun bilang parte ng pamilya nila.
Ring ng ring ang cellphone ko subalit hindi ko ito sinasagot.
Nakailang tawag na ata sa akin si Luke hanggang sa napagod na siguro ito sa kaka-dial ng phone ko kaya tumigil na ito sa kakatawag.
Pagkarating ko ng probinsya, agad ako'ng sumakay ng tricycle papunta sa bahay. Pagkarating ko naman sa bahay, kinatok ko ito. Sakto naman na si Ina ang nagbukas kaya napayakap ako sa kanya. Napahagulhol na ako sa kaiiyak, inaya na ako ni Ina na maupo sa kama ng kwarto ko.
" Bakit hindi ka man lang tumawag na darating ka ngayon ? "
Napahikbi ako ng marahan.
" Sorry, Ina. Biglaan ho kasi ang pag-uwi ko at pangako po hindi na talaga ako aalis dito "
Hinaplos ni Ina ang buhok ko kaya napasulyap ako sa kanya.
" Bukas na kita tatanungin sa pag-uwi mo ng biglaan. Matulog ka na, ipahinga mo yan "
Yumakap muli ako kay Ina at hinayaan ko na siyang makaalis sa harapan ko. Nagtungo na ito sa kwarto niya.
Buong gabi ako'ng iyak ng iyak, halos lumuwa na ang mga mata ko dahil namamaga na ito. Hindi ako makatulog, gutom ako pero wala ako'ng ganang kumain.
KINABUKASAN..
Lumabas ako ng kwarto na laglag ang mga balikat, naupo ako sa upuan na nakapwesto sa may tabi ng mesa.
Nilagay ni Ina sa tapat ko ang mainit na sinigang na bangus, napaismid ako.
" Kumain ka, kailangan mo yan. Alam ko kagabi ka pa walang kain kaya naghanda talaga ako ng maaga para sayo "
" Ang mga bata po, Ina ? "
" Nasa eskwelahan na "
Humigop ako ng sabaw.
" Pagkatapos mo diyan, mag-uusap tayo "
Napatango nalang ako at hindi na kumibo.
Nang maubos ko yung kanin at ulam na nasa plato ko, tumayo ako at uminom ng tubig. Pagkatapos ay pumuwesto paupo sa tabi ni nanay. Abala ito sa pananahi ng bestida niya.
" Handa ka na bang magkwento, Anak ? "
" Hindi ko po alam, Ina"
" Ina mo ako maaari mo naman ako'ng masabihan ng problema mo. Alam ko ang mararamdaman mo kasi anak kita "
Bumuntong-hininga ako.
" Naghiwalay na po kami ni Luke, Ina"
" Ano ? Totoo ba yan ? Hindi ba sabi niya pakakasalan ka niya ? Huwag mo'ng sabihing nambabae yun. Lagot talaga sa akin ang bata'ng yun "
" Mali po kayo, Ina. Sa katunayan, ako po talaga ang may kasalanan. Naging rason ako ng alitan nila ni Shawn, tapos ayaw pa sa akin ng Tito nito. Kasi raw dati akong personal maid ng anak niya "
" Aba ! Ang kapal naman ng mukha yang ama ni shawn,Hindi purke maid ka niya dati eh apakan nalang niya pati dignidad mo. Ano akala niya sayo ? Lupa na madaling apakan ? Huwag lang magpapakita yang lalaking yan, makakatikim talaga siya sa akin "
" Ina, hayaan niyo na. Kasi naman po ako lang naman talaga ang naiiba sa kanila, mayaman sila..mahirap lang po ako. Lahat sila professional samantalang ako..highschool student palang "
" Hoy, Hermione. Ito tandaan mo ha, hindi sa yaman nasusukat ang pagrespeto ng tao. Kung ayaw nilang respetuhin ang pagiging nobya mo sa pamangkin niya pwes respetuhin ka niya bilang tao "
" Ina, basura parin po tingin niya sa akin. Kapag nakikita kasi ako ni Sir David nagagalit siya "
Saglit na hindi nakakibo si Ina, nagtaas ito ng kilay ng sulyapan niya ako.
" David ba kamo ? Pangalan niya ?"
" O-opo, Ina. Bakit po ? "
" Wala naman, naitanong ko lang. Isama mo ako sa maynila, hahamunin ko ang David na yan "
" Nay, huwag na. Lumayo na nga ako para wala ng gulo tapos susugod pa kayo. Mas la-laki at mas la-lala pa ang sitwasyon "
" Sa ngayon pagbibigyan kita, ngunit kapag nagkataon na magkaharap kami ng Philip na yan makikita niya kung sino ang inaapakan niya "
Hindi na ako kumibo. Ramdam ko na mahal na mahal ako ni Ina, ayaw niya na makita akong nasasaktan..
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
