Chapter 58

9 2 0
                                        

Shawn'sPOV

Abala ako sa mga bibilhing stocks sa restaurant ko, nang tawagin ako ni Trina. Ang assistant ko sa pagmamanage ng stocks.

" Sir Shawn, may naghahanap po sa inyo "

" Sino raw ? "

Tanong ko nang di tumitingin sa kanya.

" Ang pinsan niyo po'ng si Sir Luke "

Napabaling ako sa kanya, kumunot-noo ako.

" O sige, ikaw muna ang bahala rito "

Tango lang ang naging sagot nito.

Lumabas ako ng stock room at tinungo ang kinaroroonan ni Luke. Nasabi ni Trina sa akin na nasa office ko raw si Luke.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko na may bitbit itong alak sa bandang kanan niyang kamay. Hinablot ko iyon at inilagay sa trash can.

" Ano ba'ng nangyayari sayo, Luke ? "

" I broke up with Briella "

" You did ? Why ? "

" Kasi ayaw ko ng magpretend "

" Pretend of what ? "

" Pretending to be okay "

Kumunot-noo ako.

" Wait, hindi kita maintindihan eh. Ano ba'ng ibig mo'ng sabihin ? "

" I lied..about Hermione "

Napaawang ang bibig ko sa narinig.

" Look, I was happy when I knew na si Hermione at si Mira ay iisa. I was pretending that I'm not knowing her. Please help me, take her back to me "

Bumuntong-hininga ako. At hindi siya kinibo.

" Ano ? Sinabi ko na ang totoo, hindi mo ba narinig ? "

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

" Binalaan na kita noon pa, Luke. Oras na saktan mo'ng muli si Hermione wala ka ng aasahang tulong galing sa akin. Hinayaan ko na kayo eh, nagparaya ako kahit masakit pero ano'ng ginawa mo ? Sinayang mo ang pagkakataon, Luke ! "

" Kaya nga bumabawi ako, Shawn. Please help me, just one more time. Pangako hindi ko na sasayangin "

" Its too late, Luke. Hindi ko alam kung nasaan si Hermione, pinangako niya sa sarili niya na wala na sa atin ang nais niya pa'ng makita. Kaya I'm sorry, hindi na kita matutulungan "

Iiwan ko na sana siya sa office nang bigla niyang hablutin ang ballpen at itinutok ito sa leeg niya.

" Luke, put it down "

" No, hangga't hindi mo ako tutulungan. I swear I will cut my own throat ! "

" Luke, please. Fine, I'll help you. Promise, just...put it down "

Nang maibaba niya ang ballpen sa mesa, niyakap ko siya. Napahagulhol siya sa mga bisig ko. Hindi ang ganitong Luke ang nakilala ko. Sa tingin ko dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Hermione kahit sarili niya nagagawa niyang  saktan maibalik lang sa kanyang piling ang babaing pinakamamahal niya.

Naaalala ko noong inamin ko sa harap mismo ni Luke na gusto ko si Hermione, naglakas-loob akong sabihin yun dahil sa tindi ng galit ko sa kanya.

Hindi ko lubos-maisip na isang hamak lang na personal maid ang titino sa suwail ko'ng ugali. Siya lang pala ang magiging susi para mabuksan ko muli ang pangarap ko sa buhay. Dahil sa advices niya naging proud na sa akin si Daddy. Kahit hindi ako lawyer tulad nila, tinanggap parin nila ang kursong napili ko.

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon