Hermione's POV
Naghihintay si Nanay na kumibo ako subalit wala ni isang salita ang lumabas mula sa bibig ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag.
" Ano ? Hindi ka makapagsalita ? Alam ko naman na hindi ka na masaya sa anak ko, eh. Naging mabuti naman ang pamilya ko sa inyo pero bakit kailangan humantong pa sa ganito ang buhay ng anak ko. Ikaw pa talaga ang naging dahilan ng kamatayan niya ! Ang dapat sayo mamatay na rin ! "
Akmang susugurin ako ni Mrs. Davis ngunit pumagitna sa amin si Shawn.
" Don't you dare hurt my family, Tita "
Nagulat ako sa ginawa ni Shawn sa kanyang tiyahin, wala akong ideya kung bakit pati kadugo niya ang kaya niyang kalabanin para lang protektahan ako.
" What do you mean...your family ? Kami ang pamilya mo at hindi sila, Shawn ! "
" Yes tama ho kayo, Tita. Kaya lang ako ho ang ama ng bata'ng pinagbubuntis niya kaya hindi ko hahayaang may manakit sa mag-ina ko kahit ho kayo "
A-alam niya ? Gaano siya kasigurado na siya ang ama ng bata'ng pinagbubuntis ko sa ngayon ?
" Ibig sabihin..you cheated on my son, Hermione ? How could you do this to him ? To us ? "
Hindi parin ako makakibo.
" Kaya ba nagdadalawang-isip ka kung buntis ka o hindi dahil sa hindi ka pa sigurado kung sino ang ama ng pinagbubuntis mo ngayon ?! Paano mo nilihim sa akin ang bagay na ito, Hermione. Dahil ba wala akong karapatan dahil sa pangalawang Nanay mo lang ako ?! "
Napaiyak na ako ng lubusan dahil nakikita ko na umuungat na si Nanay dahil sa galit.
" Sorry po, Nay. Huwag niyo naman po isipin ang bagay na yan, napamahal na ho kayo sa akin "
" Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko, Hermione "
Umalis si Nanay nang hindi ako tinitingnan.
" See what you have been done, Hermione. Dahil sayo kaya nagkagulo ang lahat ! Nakakahiya kayo ! "
She walked-out din.
Nagpasya akong magpunta sa lugar kung nasaan si Luke subalit dinala ako ni Shawn sa morgue.
Pagkapasok ko sa loob, nandoon si Athena at si Zia.
" Bakit humantong sa kamatayan ng kuya ko ang kasal niyo, Ate Hermione ? "
Akmang tanong ni Athena nang makapasok ako sa loob. Ngunit hindi ako kumibo.
" It is because may affair kayo ni Shawn kaya humantong sa ganito ang lahat, Ate Hermione ? "
" H-hindi, Athena.. "
" Sa akin ka pa ba magsisinungaling, Ate ? Noon ko pa alam ang affair niyo ni Shawn, kaya hindi mo maaalis sa akin na yun ang naging dahilan kaya namatay ang Kuya ko ! "
Napahagulhol sa kaiiyak si Athena, at lumabas ng morgue. Napaluhod ako sa kaiiyak, is it true.. patay na nga si Luke..dahil sa akin..
Hermione's POV
After several months, hindi man lang ako nakapunta sa lamay o libing ni Luke. Dahil nga sa ayaw ng pamilya nito o ng mga angkan nito na nandoon ako. Hindi ko matanggap ang pagkawala niya dahil sa ako ang naging dahilan ng pagkamatay niya. Labis akong nagsisisi sa mga kasalanang nagawa ko kay Luke, subalit nangyari na yun at hindi ko na maibabalik pa upang maiwasto o maitama man lang ito.
Lumubo na rin ang tiyan ko, kahit ayaw ko man panagutan ako ni Shawn. Subalit masyadong makulit ito, hinayaan ko nalang na gawin ang responsibilidad niya bilang ama.
Habang si Nanay naman, matagal bago ako pinatawad niyan. Pero matitiis ba niya ako, eh ako lang naman ang pinakamaganda niyang anak na magbibigay sa kanya ng mumunting anghel. Nandito kami ngayon sa hospital, eight months preggy na ako at buwan-buwan may check-up ako. Same doktor parin ang kumukunsulta sa akin, yung doktor na unang nagsabi na buntis ako.
" Welcome back, Miss Miller. Wow! Theyre getting bigger huh, malilikot ba sila sa loob ? "
Sabi nito habang kinukunsulta ako.
" Medyo, Doc. Pero okay lang ho, nandito naman si Shawn para alalayan ako "
" Well, good. What if ipa-ultrasound natin ang wombs mo ? "
Napasulyap ako kay Shawn.
" Huwag na po, Doc. Mas gusto ko po na hindi alam ang gender ng kambal para mas exciting "
" Kunsabagay, okay were done. Huwag kakalimutan ang vitamins ha, you need it. Isang buwan nalang iluluwal mo na ang kambal. Be strong Mommy Hermione "
Ngumisi ako sa kaharap kong doktor.
" Salamat po, Doc. Una na ho kami "
Papalabas na sana kami ng hospital nang mamataan ko si Athena na papasok sa loob. Nang magkasalubong kami, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Shawn.
" Athena, anong ginagawa mo dito ? "
Akmang tanong ni Shawn sa pinsan niya.
" I'm here to..visit Tito David. Are you here din ba to visit him ? "
" Si Dad ? What happend to him ? "
" Oo nga pala, mula ng maging ama ka laging si Ate Hermione na ang priority mo. Kahit si Tito David hindi mo alam kung ano nang nangyari "
" Athena, I'm just doing my responsibility. Don't you understand that ? Ano ba kasi nangyari kay Dad ? "
" Na-stroke si Tito last week, I though alam mo. Its been a week "
" Where is he ? "
" Follow me "
Naunang naglakad si Judy habang kami naman ni Shawn ay sumunod sa kanya. Pagkarating namin sa kinaroroonan ng ama ni Shawn, nasa loob ito ng ICU ROOM kasama ang ina nito.
" Okay ka lang ba dito ? "
Akmang tanong niya sa akin.
" Oo naman, sige pumasok ka na "
Pagkapasok ni Shawn, namataan ko na niyakap niya ang kanyang ina at ginagap ang kamay ng kanyang ama. Naiwan naman kami ni Athena sa labas ng ICU ROOM.
" A-Athena "
" Kamusta ka na, Ate ? "
Napalunok ako ng marahan.
" O-okay lang naman, kahit nahihirapan akong dalhin ang kambal. Tinitiis ko para sa kanila "
" I see "
Nangilid ang mga luha ko sa mga mata nang haplusin niya ang tiyan ko. She smiled at me.
" Sorry for everything I said, Ate Hermione. At first talaga hindi ko matanggap ang pagkamatay ni Kuya, pero nang mapaginipan ko siya. Sabi niya, huwag raw ako magalit sayo dahil sinadya raw niya ang mawala para hindi na tayo mahirapan lahat. Alam niya na hindi ka na masaya sa piling niya, Ate. Pero masaya siya kasi may pumalit sa pagkawala niya. Kaya sorry talaga, Ate "
" Hindi naman ako galit, ano ka ba. Pinapaiyak mo naman ako eh. Tsaka ikaw lang ba nag pinapaginipan niya, ako din kaya. Humingi ako ng tawad sa kanya kahit sa panaginip lang. Alam mo ba, niyakap ako ng Kuya mo. Sabi niya, matagal na niya akong pinatawad "
Niyakap ako ni Athena.
" Mahal na mahal ka talaga ni Kuya, Ate Hermione. Kasi handa siyang magsakripisyo para lang sa kaligayahan mo. Naging bulag ako sa galit, matagal kong napagtanto bago tanggapin ang katotohanan. Sana, Ate. Maging manatili ka sa buhay namin, excited po ako sa paglabas ng kambal "
Pinahid niya ang mga luha ko sa mga mata.
" Ako din, Athena "
After that moment, lumabas na si Shawn mula sa ICU ROOM na kasama ang ina nito. Tumayo ako at nagulat ng yakapin din ako ng ina ni Shawn.
" Welcome to the family, Hermione. You can call me Mommy now "
Hindi ko na mapigilang hindi lubusang maiyak, nag-group hug kami. Napakasaya ko. Ganito pala ang pakiramdam nang tanggap ka na ng lahat.
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
