Chapter 43

28 4 0
                                        

Hermione's POV

Balak ko'ng maglakad ngayon pauwi, gusto ko kasing kumain sa street food doon sa parke. Namimiss ko na kasi ang mga lutong kalye, kaya nais ko'ng ubusin ang natitirang oras ng hapong iyon bago ako umuwi. Subalit papalabas palang ako ng gate ng eskwelahan, namataan ko na ang sasakyan....ni Luke?

Nang lumingon ito....

Si Shawn pala ?

Sinalubong niya ako at kinuha ang mga dala ko'ng libro.

" Anong..ginagawa mo rito at bakit mo gamit ang sasakyan ni Luke ? Kasama mo ba siya ? "

" I'm here to fetch you, yes I use his car and...nope, hindi ko po siya kasama "

" Ba't mo naman ako susunduin ? Hindi ba sinabi ko na sayo na lubayan mo na ako, lalo la'ng akong pag-iinitan ng nobya mo'ng baliw "

" Kalimutan mo na siya, I broke up with her already "

" A-ano ? Sa anong dahilan ? "

" I saw her..cheating on me with another man "

" Talaga ? Ako ba niloloko mo ha ? Pwede ba, Shawn. Tigilan na natin 'to ? Ayaw ko nang magkaroon pa ng issue, baka sa huli makalbo ko na ya'ng nobya mo dahil sa maling paratang niya sa akin "

" Paratang ? What do you mean ?"

" Ayaw ko'ng sabihin, bakit ? Kasi sasabihin ng bruhang yun na nagsumbong ako sayo. Hindi ko ugaling manghimasok ng relasyon ng iba. Kaya please lubayan mo nalang ako para wala ng gulo "

" Fine, kung ayaw mo'ng sabihin..ako ang magtatanong sa kanya "

Napanganga ako sa huling sinabi niya. Nagtungo ito sa kotse at pumasok sa loob. Pinaharorot na nito ang sasakyan at umalis na sa harapan ko. Doon ko nalang namalayang nadala rin pala ni Shawn ang mga libro ko.

Napakamot nalang ako sa ulo at nagpasyang umuwi nalang. Hindi na ako nagtungo sa parke gaya nang gusto ko sanang gawin kanina. Nawalan na ako sa mood kumain, nag commute nalang ako para makauwi ng bahay. Mas mainam na umuwi akong mag-isa kaysa umuwi ako na kasama si Shawn. Malaking issue ito sa pamilya nina Luke, baka isipin nila niloloko ko si Luke dahil kasama ko si shawn. Lalo na kay Cassandra. baka kung ano pa ang echismis ng babaing iyon sa pamilyang Sandoval baka magiging masama na ako sa paningin nila at ayaw ko'ng mangyari yun..

Shawn's POV

Padabog ko'ng tinungo si Cassandra sa kwarto, at naratnan ko itong naka-two piece lang. May pangiti-ngiti pa siya ng makita ako, namapamulagat ito nang hablutin ko ang magkabilang-braso nito at ibinalibag siya sa kama.

" Ano ba'ng problema mo ha ?! "

" Ikaw ang problema ko, Cassandra! Hindi ba't sinabi ko na sayo'ng umayos ka ! "

" Bakit ba ? Ano na naman ang ginawa ko ha ?!"

Hinawakan ko ang leeg niya at inihiga siya sa kama, nanlilisik ang mga mata ko sa tindi ng galit.

" Anong ginawa mo kay Hermione Huh ?! "

Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa leeg niya at tinulak niya ako palayo sa kanya.

" So its Hermione again ?! Ano ba ang sinumbong nang babaing yun sayo huh at ganyan nalang katindi ang galit mo sa akin, sabihin mo?!"

" I'm asking you a question ! Ano na naman ang ginawa mo kay Hermione ? Answer me ! "

Pabulyaw ko'ng tanong rito.

Hindi nakakibo si Cassandra, bumukas yung pinto at iniluwa roon si Hermione.

" Nagpunta ako rito para...maaayos ito "

Sabi nito sa malumanay na boses.

Sinulyapan ko si Cassandra. Nilapitan ko si Herione at hinawakan ang braso niya.

" Siya ba ang dahilan kaya ka napaparanoid huh, Cassandra!? Pwes, ipapakita ko sayo kung paano ako magalit ! "

Hinila ko si Hermione patungo sa akin, hinawakan ko ang beywang nito at ang likod ng ulo nito. I kissed her infront of Cassandra.

Nakapikit ako habang hinahalikan siya, ngunit....

" Anong ibig sabihin nito ?! "

Si Luke... kapwa kami napalayo ni Hermione sa isa't isa.

Nang lingunin namin si Luke, nagsalubong na ang mga kilay nito.

Umalis ito sa harap namin at sinundan naman ito ni Hermione.

Pagkaalis nila, inismiran ako ni Cassandra at lumakad siya papunta sa akin.

" See ? Youre in trouble now, Babe. May pinalala mo ang sitwasyon, ngayon..mas masasaktan ng husto ang pinagtatanggol mo'ng katulong. Buti nga sa kanya, ang hilig kasi niyang sumipsip sa iba "

Hinablot ko ang braso ni Cassandra at hinawakan ito ng mahigpit.

" Lumayas ka sa bahay na 'to , ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo "

" Its too late, I'm pregnant "

" What ?! "

Tinanggal niya ang kamay ko'ng nakahawak sa braso niya at lumayo ito sa akin. Pumasok ito sa banyo at naiwan naman akong tulala at hindi makapaniwala..

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon