Shawn's POV
Balak ko'ng dalawin si Luke sa hospital, kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Hindi ko dapat dinamay si Hermione sa away namin ni Cassandra , dapat pinaliwanag ko kay Luke na walang kasalanan si Hermione sa nangyari. It was my fault, hindi kasi ako nag-iisip.
Pinihit ko ang door knob ng kwarto niya, pagkapasok mo hindi agad ang kama ni Luke ang makikita mo kundi ang daan paliko sa hinihigaan niya. Private room iyon.
May dala akong prutas para sa kanya, habang tinahak ko ang daan papunta sa kama niya natigilan ako nang magkasalubong kami ni Hermione, Napaatras ako ng bahagya.
" I...brought some...fruits for.. Luke "
Inilagay ko ito sa mesa, saka naman niya ito kinuha nang mailapag ko na ito.
" S-sige, I'll go ahead.."
Aalis na sana ako nang pigilan niya ako.
" Mag-stay ka muna saglit, gusto kitang makausap "
Hindi na ako kumibo, may sala ang silid ni Luke kaya doon kami naupo at nag-usap.
" By the way...I..I'm sorry for...what I did, Its my fault. Sorry kasi hindi ako nag-iisip "
" Nangyari na rin naman, wala na rin naman tayo'ng magagawa. Kasalanan ko rin naman, hindi na dapat ako nanghimasok sa away niyo ni Cassandra. Aalis din naman ako kapag gumaling na si Luke, pero bago yun..ipapaliwanag ko muna sa kanya para hindi siya mabigla sa pagkawala ko "
" No, you don't have to do that. Ako na mismo ang aalis, ako lang naman ang naging dahilan kaya nagkagulo ang lahat. Cassandra is pregnant, kaya ilalayo ko muna siya dito "
" Hindi niyo naman kailangan lumayo, nandito ang pamilya niyo. Sa amin naman ako uuwi eh "
" Alam mo naman na hindi papayag si Luke na umalis ka, masasaktan parin yun "
Napayuko ito ng marahan.
" Can we still be friends, Hermione ? "
Sinulyapan niya ako, at marahang napatango ito. She smiled at me. Namiss ko ang ngiting yun, handa akong magparaya huwag lang siya masaktan.
Nagpasya na akong umalis ng hospital, nagpaalam na ako sa dalawa.
Umuwi na ako ng bahay upang mag-ayos ng gamit namin ni Cassandra, nagtaka naman ito sa ginagawa ko.
" What are you doing ? Aalis tayo ? "
" Yes, and please huwag ka nang maraming tanong. Get dress, hihintayin nalang kita sa kotse "
Nauna na akong lumabas at hinintay nalang siya sa kotse...dapat ko itong gawin. Hindi lang ito para sa ikakabuti ng relasyon nila ni Luke kundi ito ang makakabuti sa akin. Para madali ko siyang makalimutan..
Hermione's POV
Alas singko na nang hapo'ng iyon, habang nagbabalat ako ng mansanas. Napansin ko ang paggalaw ng mga daliri ni Luke. Ibinaba ko muna ang kutsilyo at mansanas, nilapitan ko siya.
Sinapo ko ang noo nito at hinimas-himas ang buhok niya, hanggang sa unti-unti ito'ng dumilat.
" L-Love ? "
" A-ako nga, Love "
" N-nagbalik ka ? "
Namataan ko ang pagbagsak ng mga luha nito sa mga mata. Pinahid ko iyon gamit ang mga daliri ko.
" Oo naman, Love. Bumalik ako para sayo "
Gumalaw ang mga kamay niya para yakapin ako, napayakap na rin ako sa kanya.
" A-akala ko..hindi ka na babalik "
" Matitiis ba kita ? "
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya, at tinuloy ang pagbabalat ko ng mansanas.
" Gutom ka ba ? Sandali nalang ito, Love "
" Galit ka ba sa akin, Love ? "
Napasulyap ako sa kanya at nginitian siya.
" Ako nga dapat ang nagtatanong sayo niyan, Love. Kung hanggang ngayon ba..galit ka parin sa akin "
" I regret everything, Love. Lalo nu'ng hindi muna kita pinakinggan. May pangyayaring kinatok ako ni Shawn sa room ko, pero hindi ko siya pinagbuksan ng pinto dahil sa tindi ng galit ko sa kanya. Doon ko lang nalaman na, wala kang kinalaman sa nangyari. It was his plan, gusto kitang hanapin at puntahan. Alam ko na sa inyo ka pupunta, pero baka ayaw mo na akong makita. Kaya.."
" Pinabayaan mo na naman ang sarili mo, Ganoon ? Love, mas magagalit talaga ako kapag may ginawa kang hindi ko gusto. Paano kung magpunta ko ng hospital wala ka na. Hindi ka man lang kasi nag-iisip sa mararamdaman ko, sinabi ko sayo hindi ba ? Mahal na mahal kita at hindi kita kayang saktan.."
" kaya nga I regret everything na eh, sorry na Love. Pangako makikinig na ako sayo "
Nilapitan ko muna siya at hinawakan ang kamay niya.
" Love, gusto ko sana magpahinga muna tayo "
" A-anong ibig mo'ng sabihin, Love? Iiwan mo ako ulit ? "
" Hindi, Love. Gusto ko muna kasing patunayan ang sarili ko, gusto ko kasi na....maipakita sa buong angkan mo na worth it ako para sayo "
" Hindi ko maintindihan,Love. Pwede naman yun mangyari habang magkasama tayo "
" Alam mo noon hindi ko pinangarap magkaroon ng lalaking magmamahal sa akin, sapat na para sa akin ang pagmamahal ng pamilya ko. Pero noong dumating ka, nagbago ang pananaw ko sa buhay. Lahat maaaaring magbago, Love. Kahit pa lagi tayong magkasama, ang sa akin lang..kung tayo talaga..hindi gagawa ang Diyos na paghiwalayin tayong dalawa. Gusto ko lang na may mapatunayan ako, para hindi na nila ako apakan, murahin, maliitin, at husgahan. Alam ko may isang tao na naniniwala sa kakayahan ko, at ikaw yun Love. Hindi ako mawawala, pangako "
Hindi na ito nakakibo sa sinabi ko.
Binantayan ko parin siya hanggang sa gumaling siya mula sa nangyari. Nagpaalam ako sa kanya ng maayos, nagkalayo kami ng maayos at nagkaintindihan kami ng maayos. Alam ko na..gagawa ang Diyos para magkatagpo kaming muli.
Mahal ko si Luke, pero kailangan ko ring alisin sa puso't isip ko si Shown. Sapat na ang Luke sa buhay ko, sapat na siya para matupad ko ang nais ko sa buhay. Sa kanya ako huhugot ng pag-asa, alam ko sa sarili ko darating ang panahon na magkakasama kaming muli.
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
