Chapter 42

25 4 0
                                        

Shawn's POV

Naupo kami ni Luke sa semento ng pool, nakalubog yung mga paa namin sa tubig. Habang humihigop ng kape.

" Sorry nga pala sa mga sinabi ni Dad about kay Hermione. Alam ko na masakit iyon para sa kanya "

" Yes its really hurt for her, nakita ko nang makita ko siya sa loob ng silid niya. Gusto na niya akong iwan, Dude "

" Nabibigla lang si Hermione sa ginawa niya is it because of what Dad said. Kausapin mo siya bukas "

" Sino ? Si Tito ? "

" Hindi si Dad kundi si Hermione "

" Siguro kung..hindi talaga siya matanggap ni Tito David, iaalis ko siya rito "

Kumunot-noo ako.

" Saan mo naman siya balak dalhin ? "

" Kahit saan basta malayo kay Tito "

" I know what you feel, malalagpasan niyo rin yan. Pasaaan pa't sa huli matatanggap din yun ni Dad. Pero ang paglayo niyo, baka isipin niya tama siya "

" Ayaw ko na kasing apakan niya ang pagkatao ni Hermione. Pakiramdam ko mas ako yung nasasaktan eh "

Nagkibit-balikat ako sa kanya.

" Prove to Dad na mali siya, prove to him na hindi ang tulad ni Hermione at dapat apakan niya. Prove to him na hindi sa dami ng yaman nasusukat ang tunay na pagmamahal. Prove it all to him, Dude. Nasa likuran niyo lang ako ni Hermione "

" Saan ka ba concern ? Sa akin o kay Hermione ? "

" Baliw ! Siyempre sayo. Pinsan kaya kita, sabay tayong lumaki. Hindi nga lang tayo sabay nakapagtapos. Look at me, hanggang ngayon hindi pa alam kung anong kurso ang kukunin "

" Bakit hindi mo ipagpatuloy ang pangarap mo maging isang chef ? Matutulungan ka dun ni Hermione, I'm sure "

" Oo nga, ano ? Kaya lang okay lang ba sayo na gawin ko siyang main chef kapag nakapagtayo na ako ng sariling restaurant ko ? "

" Ofcourse, why not ? Alam ko naman na kahit masama ka minsan, may mabuti ka namang kalooban. Aasahan ko yan, basta ang mahalaga ngayon sa akin ang ma-encourage ko si Hermione na magpursige siya sa kanyang pag-aaral para kapag nakatapos siya ng highschool niya magkokolehiyo agad siya. Yung kurso niya ? Siya na bahala kung saan niya gusto at kung anong kurso ang gusto niya. Susuportahan ko siya "

" Ganyan dapat. Huwag niyo hayaang apakan lang ni Dad ng ganoon si Hermione "

" Salamat, Shawn "

" No problem "

Nang makaramdam na kaming dalawa ng antok, nagpasya na kaming pumanhik sa aming mga kwarto.

Sinilip ko muna si Hermione sa kwarto niya, kiniss ko ito sa noo. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa kwarto ko upang makapagbihis ng pantulog.

Hermione's POV

Maaga akong nagising upang maghanda para sa eskwelahan. Naligo na agad ako at nakabihis ng pang-uniporme. Nang nakaayos na ako lahat, dinala ko yung pack bag ko at nagtungo sa kusina. Naratnan ko roon si Manang , may niluluto ito.

" Goodmorning, Ma'am Hermione "

Salubong niyang bati sa akin, napakunot-noo ako.

" Manang naman, hindi pa ho ako official family member ng mga Sandoval kaya huwag mo na po akong tawaging Ma'am. Nakakahiya po, eh "

" She's right, Manang . Sa ngayon, mukha parin siyang katulong ang nagkaibahan lang is..nakaunipormi siya today "

Si Cassandra, kay aga-aga nambubuwesit talaga !

Hindi na ako kumibo.

" Kaya lang, Ma'am Cassandra. Hindi na ho siya katulong ngayon, girlfriend na po siya ni Sir Luke. Kaya kahit ayaw niyang tawagin ko siyang ganoon, ngunit ginagalang ko po ang pagiging nobya niya kay Sir "

" Whatever ! "

" Alam mo, Cassandra. Hindi ka siguro pinalaki ng mga magulang mo na...rumespeto ng tao. Ano ? Kasi sumasabat ka ng usapan na may usapan, hindi ka naman kasali. O baka naman, buwesit na buwesit ka sa umagang ito kaya pinupunterya mo ako. Sorry ka nalang, kasi ako busy ako'ng tao eh. Hindi kasi ako nangingiilam sa buhay ng iba "

" Excuse me ? First of all, sino ka ba para pakiilaman ko ? Besides, pinalaki akong mayaman at lumaking mayaman. That's why I'm here, hindi tulad mo. You use your..body to attract Luke"

Gusto ko siyang kalbuhin sa mga pinagsasabi niya ngayon. Para inisin siya napahagalpak ako sa katatawa.

" Is it true kaya ka tumatawa, tama ? "

Inismiran ko siya.

" Ano ba akala mo sa akin ? Tulad mo na katawan ang ginagamit para makuha ang isang lalaki ? Hindi mo alam kung sino ako, oo mahirap lang ako. Pero hindi ako tulad mo na ginagamit ang pera sa pansariling interes. Pera ? Yaman ? Karangyaan ? Hindi mo madadala yan sa kamatayan. Huwag ka masyadong mapagmalaki sa kung ano'ng meron ka ngayon, Cassandra. Kasi alam mo..uod parin ang kakain sa laman mo. Sige ho, Manang. Alis na ho ako salamat po sa binigay niyong baon "

Nilapitan ko na si Manang at niyakap saglit. Bago ako umalis, pinagtaasan ko siya ng isang kilay.

Ano akala niya sa akin ? Hindi papatol sa kanya ? Huwag niya lang akong galitin masyado baka mahanap niya kung sino talaga ang katapat niya.

Mas mabuting magfocus nalang ako sa pag-aaral ko kaysa naman asikasuhin ang mga walang kwentang tao. Nakakasira lang ng araw, quiz pa naman namin ngayo  kailangan ko pang magreview.

The Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon