Shawn's POV
Patakbo ko'ng tinungo ang hospital kung saan naka-confine sina Hermione at Luke. Ano kayang nangyari ? Bakit sila naaksidente nang...magkasama ?
Pagkarating ko ng hospital nakita ko agad sina tita at tito, siyang mga magulang ni Luke.
" Tita, what happend ? Paano nangyari ito ? "
" I don't know the whole story, Shawn. I just recieved a call from the doctor, he said comatose daw ang dalawang pasyente. Ngunit..mas malala si Hermione "
" Ho ? Bakit po, Tita ? "
" Ang sabi ng doctor, posible raw na naapektuhan ang utak ni Hermioe at may posibilidad na baka..magkaroon siya ng amnesia "
" Am..nesia ? "
" Kung totoo man, naaawa ako para sa kanya. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga naaalala niya at nakikilala niya. Siguro mas mabuting tawagan mo ang kamag-anak ni Hermione. Kailangan nila ito'ng malaman "
Napayuko ako, nagprisinta ako na ako na mismo ang susundo kina Nanay Clar. Pagkarating ko sa bahay nila, naratnan ko itong abala sa pag-aayos ng mesa.
" Magandang gabi ho, Nay "
Kumunot-noo ito ng makita ako.
" Anong ginagawa mo rito, Shawn ? Umalis ka na baka maabutan ka pa ni Hermione, baka mag-away pa kayo. Hindi pa yun handang makita ka lalo na si Luke "
" Nandito nga po ako para sabihing...nasa hospital po si Hermione, Nay "
" Ano ? Paano mapupunta ang anak ko sa hospital ? May meeting siya urgent daw, kaya..."
" Nay, hindi ko ho alam ang buong pangyayari subalit..kailangan niyo po'ng sumama sa akin "
Hindi na umimik si Nanay Clar,sumama na nga ito sa akin. Naiwan sa bahay sina Lara, ang anak nito at ang bunso nilang kapatid na si Henry. Nagpadala na rin ako ng dalawang bodyguard upang iyon ang magbantay sa mga bata lalo na sa kapatid ko'ng si Lara. Alam kaya ni Lara na magkapatid kami ?
Nang madala ko si Nanay sa hospital, napahagulhol siya ng kaiiyak ng makita ang kalagayan ni Hermione. Mayroong benda si Hermione sa noo, at marami rin itong mga galos sa katawan. Nasa loob rin siya ng ICU, unconcious din ito tulad ni Luke na wala namang sugat sa noo o ulo subalit may bali ang isang paa nito. May chance pa naman raw ito makalakad subalit wala pa'ng resulta sa amnesia ni Hermione at walang idea ang doctor kung ito'y maibabalik pa ba sa dati.
" Nay, huwag ho kayo'ng mag-alala sa gastos. Sagot na ho ng angkan namin "
" Wala ako'ng pakialam sa gagastusin dito sa hospital, Shawn. Mas inaalala ko ang kalagayan ng anak ko, hindi matutumbasan ng halaga ang bawat hinga ng anak ko. Hindi dapat siya nandito, napakabuti niyang tao, anak at kapatid "
" Alam ko ho, Nanay. Pero hindi ho gusto ni Hermione na mag-alala ho kayo ng husto "
Nilingon niya ako. Inabutan ko siya ng tubig at isang supot ng pagkain.
" Binili ko ho saglit yan para sa inyo, Nay. Mas mabuti ho na maayos kayo para hindi rin mag-alala si Hermione sa kalagayan niyo "
" Bakit napakabuti mo sa akin at sa anak ko, Shawn? Alam ko na nireject ng anak ko ang pagmamahal na pinaramdam mo sa kanya. Patawad, Hijo. Hindi ko hawak ang puso ng anak ko, kung ako masusunod kaya kitang tanggapin para sa anak ko. Kaya lang mas nanaig ang pag-ibig niya kay Luke, nagpapasalamat ako dahil naging parte ka ng buhay ni Hermione "
" Okay lang po yun, Nay. Malaki rin ho ang utang na loob ko kay Hermione, bukod siya naging matino ako dahil sa mga advices niya nagkaroon pa ng direksiyon ang buhay ko. Kaya kahit ano pa yan, kaya ko'ng gawin para kay Hermione. Pero, Nay. Huwag ho sana kayong magagalit. Kasi ho nagtataka ako, si Hermione ho ang panganay niyo pero bakit ho si Lara ang naging anak niyo ni Dad ? Is it mean nagkaanak ho muna kayo bago ho naging kayo ng Daddy ko ? "
" Hindi, Hijo. Ampon ko lang si Hermione, bukod tanging alam lang niya iisa lang ang ama nila nina Lara at ng bunso namin. Pero hindi, nagsinungaling ako.."
Napalunok ako ng marahan..si Hermione ? Ampon lang ?
Kapag ba malaman niya ang totoo tungkol sa buong pagkatao niya ? Magagalit ba siya sa Nanay niya ?
Shawn's POV
Habang nag-uusap kami ni Nanay Clar panay naman ang kamot ko sa batok. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula kay Nanay.
" Nay, bakit hindi niyo po nasabi ni Hermione ang totoo ? "
" Natatakot ako, Shawn. Baka...iwan ako ng anak ko'ng yun, malaki na ang ipinagbago ngayon ni Hermione kapag naisip niyang hanapin ang mga magulang niya at natagpuan niya ito.. Paano nalang ako ? Kami ng mga kapatid niya ? "
" Nanay, ramdam ko ang pagmamahal sayo ni Hermione kaya hindi ho malabong mangyari na basta-basta niya kayo iiwan. Kayo ang kinalakihang magulang ni Hermione, gaano man kahirap sa kanya ang malaman ang totoo..I'm sure, Nay matatanggap niya at maiintindihan niya kung bakit kailangan mo'ng itago ang totoo "
" Ngayo'ng naaksidente si Hermione, hindi malabong magbalik ang nakaraan niya "
Kumunot-noo ako. Nakaraan ?
" Magbabalik ang nakaraan niya ? Ano'ng ibig niyo'ng sabihin, Nay ? "
" Sa katunayan..pitong taon na ang nakararaan ng matagpuan ko si Hermione sa ilog. Nangangahoy kami ng yumao ko'ng asawa ko noon, napadpad kami sa ilog kadahilanang napagod ako at nais ko'ng makainom ng tubig. Subalit iba ang natagpuan namin sa ilog at si Hermione yun "
" P-po ? "
" Sayo ko lang sasabihin ito, Hijo. Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling si Hermione. Pero para sa akin, biyaya siya ng Diyos sa akin. Nang magkamalay siya, sinabi ko na anak ko siya at kagagaling lang niya sa sakit. Hindi mahirap mahalin ang katulad ni Hermione, Hijo. Kaya madali sa kanya ang ipaniwala na kami ang kamag-anak niya "
" Ibig sabihin..walang maaalala si Hermione ? "
Napatango ang matanda sa akin.
" Ngayon..baka may maalala na siya dahil sa aksidenteng natamo niya "
Napabuntong-hininga ako at naglakas ng loob na tanungin ang bagay na matagal ko nang gustong itanong kay Nanay Clar.
" Nay, mayroon bang....balat si Hermione sa... kanang banda ng likod niya ? Yung parang hitsurang bulaklak po ? "
Saglit napaisip si Nanay at tumingin siya sa akin ng diretso.
" Mayroon nga "
Napaatras ako at napaawang ang dila.
Posible ba na si Hermione ay si Mira ?
Napatayo ako.
" Saan ka pupunta, Hijo ? "
" Uhm..titingnan ko lang saglit si Luke sa loob, Nay. Maiwan ho muna kita "
Tumango lamang ito. Nagsuot ako ng surgical mask at berdeng damit na kailangang suotin kapag papasok ka sa loob ng ICU.
Hindi naman talaga ako papunta sa ICU ni Luke, si Hermione ang sadya ko.
Tinitigan ko siya ng mabuti.
" Hermione ? Posible ba'ng ikaw talaga si Mira ? Pitong taon ka'ng nawala, pito'ng taon mula ng mangyari ang plane crash na yun. Kung ikaw nga si Mira at maaalala mo ang pagiging asawa mo kay Luke..nag-aalala ako. Anong kailangan ko'ng gawin... Mira? "
Naramdaman ko ang paggalaw ng isang daliri nito. Sumilay ang mga ngiti ko sa mga labi.
Sa wakas nahanap muli kita Mira, pero paano ko sasabihin kay Luke ito ? Ngayong kasal na siya sa iba..
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
