Shawn's POV
Kinabukasan...start na ang work ko sa tubuhan, nakapag-orient naman ako kahapon kaya alam ko na ang mga gagawin ko. Maaga akong umalis, hindi ko na hinintay na magising sina Nanay at Hermione. Hindi na rin ako nag-almusal, masyado kasi akong excited.
Pagkarating ko sa tubuhan, nagsimula na agad akong magtrabaho. Nakita ako ng may-ari ng tubuhan at nilapitan niya ako.
" Shawn, ang aga mo ata. Mamaya pa alas siyete ang start ng work mo. Tsaka hindi naman diyan kita ilalagay "
Kumunot-noo ako.
" Po ? Saan po ? "
" Nang mag-orientation tayo, napansin ko na may katalinuhan ka'ng taglay. Kaya naisip ko na ikaw na ang e-aassign ko as stock manager. Ikaw na ang mag-inventory ng mga sugar cane natin. Mayroon tayong mga regular costumers na everyday nag-oorder ng tubo para sa factory nilang asukal. Sasamahan mo ang driver sa pagdeliver ng mga stocks natin. Okay ka ba dun ? "
" Opo, sige po "
" Don't worry, may kasama ka naman sa pagdedeliver ng stocks natin. Aside from the driver may kasama kayong isa pa "
" Sino naman ho, Boss ? "
" Makikilala mo rin siya mamaya, sa ngayon. Tigilan mo na diyan, hindi bagay sa hetsura ang maging tubuhan boy. Mas bagay sayo ang posisyong ibinigay ko sayo "
Napangiti ako sa kanya.
" Maraming salamat po, Amo "
" Walang Anuman "
Umalis na ito at sumakay sa motorcycle niya, tinigil ko naman ang pagpuputol ng tubo at naupo sa kubong-tambayan.
Lumipas ang ilang oras, napatingin ako sa relo ko. Mag-aalas otso na nang umaga niyon nang makita ko sa di-kalayuan si Stephanie. May dala itong basket, tamang-tama gutom na ako.
Nang makalapit siya sa akin, napansin ko na nakabihis ito.
" Wait, may lakad ka ba ? "
" Mayroon po "
" At saan naman ? Bakit hindi ko alam ? "
Ngumisi ito.
" Anong tawa yan ? Nakakainis ka ha "
" Buti naman dumating ka na, Stephanie "
" Sorry, Amo. Nalate po ako "
Kumunot-noo ako.
" Shawn, si Hermi ang makakasama mo sa pagdedeliver ng mga stocks natin. Siya kasi ang bago ko'ng kahera. By nine this morning, be ready. May ededeliver kayo "
Kapwa kami napatango ni Hermi.
" Hoy, Hermi, Bakit hindi ko alam na ikaw na pala ang kahera ng tubuhan ? Sabi ko naman sayo hindi ba, kakayanin ko "
" Shawn, si Amo po mismo ang nagtungo sa bahay. Tulog na ho kasi kayo kaya hindi na namin kayo inabalang gisingin "
Napabuntong-hininga ako.
Inilapag na niya ang pagkain sa mesa, hindi na ako umangal. Si Amo naman kasi ang lumapit at hindi siya. Kaya okay nalang sa akin.
Shawn's POV
Kasama ko nga sa trabaho si Hermi, nagdeliver kami ng tubo sa maynila. Isinakay yung container van namin sa barko, bumaba muna kami ni Hermi ng sasakyan at tiningnan ang lawak ng karagatan.
Nang sulyapan ko si Hermi, nakangiti lamang ito habang pinagmamasdan ang dagat.
" Nagustuhan mo ba? "
" Po ? Opo, Sir Shawn Sa katunayan nga napakagaan sa loob kapag tinitigan mo ang dagat at sinasabayan mo yung hampas ng alon. Talagang nakakapagpapawi ng sama ng loob. Alam niyo ba na mas gusto ito ni Nanay. Kasi unang kita kasi ni Tatay noon sa barko, naghiwalay sila sa barko din. Noon gustong-gusto ni Nanay na laging sumasakay sa barko. Pero mula ng matanggap niya na wala na talaga si Tatay, ayaw na niyang sumakay rito "
" Ganoon ba. Hindi ko alam na ganoon pala kasakit ang nangyari sa lovelife ng Nanay mo "
" Gaano kasakit sa nangyari sayo, Sir Shawn? "
" For me? Maybe para sa akin sobrang sakit kasi..nakipaghiwalay lang siya sa akin dahil..may gusto siyang iba. Tinatanong ko nga sa sarili ko kung saan ba ako nagkulang, kung saan ba ako sumobra o kung anong mga bagay pa ba ang hindi ko naibigay at nagawa sa kanya "
" Nagmahal na rin ako tulad niyo, Sir Shawn. Pero yung sa akin, hindi masyadong masakit kasi muntik na akong gahasain ng gagong yun. Buti nalang dumating si Nanay "
I smiled at her. Napakunot-noo ako nang may taong nagkagulo sa unahan, inaya ko si Hermi para tingnan iyon.
Ngunit napaatras ako nang makita ko ang dalawang tao sa gitna ng barko. Nakaluhod yung lalaki sa paanan ng babae habang yung lalaki may hawak na singsing na ipinakita sa babae.
" Yes, I will marry you "
Doon bumagsak ang mga luha ko sa mga mata. Yung babae kasi...ay si Cassandra.
Nang isuot ng lalaki yung singsing kay Cassandra, nagyakapan ang dalawa at nasagi ng paningin ni Cassandra ang kinaroroonan ko. Kaya't agad akong nag-iwas ng tingin at inaya si Hermi na bumalik na sa Container Van. Ang dami niyang tanong na hindi ko masagot, masikip ang dibdib ko. Hanggang ngayon apektado parin ako sa presence ni Cassandra. Sa kanya ko lang kasi ibinuhos lahat ng pagmamahal. Kaya hindi ko maikakaila sa sarili ko na hanggang ngayon, nasasaktan parin ako.
•••••••••••••••••••
Halooo! Readers! kamusta kayo?
sorry now lang nakapag update
ulit🥹 Anyway Merry Christmas
sa inyong lahat😊
BINABASA MO ANG
The Maid
Fiction générale"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
