CHAPTER 1

HAPPY MEMORIES

Masaya lang ang buhay ko, wala akong ibang inisip kundi ang isipin kung masaya ba sila. Okay ba sila. Pero ni-minsan, hindi ko naitanong 'yan sa sarili ko. Hindi ko inalam kung masaya ba ako, kung okay lang ba ako.

I'm always busy thinking what they feel. Thinking for others.

Until one day, feeling ko gumuho ang mundo ko sa nalaman ko.

Before I knew what was that I'm fighting with, I was too busy for school, never thinking what It is. I set aside my pain.

"You have a cancer, Ms. Curtis."

Napatulala. Nagulat. Gusto kong isipin na panaginip lamang ang lahat.

Kahit ilang ulit kong tanungin kay Doctor Enriquez, iisa lang ang sagot nya. At hindi na mababago ang lahat. The fact that I have a cancer and I'm dying.

Lumabas ako ng office ng Doctor ko, na umiiyak. Walang tigil ang mga luha ko. Ayaw kong isipin na may cancer ako.

Umuwi ako at nagkulong lang sa kwarto, but then naisip ko, what If 'wag na lang akong magpagamot? 'Wag na lang akong umasa na gagaling pa ako.

Napag isip isip kong umalis na lamang. Hindi ko alam kung saan.

Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang pinto ng aming bahay.

Muli kong tiningnan ang kabuo-an ng aming bahay. Nag iwan na lamang ako ng sulat for them.

Sinara ko ang pinto ng bahay at pina andar ang kotse ko.

Muli akong napaluha ng isipin ko ang sakit na meron ako.

Itinabi ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Binuksan ko ang bintana ng kotse, upang hayaang makapasok ang malakas na hangin. Nagse-sway ang mga puno dahil sa lakas ng hangin.

Bumaba ako at naupo sa hood ng kotse dala ang aking phone.

Gusto kong i-record ang mga gagawin ko ngayon at sa susunod na araw.

Gusto kong ilaan ang araw at oras ko para gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa dati.

Binuksan ko ang recorder at nagsimula na.

"Ganito pala 'pag may.. taning na ang buhay mo.. Pakiramdam ko bilang na ang mga araw ko. Ayaw kong mawala, ayaw kong mang iwan, ayaw ko.."

Muli akong napaluha dahil sa mga sinabi ko.

"Tsk. Ingay naman."

Parang umurong ang luha ko.



Napatigil ako sa pagrerecording at mabilis kong Pinunasan ang mga luha ko. Napatingin ako sa gawing likod at nakita ko ang isang lalaki na naka-leather jacket na black at white shirt at Naka-pants. Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Sino ka ba?" tnong ko sa kanya. Huminto s'ya sa tabi ng hood ng kotse at tinignan ang ayos ko.

"Ikaw, sino ka?" pabalik na tanong n'ya.

"Ako pa maingay?" naiiritang tanong ko. Imbes na naggi-great escape ako sa sakit ko. Heto at kausap ko ang lalaking ito.

"Problema mo at nagdadrama ka d'yan?" Umupo s'ya sa hood ng kotse pero tinulak ko s'ya. Napaatras s'ya ngunit hindi natumba. Aba't! Ang lakas ng loob n'yang umupo sa hood ng kotse ko.

"Damot mo naman miss. Makikiupo lang." Sumandal na lamang siya sa hood ng kotse at tinignan ako.

"I'm Nathan, You are?.." Kinunutan ko s'ya ng noo ng ilahad n'ya ang kamay n'ya sa'kin para makipagkamay.

"C'mon, Miss, Hindi ako masamang tao.." Then mahina s'yang tumawa. "Shaniya," Hindi na ako nakipagkamay pa sa kanya. Bumaba ako ng hood ng kotse at balak ko na sanang buksan ang pinto ng kotse para umalis.

"Rude," sabi n'ya. Tumigil ako sa pagbukas ng pinto at sinara ito.

"What did you say?.." Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"You're rude," Parang nareach ng ulo ko ang boiling point ko. Who the heck is he?!

"Excuse me, hoy! Ikaw kaya ang rude. Tahimik lang ako dito tapos sasabihin mo na rude ako?.."

Ngumisi pa s'ya. Aba't!

"Yup." Pinapainit n'ya talaga ulo ko ha?

Binuksan ko na lang ang pinto ng kotse at binuksan ko ang engine nito. Nakatayo pa rin s'ya sa gilid. Sinadya ko talagang hindi s'ya iwasan. Pero nakarinig ako ng daing mula sa kanya. Nakalimutan ko ng palang isara ang bintana. Pagtingin ko sa side mirror ng kotse, nakaupo s'ya sa semento at hawak hawak ang paa n'ya. Shocks! Did I hit his foot? Mabilis kong pinatay ang gngine at lumabas ng kotse. Takot ang naramdaman ko. Pano kung naputol pala ang paa n'ya? Okay, parang OA 'yun ah? Mabilis akong lumapit sa kanya upang tanungin s'ya.

"Hey, Are you okay?" Pag aalala ko. Yumuko ako para tingnan ito.

"A-araay!" daing n'ya.

"Tanggalin mo sapatos mo, titingnan ko kung may sugat.." Tiningnan nya ako at ngumiti.

"Joke!" sabay peace sign..

"What?!" singhal ko.

"Hehe. Peace." Mabilis akong tumayo at pinaghahampas s'ya.

"Liar! Liar!"

"A-ouch! Hey! Stop-aray!" Hinawakan n'ya ang dalawang kamay ko to stop me. I pulled off my hands.

"Liar!" at naglakad na ako pabalik ng kotse ko.

"Ingat ka miss!" pahabol pa n'ya ng makasakay na ako ng kotse. Walang hiyang lalaki na 'yun. Ang akala ko na natamaan s'ya ng gulong. Tsk!

********************************

Nathan's POV

Nakangiti pa rin ako kahit nakaalis na ang kotse ng baabeng yun. Langyang babae na yun! Ang bigat ng kamay. Tsk! Puro bruise na yata ang kamay ko. Tumalikod na lamang ako pero napansin ko ang isang phone sa may paanan ko.

Pinulot ko 'yun at ng pindutin ko ang home button. Nakalagay sa wallpaper ang mukha ng babae na 'yun. Ah, sa kanya pala 'to. Hindi ako usisero pero, nagawa kong buksan ang phone n'ya. Wala kasing password tanging swipe to unlock lang. Hmm. Matignan nga, kaso napindot ko ang notes n'ya. Aish! Tanga naman Nathan! Diary n'ya ata 'to? Binuksan ko ang unang notes na may title na

'LIVE LIKE IT'S YOUR FIRST TIME'

Tengeneng! Kailangan talaga all caps?! Binuksan ko 'yun... Ito ang nakalagay.

'LIVE LIKE IT'S YOUR FIRST TIME'

"Ganito pala ang pakiramdam ng may malubhang nararamdaman.

Parang natatakot ka na baka bukas hindi ka na magising Nakakatakot.

Sana matapos na lahat ito.

Ngayon, maglalakbay ako.

Gagawin ko ang mga dati hindi ko nagagawa.

Sana maging memorable ito bago ako mawala..

Love, Niya

Ang drama pala ng buhay n'ya?

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon