CHAPTER 3

Truth


"Mom? Dad?" sinalubong ako ng yakap ni Mom. Kinakabahan ako na malaman nila ang totoo.

"Are you okay, sweetheart?" tanong ni Mom.

"Yes, Mom, Dad. I'm completely fine" I lied. Kahit hindi naman talaga.

"Tatawagan ko lang po ang Doctor, excuse."

"'Wag!" sigaw ko.

Lumingon silang lahat sa'kin.

"Bakit ayaw mong tawagin ang doctor?" ask Mom.

"No need.. Ahm.. I-I'm fine. I'm okay!" I even smiled at them para ipakitang okay ako.

But too late. Biglang pumasok ang doctor at lumapit sina Dad. Nasapo ko ang noo ko. Nakita kong nakikinig lang ng usapan si Nathan. Naman! Sana wala pang test na nagagawa.

"I think she's okay now. We need some more test." said the doctor.

"I'm okay na doc. Stress lang po siguro ako" ngumiti ang doctor at nagpaalam.

"Are you really sure na okay ka?" ask Dad.

"Yup! I'm okay."

Hindi na nila pinagpilit ang gusto nila but then alam kong malalaman din nila ang tungkol sa sakit ko.

Nagpaalam na si Nathan na aalis na s'ya. Kailangan hindi nila malaman ito.


Umuwi ako ng bahay kahit hindi ko pa nasisimulan ang plano. Nakahiga lang ako sa kama and I scan my phone at nakita ko ang message galing sa unregistered number.

Unknown number: Are you sure na okay ka? This is Nathan the handsome (wink)

Shet! Handsome daw?

I replied.

Niya: Yup. I'm okay. Thanks. And oh! Really? Handsome ka? Tsk! ._.

Nathan: Oo nga! Pogi ako at cute (wink)

Niya: Yuck! Taas ng confidence mo! Psh! ._.

Nathan: Weh? Maka yuck ka naman. Parang may nakakahawa akong sakit. (sad)

And his reply hits me. Sakit. I wish wala na lang akong sakit. And this cancer will fade away.

Nathan: Hoy! Tulog ka na?

Nathan: Tinulugan mo na ako? Grabe ka.

Pumikit ako pagkatapos kong basahin ang message nya. Tiningala ko ang ceiling ng kwarto at namalayan ko ang pagbagsak ng mga luha ko.

Niya: Can I tell you a secret?

Mabilis syang nagreply.

Nathan: Ano? Crush mo 'ko? Hahaha.

Niya: Sira. Hindi.

Nathan: Ano nga?

Niya: May sakit ako.

Nathan: Ubo? Sipon? Lagnat?

Niya: Nope. Cancer, stage 2.


Hindi agad s'ya nakapag reply pero nakita ko sa screen na tumatawag sya.

Sinagot ko iyon.

"Sorry," sabi nya pagkasagot ko.

"Ano ka ba?" tumayo ako at binuksan ko ang sliding door ng balcony ng kwarto ko at sumandal ako sa railing.

"Magpagamot ka. Mag chemo ka. Para gumaling ka at sundin mo ang payo ng mga doctor-"

"The thing is, hindi alam ng parents ko ang tungkol dito." sabi ko.

Narinig ko ang pagkalabog sa kabilang linya at nagpatuloy lang ako.

"Ayaw kong magpagamot, Nathan."

Napatingin ako sa gawing kanan sa kabilang bahay at sa terrace may isang lalaking nakasandal sa railing.

"Hey, Nathan. Saan ka ngayon?" Tinitignan ko ang lalaki na may kausap sa phone. Humarap sya sa railing at napagtanto kong parang si Nathan 'yon.

"Hoy, nakikinig ka ba?"

"Huh?" napaiwas ako ng tingin sa lalaki at sinagot si Nathan.

"Wala, nasa terrace ako ngayon" sabi nya.

Muli kong tinignan ang lalaki.

"Bakit ayaw mong magpagamot? Ayaw mo bang gumaling? Para sa pamilya mo." tanong nya.


Hindi ako nakasagot agad sa naging tanong nya.

"Para naman sa kanila 'yang gagawin mo. Bakit hindi mo subukan?" aniya.

Huminga ako ng malalim.

"Ayoko talaga, Nathan"

Napatingin ako sa kalangitan at maraming stars at ang napakaliwanag na buwan.

"Bakit nga ayaw mong magapagamot?"

"Ayaw ko kasi.." I trailed off.

"Kasi?"

"Ayokong ilaan ang araw ko sa hospital. Gusto ko na lang gawin ang hindi ko nagagawa dati"

"Tulad ng"

Hmm? Ano nga ba?

"Mag travel, i-try ang mga extreme activities at.."

"At ano pa?"

"...Maging masaya."

"Hindi ka ba masayang nakilala mo 'ko?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya.

"Baliw ka! Hindi ka kasama!" sigaw ko.

"Ouch! Kailangan may pagsigaw?"

Tumawa tuloy ako sa sinabi n'ya

"I want to be happy, Nathan. Bago ako mawala gusto ko maging masaya ako.." sabi ko. "Can you do me a favor?"

"What?"

"Be with me."

"Huh?"

"I mean, be with me everytime na aalis ako or what. Gets mo?"

"Yun lang naman pala e" sabi nya.

Napangiti ako. Atleast may reason ako para dito.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon