CHAPTER 21
Hindi rin kami nagtagal sa states. Isang taon lang kami nanatili do'n at bumalik din kami ni Kuya. Hindi ko kayang makita ang sarili ko na nagiging ganito.
"Nico will fetch you, mauna ka na lang" matiim kong tiningnan si Kuya Aron.
"How about you, Kuya?" sabi ko. Habang tulak ko ang luggage cart.
"I have some impor-"
"Niya!" mabilis na napalingon ako sa waiting area. At kumakaway sa'min si Nico.
Ngumiti ako at mabilis na tinungo s'ya para yakapin. How I miss him!
"How are you?" masayang tanong niya.
"I'm fine! I mean I'm good" ngumiti ako ng pagkalawak lawak. Biglang may dumamping palad sa braso ko, at ayun, nanlilisik ang mata ni Kuya.
"You almost forgot you have a damn luggage."
"Iih! Kuya! Excited lang kasi ako! Peace?" sabay ngisi ko ng pang aasar.
Bumaling ng tingin si Kuya kay Nico.
Tinulak kong muli ang luggage cart.
"Ikaw na maghatid sa kanya." paalalang muli ni Kuya.
Palinga linga ako ng tingin. Ewan ko pero I have this feeling na..Basta! 'Wag muna yon.
Naging okay naman ang lahat. Okay naman ako pero hindi ang puso ko.
Iniisip ko na lang ang treatment ko, lie low muna ako sa pag ibig.
Ilang beses ko rin inisip kung, tama ba na bumalik ako, o mas maganda na nanatili na lang ako ng states.
Hindi naman ako dying, siguro it takes time para tuluyan na akong gumaling sa sakit ko.
"What are you thinking?"
"Wala," walang ganang sagot ko.
Mabuti na lang at hindi na s'ya nagpumilit pa.
"Gutom ka na ba? Mag stop over tayo sa Prendies Grill para makakain ka"
"Uh-huh" ngunit nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana.
Alam kong tinitingnan n'ya ako.
Nang makarating kami sa Prendies Grill, ay humanap kami ng two seaters.
Nang excuse muna ako kay Nico para mag bathroom.
Ngunit hindi pa man ako nakakarating ng bathroom. Isang familiar na lalaki ang nahagip ng aking mata na kakapasok lang ng resto.
Pakiramdam ko bumalik ang mga sakit at pait na naidulot nito sa'kin. Nag iwas agad ako ng tingin at tinungo ang bathroom ng muntik na kaming magkatinginan.
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved