CHAPTER 39
Napamulat ako ng aking mga mata. Nakita ko si Nathan na nakangiti pagkamulat ko.
"N-Nathan?" At doon ko na-realize na nakayakap pala siya sa'kin.
Napakurap ako ng aking mga mata ng mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang mukha.
What the hell?
Bigla na lang siyang tumawa dahil siguro sa reaksyon ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga pero hinila niya ako kung kaya't napahiga akong muli.
"Aalis ka na naman?" aniya sa malungkot na salita. "Lagi ka na lang ba aalis? Lagi mo na lang ba akong iiwan?"
Napalunok ako.
Muli niyang inilapit ang mukha sa aking leeg. Kaya napasinghap ako ng maramdaman ko ang kanyang paghinga.
"Don't leave me again." Naramdaman ko na parang may mga luhang pumapatak sa aking leeg.
"Nathan,"
Inilayo niya ang mukha niya sa aking leeg at hinarap ko siya.
Para akong nanghina ng makita ko ang mga luha niya.
Tumagilid ako at tiningnan siya sa mga mata.
Nagawa kong punasan ang mga luha niya.
"Sorry for hurting you," aniya ko sa mababang boses.
"Let's talk about us," aniya.
Sandali akong natigilan ng sabihin niya iyon. Umiwas ako ng tingin at kinaya kong tumayo.
When I was about to open the door, muli siyang nagsalita.
"Hanggang kailan mo balak umiwas?" aniya.
Binitiwan ko ang seradura at nilingon siya.
"Hangga't kaya ko. Gagawin ko." mariin kong sabi.
Narinig ko ang pagtawa niya.
"Ano bang gusto mong pag usapan natin?" aniya ko.
"About us, you, our feelings and the past three years." he firmly said.
"Patungkol sa atin? Nathan, ano ba kita noon? Ano mo ba ako noon? 'Di ba wala namang tayo? Walang tayo noon, Nathan."
Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang daliri.
"Wala ngang tayo, pero alam at ramdam ko na merong tayo noon."
"Bahala ka kung ano'ng gusto mong isipin. Pero natapos na ang meron tayo."
At kasama mo pa rin si Brenda. Nariyan pa rin siya sa'yo.
Tinalikuran ko siya at balak ng umalis pero hinila niya ako at niyakap from behind.
"You're not going to leave me again." Muli niyang inilagay ang kanyang ulo sa aking leeg.
Don't do this, Nathan.
May iniabot siyang papel na nakatupi sa dalawa.
"Sulat mo 'yan sa'kin noon." Humigpit ang kapit ko sa kumot. Tiningnan ko siya na ngayon ay nakaluhod at hinahanap ang aking paningin.
Hindi ko magawang tignan siya sa mga mata.
"Sulat mo ito, 'di ba?" Muli kong tiningnan ang sulat at siya.
"Yes," aniya ko.
Bumaba ang tingin ko sa sahig nang buksan niya ang sulat.
"Ikaw ang sumulat nito 'di ba?" My hands are trembling nang kunin ko iyon.
=
Nate,
Kung nababasa mo ito, ay wala na ako sa tabi mo. Ayoko lang lumala ang sitwasyon kaya pinili kong lumayo sa'yo. Natatakot lang ako na suwayin ang gusto ng Parents ko. I love you but not now. Someday, I'll fight for us, for you. You know how important you are to me but, I can't give you my heart for now. Sorry.
Shaniya
=
Naibagsak ko ang aking balikat. Sinulat ko 'yan para sa kanya noon, pero hindi ko naibigay.
"Paanong napunta sa'yo ito?" hawak ko ang sulat at tiningnan siya.
"Pinadala mo sa'kin." aniya.
Bumuntong hininga ako
"Hindi ko pinadala sa'yo"
Naguguluhan siyang tumingin sa'kin.
"When I was about to send that letter to you naisip kong 'wag na. And to think na 'wag mo ng isipin kung bakit ako lumayo. I was just scared, Nathan. Nung panahon na yun, takot akong humindi sa gusto nila. Handa na sana akong ipaglaban ka.." unti-unting bumagsak ang mga luha ko. "Then until one day, your Mom came to our house, she said that If I don't leave you, may ilalabas siyang sikreto ng pamilya namin.." tiningnan ko siya. "And I don't want it to be happen. Kaya pinili kong...iwanan ka.." Napa halukipkip ako't napaiyak.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin ng mahigpit.
"Hush.. I'm sorry If hindi ko inalam 'yan. Sorry, love.."
"Ngayon na alam mo na ang totoo, kaya please, hayaan mo na lang ako."
"No, I won't let you go." Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.
Tiningnan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"I mean, hindi na kita hahayaan na mawala ulit." At kasabay ang paglapat ng kanyang labi sa akin.
"I love you," he kissed me again.
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved