CHAPTER 25

Nagpalinga linga ako sa loob ng movie house. Ewan ko pero, may iba yung pakiramdam ko.

Sumandal na lang ako. Nang mag vibrate ang phone ko, tiningnan ko kung kanino galing ang message.

Nico:

Where are you?

-

Me:

Mall. Sa movie house. Why?

-

Nico:

Ahh. Papunta sana ako sa inyo.

-

Me:

Talaga? Uwi na lang ako kung ganun.

-

Nico:

Sure ka?

-

Me:

Yep. Boring dito sa cinema.

-

Tumayo na lang ako at naglakad palabas ng cinema.

Nico:

Tawagan na lang kita.

-

Hindi pa man ako nakakapag reply, nag ring agad at tumatawag si Nico.

"Sa'n ka ba ngayon?" tanong ko ng makalabas ako ng cinema.

Inayos ko ang bag ko kasi nagulo ito kanina ng hinalungkat ko ang wallet.

"Hey. Hindi ka nagsasalita" aniya.

Inayos ko ng lagay ang phone sa tainga ko para marinig ng maigi si Nico.

"Nakikinig ako" sabi ko.

Inilibot ko ang paningin ko at ng makita kong papunta rin ng movie house si Nathan kasama yung babae.

Sht! Magkaka salubong kami!

"So. Pauwi ka na? Niya? Hey?"

"Oo. Pauwi na 'ko" Iniwas ko ang tingin sa kanila


"Sige." sabi ko.

Yumuko ako habang kausap si Nico. Para hindi n'ya ako mapansin.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mata na nakatingin sa'kin si Nathan.

Leche.

Binilisan ko ang lakad at ng makalagpas ako sa kanila doon ko lang inangat ang tingin ko.

"See you later, Niya" saka ko na lang narinig ang busy tone hudyat na ibinaba na ni Nico ang call.

Abot-abot na nga ang kaba ko kanina, kahit pa dito at makikita ko sila.

Napahinto ako at pilit na kinalma ang sarili. Kahit ang puso ko ayaw din kumalma.

"Shaniya"

Napalunok ako ng marinig ko mula sa likod ang boses na 'yon.

The heck! Sinasadya ba ng pagkakataon? O sadyang nagkataon lang.

Humarap ako sa kanya. Kahit parang tinatambol na ang puso ko. Sht! Kumalma ka!

"Nathan." ngumiti ako na para bang wala lang. Pero ang totoo. Gusto ko nang tumakbo at takasan s'ya.

"I thought, may kasama ka" malamig na wika n'ya. Hindi ko kayang tingnan s'ya sa mga mata at baka mahila ko lang s'ya at yakapin. Gosh!

What am I thinking? No way! Ayoko syang yakapin.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon