CHAPTER 42

Napatingin si Nathan sa'kin.

"Sige, Susunod ako." aniya ko. Isinara ni Lovely ang pinto.

"Sino 'yung naghihintay sa'yo?" aniya Nathan sa isang malamig na boses.

"I don't know, maybe one of my client." aniya ko. Isinara ko ang aking laptop. Nagdial ako sa reception area.

"Client?" turan niya.

"At 'wag ka na maraming tanong," aniya ko.

"Yes, Miss?" ani sa kabilang linya.

Napabuntong hininga si Nathan.

"Pakisabi bababa na ako."

"Yes," aniya at ibinaba ang tawag.

Pagkalapag ko sa telepono, seryosong nakatingin si Nathan sa'kin.

"Mamaya na lang tayo mag usap." aniya ko at tumayo.

"Sasama ako," nilingon ko siya at isang tungo ang isinagot ko.

Binuksan niya ang pinto at pinauna ako. Hindi ko siya nilingon dahil hindi naman alam ng lahat ang sa'min.

Pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.

Tiningnan ko siya, bakas sa'king mukha ang pagkagulat pero nanatili siyang nakatingin sa paligid.

Hinayaan ko na lang na ganun kami. Ang magkahawak ang aming kamay.

Napabitaw ako sa kamay ni Nathan. Hindi ko alam na narito siya, nakakagulat na nagpunta pa siya rito.

"Lenard," Tumingin ako kay Nathan na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Shaniya," Lumiwanag ang mukha niya ng makita ako. Akma niya akong yayakapin ng hinila ako ni Nathan at itinago sa kanyang likuran.

Si Nathan ang humarap kay Lenard, iniharang niya ang kamay at matiim na tiningnan si Lenard.

"And who are you?" maangas na tanong ni Lenard.

"Back off, she's mine." Napalunok ako at ng tingnan ko si Lenard, naguguluhan itong lumingon sa'kin at kay Nathan.

"L-Lenard, kasi," Umalis ako sa likuran ni Nathan pero ni hindi niya binitiwan ang kamay ko.

"Mukhang alam ko na," aniya. Napahilamos siya sa kanyang mukha at tiningnan si Nathan.

"Is he the one na tinutukoy mo noong nasa States tayo?"

"Ano mo ba siya, Shaniya?" bulong ni Nathan sa'kin. Sandali akong tumingin kay Nathan at bumaling kay Lenard.

"Yes, Siya nga."

"Answer me, Ano mo siya." ani Nathan.

Muli akong lumunok.

Magsasalita na ako ng nagsalita si Lenard.

"Fiancee niya ako," aniya Lenard.

Nakita ko ang pag igting ng panga ni Nathan at ang pagluwag ng hawak niya sa aking kamay.

"Nathan.." Tiningnan ko siya. Madilim na tingin ang ibinigay niya at ang pagbitiw ng kanyang kamay.

"Let me explain, mali ang iniisip mo."

Sa halip na pakinggan ako ay binitiwan niya ang aking kamay.

"I'll let you explain." Isang mabilis na tingin ang ibinigay niya kay Lenard at iniwan kaming dalawa.

"Bakit mo naman ginawa 'yon?" singhal ko.

"Relax! Chill ka lang! Hahaha!"

"Hindi nakakatuwang biro 'yan."

"Woah! Galit ka na?"

Sinuntok ko siya sa braso.

"Aray!-Ouch!"

"Napaka mo talaga!"

Tinalikuran ko siya.

Kainis talaga ang Lenard na 'yon! Nakakainis siya!

Huminga ako ng malalim at napahalukipkip.

Leche talaga ang lalaking 'yon!

Ngayon mukhang pag aawayan pa namin ito.

Nang nasa tapat ng ako ng pinto ng aking opisina.

Bumuntong hininga ako at pinihit ang seradura.

Nakatalikod siya at nakaharap sa glass window ng opisina

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon