CHAPTER 31

Huminga muna ako ng malalim bago ko ilang ulit napag isipan na i-text s'ya.

Sinabi kong magkita na lamang kami sa isang coffee shop. Gusto ko lang marinig ang paliwanag n'ya.

And this time, I'll let myself listen to him. Maybe I was just exhausted.

. . .

"Sorry, na-late ako." Ngumiti lang s'ya sa'kin.

Umupo ako. Pero nanatili lamang s'yang tahimik.

"Ano'ng gusto mong pag usapan natin?" aniya.

Tiningnan ko s'ya. At sa totoo lang, pakiramdam ko, parang ang hirap tingnan s'ya sa mga mata n'ya.

Narito pa rin sa'kin ang kaunting pag asa na pwede pa kami.

"Explain." aniya ko.

Kumunot ang noo n'ya.

"Gusto ko lang marinig ang side mo. Gusto ko lang malaman kung..bakit, Bakit hindi mo sinabi sa'kin."

Ilang ulit kong nakita ang paglunok n'ya.

Gusto kong umiwas ng tingin sa kanya, dahil pakiramdam ko, nanghihina ako na makitang humihingi ng tawad ang mga mata nito.

"Hindi ako mag rereklamo. Gusto ko lang ng closure. Ayoko lang kasi na, isipin ng paulit ulit kung bakit, bakit mo itinago?"

"Hindi ko na dapat sasabihin sa'yo ito. Pero dahil, hinihingi mo na rin sasabihin ko na."

Umiwas s'ya ng tingin at animo'y hindi n'ya alam kung saan magsisimula.

"Okay," muli s'yang napahinga ng malalim. "At first, hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito." Muli n'ya akong tiningnan.

"Shaniya, I don't know kung maniniwala ka pero, natakot lang akong sabihin sa'yo. Inisip ko na wala ako sa lugar para sa'kin magmula ang totoo. Then your Mom asked me a favor na 'wag kong sabihin sa'yo ang totoo. Remember nung nawalan ka ng malay? 'Yung una natin pagkikita. That was the time na nalaman ko."

Bumagsak ang balikat ko dahil sa mga sinabi n'ya.

Pero at some point. He just want me to find the truth by myself. I don't know where I can find my words. I'm so speechless, he's a good keeper.

May namuong ngiti sa aking labi.

"Sorry. Sorry kasi, noong una I don't want to listen up with you. Pakiramdam ko kasi, masyado akong pinagkaisa ng lahat." aniya ko. "Pero gusto kong sabihin na thank you. Thank you sa lahat"

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon