CHAPTER 27

Almost three days, Oo, three days nung huli kong nakita si Nathan kasama ang Brenda na yon.

Pinakita kong okay lang ako nung panahong nagkita kami. Pero at the back of my mind, hindi.

"Hey, Natulala ka d'yan?" untag ni Nico sa'kin.

"Huh?" Nilingon ko s'ya.

"You're spacing out again."

"May iniisip lang,"

"At ano naman 'yun?"

"Wala nga," umiiling na sabi ko.

Napatingin ako sa aking phone na nakalapag sa center table at umiilaw, hudyat na may tumatawag.

"Wait lang, sagutin ko lang 'to," kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello, Doc?"

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Doc Enriquez mula sa kabilang linya.

"Shaniya,"

"Yes, Doc? Ano po iyon?"

"Puwede ba kitang makausap,"

"Is it about my result, Doc?"

"Yes,"

Nang ibaba ko ang tawag, may kakaibang kaba ang bumundol sa aking dibdib. Bakit pakiramdam ko, may hindi maganda.

Nang makarating ako ng office ni Doc Enriquez, sari-saring pag iisip ang pumasok sa aking isipan.

"Have a sit, Shaniya," aniya. Itinuro nito ang upuan sa tapat ng table.

"We're really sorry, Shaniya"

"Huh? What do you mean, Doc?"

Kinabahan ako, ano'ng ikina-sorry ni Doc?

"Doc, diretsohin mo nga ako,"

"You..don't have a cancer, Shaniya. We're really sorry"

Nanlamig ang buo kong katawan. Natigilan. Natulala and at instance nag unahan ang mga luha ko.

"You..mean doc, all this time." garalgal na sabi ko.

"Talk to your parents, Shaniya. Pinapunta ko na sila dito," Napayuko at napatutop ako ng bibig.

"Niya!" Umiiyak na nilingon ko si Mom. "Doc Enriquez,"

"I'm sorry, Mrs. Curtis. But I have to tell her the truth, excuse"

Naniwala ako that I have a cancer. Iniyakan at halos hindi na nawala sa buong sistema ko-tapos-malalaman ko.

"Mom. Is it true?"

"I'm sorry, sweetheart" lalapit sana s'ya sa'kin ngunit lumayo ako.

"All this time. Mom, naniwala ako sa nalaman ko. But it turns out, na-manipulate pala ako ng sarili kong ina, Mom. Why?" humahangos sa litanya ko.

"Ayoko lang, lalo kang masaktan,"

"Dahil ba dito, sa tingin n'yo po, hindi ako nasaktan?"

Gusto kong isipin na panaginip lang ito. That it's just a nightmare. Gusto kong isipin na isa lang itong masamang panaginip.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.

Naiinis ako na malaman ang totoo.

"When you was a child, sweetheart, iba't ibang posibilidad ang naisip ko. Akala ko madali para sa'yo na itago ito. Pero alam namin ng Daddy mo na, darating sa point na ikaw mismo ang makakaalam. Pinagbawalan kita sa mga bagay na maaring magdulot sa'yo ng masama."

"Ano ba ang sinasabi n'yo, Mom?"

"You don't have a cancer kasi.."

Clueless akong tumingin kay Dad at, kay Mom.

"Mahina ang puso mo, sweetheart. Hindi namin-"

"Hindi n'yo pa po ako dineretso, mas lalo akong nasaktan sa nalaman ko. Sana hinayaan n'yo na lang po na malaman ko ang totoo. Ang sakit lang po kasi na-" pinunasan ko ang aking luha.

"Isang malaking palabas lang pala ang lahat, paniwalang paniwala ako sa nangyayari. Lubos ko naman tatanggapin kung may Heart failure ako. Pero itong nalaman ko? Mas masakit pa ito kaysa sa aking sakit."

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon