CHAPTER 30

Gusto kong isumbat sa kanilang lahat ang mga nalaman ko at nangyari.

Hindi na lamang ako kumibo. Iniwasan ko na lang ang mga bagay patungkol dito.

Lumabas ako ng aking kwarto dahil gusto ko muna magpahangin. Walang mangyayari kung uupo lang ako sa isang tabi at iiyak.

Naabutan ko si Kuya na prenteng nakaupo sa sofa habang nanunuod ng NBA.

"Sa'n ka pupunta?"

Lumagpas na ako sa kanya at huminto pero hindi ako lumingon.

"Papahangin," kaswal na sagot ko.

"Usap tayo,"

Huminga ako ng malalim at hinarap si Kuya.

"Tatayo ka lang ba d'yan?" Napansin ko rin na nakapatay na ang pinapa nuod n'ya.

Pasalampak akong naupo sa pang isahan na nakaharap sa pwesto n'ya.

"Ano 'yun, Kuya." walang ganang sagot ko.

"About pala sa nalaman mo," aniya.

Magsasalita na sana ako ng nagpatuloy s'ya.

"Bago ka kumontra, pakinggan mo na lang ako."

Huminga ako ng malalim.

Para matapos na lahat, pakinggan na lang sila baka sakaling maintindihan ko pa kung bakit nila itinago ito sa'kin.

"Listen first, Shaniya." aniya.

"Kaya namin itinago ito sa'yo, kasi hindi pa handa si Mom sa magiging reaksyon mo. Ayaw lang namin na mag end ang buhay mo dahil sa sakit na meron ka. Masyado ka pang bata para isipin ang sakit mo. Nine years old ka noon, natandaan mo ba nung naglalaro ka kasama si Amanda, nahirapan kang makahinga that time. We were so scared kaya noong pina-check up ka namin, halos hindi namin alam kung paano sasabihin sa'yo 'yun, but then again, naisip ni Mom na, itago muna sa'yo. Sasabihin na lang namin kapag nasa tamang edad ka na. Until, hindi na namin nasabi kasi, naging maayos ka naman. Pero mali kami, hindi ka pa okay. I'm sorry, Shaniya. Kung sa ganitong paraam mo nalaman ito-"

"Kuya,"

Lumapit ako sa kanya para yakapin s'ya. Ganito kami ka-close ni Kuya Aron, pero nang malaman ko ito, parang nagbago lahat.

"I'm sorry din, Kuya. Nadala lang ako ng sama ng loob. Sobra lang akong nasaktan. Sorry,"

"Huwag ka na umiyak," aniya at pinunasan ang mga luha ko.

"Alam din ito ni Nathan," aniya.

Napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Sinabi na n'ya, Kuya." Humiwalay ako sa yakap at muling pinunasan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi.

"Sinabi na n'ya sa'yo?"

"Noong isang gabi, pinuntahan n'ya ako."

"Nagalit ka?"

Napalingon ako kay Kuya at ibinaling ko ang paningin sa sahig.

"Pinangunahan ako ng galit, Kuya. Hindi ko s'ya pinakinggan, pinaalis ko s'ya," wika ko.

"Kausapin mo na lang s'ya kapag kaya mo na,"

"Si Mom at Dad pala?"

Tumingin na ako sa kanya.

"Bumalik ng New York. Sinabi kong ako na lang magsasabi sa'yo," aniya.

Ngumiti na lang ako at ginulo n'ya ang buhok ko katulad ng dati.

"Kuya naman e!" reklamo ko. Tinawanan lang n'ya ako.

"Bahala ka d'yan." pagtataray ko pero deep inside, masaya akong malaman ang totoong dahilan.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad palabas ng bahay. Tinawanan na lang n'ya ako at nanuod muli ng NBA. Ang adik talga sa NBA.

Muli akong napangiti. Okay na ang ganito. Atleast, alam ko ang totoo. Pero may isang tao pa.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon