CHAPTER 37
Pinagsama n'ya sa isang folder ang lahat ng designs. Walang emosyon s'yang tumingin sa'kin.
Gusto kong magsalita ng hindi tungkol sa trabaho. Parang gusto ko na patulan ang mga biro ni Kuya. Pero hindi ko mahanap ang tamang salita para kausapin s'ya.
"Thank you for your time, Miss Curtis." Ni hindi na n'ya nagawang ngumiti. Ako na lang ang ngumiti.
Tinungo niya ang pinto. Gusto ko siyang hilain pabalik at yakapin.
Bakit ko nga ba siya dapat kausapin, halata naman na umiiwas siya.
Nang maisara niya ang pinto, napasandal at huminga ako ng malalim.
I need to focus on my work. Kung patuloy kong iisipin ang nangyari, three years ago, baka maisantabi ko ito.
Tumayo ako at tinungo ang aking kwarto dito sa Hotel.
Kailangan kong ma-set aside ang mga iniisip ko.
Matapos kong makapag bihis ng panligo. Isinuot ko ang aking manipis na dress.
Tinungo ko ang sun lounger. Pagkalapag ko ng aking phone sa mini table ay isinuot ko ang aking sun glasses at humiga sa lounger.
Hindi naman ganoon kainit ng sandaling iyon. Pero bakit parang pakiramdam ko ang uneasy ng lagay ko.
Bumangon ako ng marinig ko ang pag tunog ng aking phone. Itinaas ko ang aking sun glasses sa aking buhok at inilagay sa aking ulo.
Calling.. Nico
Ganoon na lamang ang tuwa ko ng si Nico ang tumatawag.
"Hello? Nico?" aniya ko.
"Shaniya, I miss you."
Tumawa ako.
"Miss mo mukha mo. Haha. Don't me, Nico." tumawa uli ako.
Narinig ko rin ang mahinang pagtawa niya.
"Na miss talaga kita. But anyway, pupunta pala ako diyan."
"Talaga? Akala ko nasa Tarlac ka?"
"Kakauwi ko lang kahapon. And by next week, tutulak ako pa vigan."
"Kailan ka pupunta dito?"
"Siguro by tomorrow."
"Isama mo na lang ako sa vigan. Ayoko na dito." kasabay ang pagtawa ko.
"Are you crazy? Magagalit Kuya mo."
"Hayaan mo siya. Toxic na dito e."
"Hindi pwede, sabihin nag tanan pa tayo."
"Then, let's elope." seryosong sabi ko.
"Huh?"
Tumawa ako dahil sa tono niya.
"Joke! I'm just joking, Nico."
"Huwag kang ganyan." aniya.
"Ang alin? Nagbibiro lang ako."
"Alam ko." aniya. Parang naging seryoso tuloy siya.
"O sige, see you." aniya ko. Hindi ko na narinig ang sinabi niya kasi agad din niya pinatay ang tawag.
Galit kaya siya? Dapat pala hindi na ako nagbiro.
Pagkalapag ko ng aking phone, nahagip ng aking mata si Nathan. Sinundan ko siya ng tingin. Naka pants at white T-shirt siya na bumagay sa kanya.
May kausap siya sa phone, habang ang kaliwang kamay nakalagay sa kanyang bulsa.
Gusto kong i-alis ang tingin sa kanya. Pero bigo akong gawin iyon.
Mabilis na pintig ng aking puso ang kumawala ng magtama ang aming mga tingin.
Kumunot ang noo niya, kaya napa iwas ako ng tingin.
Shit! Nahuli niya akong tinitingnan siya!
Mabilis kong dinampot ang aking phone at muli kong sinuot ang sun glasses ko.
I need to escape. Tumulak ako pabalik. Alam kong sa sandaling ito ay baka nakikita niya ako. Pero bahala na.
Nag iba ako ng direksyon kahit alam kong iyon ang pinaka malapit pabalik.
Kahit saan ba talaga makikita ko siya? Aish!
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved