CHAPTER 19
Malungkot na araw ang sumalubong sa'kin. Hindi ko magawang ngumiti ng tunay.
Ang lungkot naman ng storya na 'to. Ang sakit-sakit.
"Shaniya! Na-miss kita!" Nilingon ko kung kanino nang galing ang boses na 'yon.
"Maica?" Ngiti-ngiti s'yang nag oo. "OMG! Ikaw na ba 'yan?" sinuri kong s'yang mabuti.
"Yep! Bessy! Na-miss kita talaga!" Mabilis n'ya akong niyakap ng mahigpit. To the point na hindi na ako makahinga.
"Bruha ka! Hinigpitan mo masyado." with matching paghampas ko sa braso n'ya.
"Aray ha?" sabay tawa nito. Tumawa ako pero saglit lang. "Kailan ka babalik ng school? But wait, okay ka na ba?"
"Hindi pa, but getting there. At isa pa, on going naman ang gamutan ko. Once na mai-declare na cancer out na ako, maybe babalik din ako." Malungkot akong ngumiti sa kanya.
Habang nag uusap kami, ay s'ya naman pag ring ng phone ko.
"Wait lang, sagutin ko lang" kinuha ko sa pouch ang phone at sinagot 'yon. Kahit hindi ko alam kung sino 'yun.
"Hello?" Pero walang sumasagot. "Hello? Sino ba ito?"
"Hello?" Ulit kong muli. "Kung wala kang magawa sa buhay, 'wag ako ang guluhin mo!"
"Nakakagulo na ba ako sa'yo?" parang huminto ang pag hinga ko.
"N-Nathan?"
"Sorry," sabi n'ya sa kabilang linya. "Gusto ko lang kasi marinig boses mo"
"Narinig mo na 'di ba? Sorry but I have to end this call. Bye." may pait sa boses ko.
"Wait. Niya-"
"Bakit ka pa kasi tumawag ha?... Oo nga pala, It's been five months nung huli tayong nag usap"
"Niya-"
"Ano?!" medyo naiinis na sabi ko.
"I'm sorry."
"Para saan? Dahil sa pagkatapos mong palakasin ang loob ko.. Or sa pang iiwan mo sa ere? Saan Nathan? Alin sa dalawa? O baka dahil sa pagsuko mo? Huh?" bitter na kung bitter. Pero talagang masakit pa rin sa'kin 'yung nangyari.
"Sa lahat, s-sorry"
"Alam mo, 'wag ka na lang mag sorry okay? Siguro nga tama sila. You are not worth to fight for."
"Sorry. I'm sorry"
"Save that, I don't need it now" At tuluyan ko nang pinatay ang call.
Pagka-end, nag uunahang bumagsak ang mga luha ko. Masakit pa rin ang nangyari.
Unti-unting nagiging okay ang lahat pero hindi ako. Hindi ang nararamdaman ko.
"Niya! Bilisan mo!" sigaw ni Kuya sa baba.
Mabilis akong bumaba. Masyado kasing excited si Kuya e!
"Ang bagal bagal mo," reklamo n'ya. Agad akong sumakay ng passenger seat.
"Sa'n ba kasi tayo pupunta?" tanong ko. Nilingon ko si Kuya na abala sa pagmamaneho.
"Basta, malalaman mo rin" sumimangot at nagtipa na lamang ako ng mensahe kay Nico.
To Nico:
Busy ka?
-
Mga ilang sandali nag reply s'ya.
-
Nico:
Nope. Bakit?
-
Me:
Kasama ko kasi si kuya ngayon. Ayaw sabihin kung saan kami pupunta. Kainis.
-
Nico:
Hahaha. Hulaan ko, nakasimangot ka ngayon.
-
Me:
Yeah. Kuya kasi.
-
Nico:
Baka nga ikatuwa mo pa 'yan.
-
Me:
Ang alin? Itong lakad na hindi ko gusto?
-
Nico:
Basta. You'll see. See you. Haha.
-
Ano bang sinasabi nito?
Hindi na ako nagreply pa. Inangat ko ang tingin sa kalsada. Habang tanaw ko ang dinaraanan namin, napansin kong patungo kami ng airport. Ewan ko, pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved