CHAPTER 7

Hindi agad ako nakapagreact dahil sa biglaan n'yang pagyakap. What was that for?

"Uhm..N-Nathan.." Siguro'y na alarma s'ya sa sinabi ko kaya't agad s'yang humiwalay sa'kin.

"S-Sorry.. I was just.." he trailed off.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ng direkta ay naghihintay ako ng sagot nya. Umangat ang tingin ko sa kanya at nakayuko s'yang tumingin sa lupa.

"I was just.. worried kasi...wala ka pa.." I don't know why pero I silently curse under my breathe. May lubos na ligaya akong nadarama. Is he really cared for me that much?

"I was just worried baka, mahimatay ka ulit. You know-"

"I can handle myself.. Thanks." Nagsimula na akong maglakad kasunod s'ya pabalik ng hotel.

Nang makabalik na kami ng hotel ay agad akong nagtungo ng bathroom para maghilamos. Bigla akong nakaramdam ng gutom so lumabas ako ng bathroom para sabihan si Nathan na kumain kami sa labas or mag order na lang sa hotel.

"Nathan?" Napa awang ang labi ko sa nakita ko. He's topless! My God!

Nagulat rin s'ya ng makita n'ya ako kaya't mabilis n'yang kinuha ang bagong shirt n'ya. Agad akong tumalikod at alam ko na sa puntong ito ay sigurado akong namumula ang mukha ko.

"Ahm.. Itatanong ko lang kung....nagugutom ka na... ka-kasi..."

"Okay," malamig na tono ng boses n'ya. At malay ko bang nagbibihis pala s'ya ng t-shirt? Napalunok ako ng marinig ko ang mga yapak n'ya at alam kong tapos na s'ya magbihis.

"Saan mo ba gustong kumain?" tanong n'ya. Binalingan ko na lang ng tingin ang phone kong nagri-ring sa bedside table. Kinuha ko 'yon at nag flash sa screen ang pangalan ni Dad. Why is he calling me?

"Dad.." I calmly said.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Muli akong nagpakawala ng hanginat sinagot si Dad.

"No, Dad. Maybe in two weeks uuwi rin ako.." Narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Mom.

"Is it Niya, Hon?" si Mom.

"Yes," sagot ni Dad.

"Niya," Ngayon si Mom na ang kausap ko.

"Mom,"

"Hindi ka pa uuwi? I'm worried sick anak. Come back home na please.."

Huminga ako ng malalim. Kung sana kasi Niya, sinabi mo na lang sa kanila ang sitwasyon mo. Ang pinagdadaanan mo. Darating din naman ang araw na malalaman nila lahat ito.

Stop it, conscience. You're making this hard.

"I'll be home soon, Mom." Narinig ko pa ang paghinga ng malalim ni Mom.

"Alright, Darling. Come home soon, okay?"

"I will Mom." Then she ended the call. I don't want them to know about this.

Gusto kong ako lang nakaka alam at ang taong kasama ko ngayon. Nilingon ko si Nathan na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa.

Ngumiti s'ya at bakas sa kanyang mukha ang mga tanong nagusto n'yang ibato. I don't have much time to answer his questions.

"Mag dinner na rin tayo. Wait for me, then." bumalik ako ng bathroom na ayusin ang sarili ko. I put a lip tint in my lips at kaunting powder, just enough para matakpan ang malalim kong mata. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Kailan ba ako babalik sa dati? Kailan ulit ako magiging masaya ng hindi ko inaalala ang sakit ko. Huminga ako ng malalim.

Enough for this drama, Shaniya. Lumabas ako ng bathroom at naabutan kong nagta-type si Nathan sa kanyang phone.

"Let's go," sabi ko at tinungo ko ang pinto. Nauna na akong lumabas at alam kong nakasunod s'ya. We decided na sa isang restaurant na lamang kami kumain since mas maganda kung may view pa rin ng taal. kumakain na ako at napapansin ko ang panay ang pagtingin n'ya sa phone n'ya.

"Waiting for someone to call?" Umangat ang tingin n'ya sa'kin at umiling.

"Ah..No, May nagtext lang kanina." Ngumiti ako ng tipid. Ang boring na. Hindi na katulad ng naunang araw. Muli ko s'yang sinulyapan at nararamdaman ko na may gusto s'yang sabihin.

"Now, may gusto ka bang sabihin?"

"It's nothing important,"

"Oh come on, Nathan. Panay ang tingin mo riyan sa phone mo. At sasabihin mo na 'It's nothing important', I know may sasabihin ka."

Huminga s'ya ng malalim at ibinaba ang spoon na hawak n'ya. Bakit pakiramdam ko parang hindi ko yata kaya na marinig kung ano ang sasabihin n'ya.

"Tumawag si Nicole, she said na kailangan ko raw bumalik ng manila ngayon,"

"Oh. Bakit hindi ka nagsabi kanina?"

"I don't want to be rude na iwan kita basta-basta." Gusto kong tanungin kung sino si Nicole na tinutukoy n'ya pero wala akong karapatan na tanungin yun.

"Ngayon na ba?" Tanga, Niya. Ngayon nga daw 'di ba?

"Ano pang hinihintay mo? Kaya ko na ang sarili ko dito."

"But.."

"Sige na. I can handle myself." ngumiti ako ng pilit.

"Sorry," and with that he said tuluyan na s'yang naglakad pabalik ng hotel para kunin ang mga gamit n'ya.

Napasandal ako sa backrest ng upuan. I sighed. Mag isa na naman ako.

I can feel some hot liquid in my eyes. I watched his back until the crowd blocked him. I am all alone, with all by myself.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon