CHAPTER 4

Travel

"Ang bagal mo naman kumilos!" singhal ko pagkalabas n'ya ng bahay nila.

Umalis na ako sa pagkakasandal sa kotse.

"Para kang babae!" tiningnan ko ang itsura n'ya at ngumiti lang ito.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong nya. Binuksan ko ang pinto sa driver seat at naupo na ko.

"Ano pang hinihintay mo, New Year?" sarcastic na sabi ko.

"Ang sungit! Tsk!" pinagmasdan ko syang pumasok sa loob ng kotse.

"Ako na lang kasi magdrive." sabi nya.

Napatigil ako sa paglalagay ng seat belt dahil sa tanong nya.

"Ako na." pinaandar ko ang engine. Tahimik lang sya habang binabaybay namin ang kahabaan ng highway papuntang south.

"Tagaytay?" bigla n'yang nasambit.

"Ay hindi, Baguio" sarcastic kong sabi.

"Umay na ako d'yan e." reklamo n'ya.

Inirapan ko na lang s'ya. Pasalamat na nga lang s'ya sinama ko pa s'ya dito.

"Tulungan mo ko dito!" reklamo n'ya dahil sa kanya ko pinakuha ang lahat ng gamit sa compartment. Tumawa na lang ako dahil inis na inis s'ya.

Paglingon ko sa kabilang dulo ng parking..


Paglingon ko sa kabilang dulo ng parking nakita ko si Arwin na bumaba ng sasakyan. Umikot s'ya sa kabilang side at binuksan ang pinto. Lumabas ang isang babae.

Nakita ko kung pa'no ngumiti si Arwin sa babae.

'Yan na ba ang ipinalit nya sa'kin? Oh well,

"Niya! Tara na!" Napalingon ako kay Nathan na naglalakad na papuntang hotel reception.

"What? Isang room na lang ang available?" tanong kong muli sa receptionist.

"Sorry, Ma'am, pero one room na lang talaga ang available." ngumiti pa ang receptionist sa'kin.

"Okay. I'll get that room."

Binigay n'ya sa'kin ang room number at key card ng room. May finil-up pa ako pagkatapos.

Tumingin ako kay Nathan na busy makipag usap sa isa pang receptionist. Ngingiti ngiti pa ang babae.

"Hoy." tinapik ko ang balikat n'ya.

"Huh?" Nakangiti pa s'yang humarap sa'kin.

"Tara na. Okay na 'yung room." hinila ko ang maleta ko at naglakad na. Kasabay ko ang bell boy upang i-assist kami.

At ang isa nag paalam pa sa receptionist. Tsk! Bahala s'ya.


"What?! Isang room lang tayo?"

As expected nagreklamo na naman s'ya.

"Kung magrereklamo ka, bumalik ka na lang ng Manila." sabi ko at binuksan ko ang maleta ko para kunin ang hygiene kit ko.

"Ang usapan, ay usapan."

Reklamador talaga 'to.

Hinarap ko s'ya kahit hawak ko ang kit ko.

"Bumalik ka na lang sa manila. Kung ayaw mo, kaya ko naman umalis. Kung gusto mo sumama, magtiis ka." binalik ko na ulit ang atensyon ko sa maleta.

"Nakakainis! Pa'no ko didiskartehan s'ya" narinig kong bulong n'ya.

Bahala s'yang magreklamo d'yan.

Nagtungo ako ng bathroom para maghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos, napatingin ako sa reflection ko sa salamin.

Ibang iba na ang itsura ko gaya ng dati. Epekto ito ng sakit ko.

Mapuputlang labi, a pale skin. At ang unti unting pagkaubos ng aking buhok.

"Ayaw mo kasing magpagamot, kahit magtake man lang ng mga medicines."

Napalingon ako sa pinto. Nakatayo roon si Nathan. He looked so calm.

I smiled weakly.

"Aalis tayo mamaya, magpapahinga lang ako" I walk out.


Mga 2 hours ang naging tulog ko. Inilibot ko ang paningin sa buong room ngunit wala s'ya.

Baka naman pinuntahan yung receptionist kanina? Psh. Pakialam ko ba sa kanya?

Um-order na lang ako ng maiinom dito sa bar lounge, hindi ko mahagilap ang isang yun. Uminom na lang ako.

Nara-ramdaman ko na rin na medyo tipsy na ako. Pang ilang glass ko na ba ito? Oh well, bahala na.

I stayed for almost three hours drinking different liqours before I decided to went in my room-err-our. Tsk!

Siguro'y pa ekis ang lakad ko. Dunno. I pressed the 15th floor at nang tumunog ito naglakad na ako.

Well, may key card duplicate ako.

Damn it! Where-the key card?! I can't find it in my bag.

"Are you drunk?" mapungay akong tumingin sa kanya. Talagang inaantok na kasi ako. Past 12am na.

"Shan ka ba ghaling?"

"Pasaway." Hinawakan nya ako sa bewang at sya na ang nagbukas ng pinto.

Papikit pikit ako habang inaalalayan nya akong maglakad.

God! My head is spinning!

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon