CHAPTER 6

Hindi ako makatingin sa kanya at tanging sa tray lang ako nakatingin.

"Naubos mo na, magpahinga ka na lang" napatingin ako sa kanya.

Tumayo s'ya at inilapag sa table ang tray. Inaabot ko ang isang glass ng milk pero s'ya na ang kumuha nito.

Pagkainom kong muli ng gamot, nanatili lang s'ya sa kwarto.

"Magpahinga ka muna kung hindi mo pa kaya." may diin sa boses nya. Pinilit ko kasing tumayo kaya lang mabilis n'ya akong dinaluhan ng muntikan na akong matumba. Dala ng sakit ng ulo ko.

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dahil ba sa muntik na akong matumba o may iba pa?

Napatingin ako sa mga mata n'ya. Na ngayon ay nakatingin din sa'kin.

At ang leche kong puso parang hindi na normal.

Napakurap ako dahil ang lapit ng mukha n'ya sa'kin.

Agad akong tumayo ng maayos.

"Ahm..Mag-magpapahinga lang ako." mabilis akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Deym! What was that?! Napahilamos ako ng paulit ulit. Gosh!

"Babalik ako mamaya," narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

Ayoko na!


"Gumaling ka lang, abusado ka na. Psh." reklamo n'ya ng makaayat na kami sa picnic groove dito sa tagaytay.

Inirapan ko na lang s'ya, tama, ganito ang gawin ko para maiwasan na ang nangyari.

3 days na kami dito sa tagaytay, at ang isa, panay reklamo dahil wala man lang daw kaming pahinga.

Bakit ba? Sinusulit ko lang naman ang buhay ko. You Only Live Once, sabi nga nila.

Naglakad ako sa may dulong part ng cottage namin kung saan tanaw na tanaw ko ang taal volcano. Napakaganda.

Napangiti ako. Sana hindi ito ang huling punta ko dito. Sana hindi ito ang huli na kasama ko s'ya.

"Umiiyak ka," Inabot n'ya sa'kin ang panyo n'ya pero tinanggihan ko.

"Tears of joy 'to." pinunasan ko ang mga luha ko. Totoong tears of joy ito, pero parang tears of pain ang lahat.

"Haay," Napatingin ako sa kanya ng bumuntong hininga s'ya.

"Dito kami madalas pumunta" sabi n'ya ng nakatingin sa taal.

"Sino? Ng family mo?"

"Girlfriend ko," malungkot na sabi n'ya.

Nagulat ako. M-may girlfriend s'ya? B-bakit kakaiba?


Hindi agad ako makapagsalita. Muli kong tiningnan ang taal, hoping na baka wala lang ito, baka masyado lang akong emotional.

"Hindi ko..Alam yan"

Hindi ko alam kasi hindi naman n'ya binanggit.

"Where is she now?" tumingin ako sa kanya. My lips parted ng ginulo n'ya ang buhok n'ya. Is he frustrated to tell 'bout his girlfriend?

"I don't know where is she right now,"

Napataas ang kilay ko.

"She's with someone na pinalit n'ya sa'kin"

Mapakla akong tumawa.

"Same situation" then mapait akong ngumiti.

Alam kong nakatingin s'ya sa'kin dahil nakikita ko sa rear view ko.

"Yes, parehas tayong iniwan" tumingin ako sa kanya at mapait na ngumiti. "Cliche ba?"

"Very unusual lang na nakilala kita at parehas tayo ng naging sitwasyon"

"Well kung ako.." muli kong tiningnan ang taal. "I've move on. I'm sure, you too,"

"It's not that easy" maikling sabi n'ya at bumalik na sa cottage.

He's been trying to move on? Sana nga ganun lang kadali mag move on. I've been there, been that but I've tried to.


Habang nandito pa kami sa picnic groove dito sa tagaytay, ay panay ang baling ko kay Nathan.

Hindi naman s'ya mukhang affected sa mga inamin n'ya tungkol sa ex n'ya.

Muli kong tiningnan ang taal at kinuhanan ko ng picture ito. I even took a selfie, para lang may remembrance ako rito.

"Hindi pa ba tayo babalik?" kunot noo n'yang tanong.

"Ikaw na lang, I want to stay here for a while,"

Hindi s'ya nagsalita at naglakad na s'ya pabalik ng hotel.

Now, what was that for? Is it because of-I don't care.

Hindi ko na lang ininda ang kilos n'ya. Naisipan kong mag horse back riding.

Almost 30 minutes akong naghintay bago ako makapagride sa horse. Enjoy naman ang experience ko sa pagride sa horse pero nung nakalabas na ako ng exit sa horse back riding, nakita ko si Nathan na nakatayo at parang naiinis habang may tinatawagan.

Lumapit ako sa kanya.

"Hey, Akala ko-"

Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla n'ya akong hatakin at yakapin.

Ilang beses akong napakurap sa pag aakalang wala lang ito.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon